Chapter 23

111 3 0
                                    

Naka harap ako kay nicolai ngayon na sobrang galit na galit sakin namimilipit sya sa sakit na natamo nya pero agad din akong dumistansya sa kanya hawak ko pa din ang guting na duguan at naka tutok yun sa kanya.

"Isang malaking pagkakamali na pinag tyagaan kita ng isang taon! Isang malaking pagkakamali na naging asawa kita at naging ama ka sana ng mga batang sinayang mo lang!" Umiiyak kong sigaw sa kanya at muka namang natauhan sya at nakatulala sya saken.

"Oo nicolai buntis ako ng ilang beses at wala kang alam! Dahil wala kang kwentang asawat ama! Kinuha sila ng diyos dahil wala kang karapatan maging ama ng mga mabubuting anghel! Pero itong anghel na nasa loob ng katawan ko ay palalakihin ko to ng tama ilalayo ko to sayo dahil hindi na sya pwedeng mawala pa saken wag mo na ko subukan na pigilan pa dahil sa gagawin mong yan hindi ko na alam ang mangyayari pa sayo."

"At ang mga sinasabi mo saken hindi na ko nakipag kita pa kay allastir nicolai buong buhay ko nakatuon sayo! Ni minsan hindi kita nagawang iwan dahil ang akala ko mahal mo talaga ako pero pagkatapos ng mga nakita ko at naramdaman ko sa kamay mo you don't deserve me! Iniwan ko si allastir para sayo! I give up my degree para sayo! I give up everything! But now it's totally worth less mag dusa ka or worst pwede ka na din mamatay jan." I said and turned around kinuha ko ang kotse nya at nag pakalayo layo.

Ang buong akala ko ay magiging maayos na ko hindi pala, dahil sa sugat na natamo ko sa aking ulo ay lumabo ng husto ang paningin ko at ang sunod ko na lang nakita ay ang pag tilapon ng katawan ko sa isang bahagi ng kalye at nasusunog na sasakyan and all went everything into a deep darkness.

Allastir please save me..

Author's pov (Narrator ang peg)

Isang malaking kaguluhan ang nangyari matapos ang isang aksidente ang lahat ay nanood at ang iba naman ay tumawag ng ambulansya at bumbero upang rumisponde sa naganap na aksidente ang lahat ay naawa sa sinapit ng isang babaeng duguan madaming sugat at pasa maya maya pa ay dumating ang isang black van ang lahat ay nag bigay daan may mga lalaking umasikaso sa katawan ng babae at agad nilang binigyan ito ng lunas.

Sa takot ng mga nanonood ay wala ni isang pumigil sa mga ito sa pag kuha sa katawan ng babae at pinasok sa van habang nasa van sila ay pinipilit nilang irevive ang babae hanggang sa makarating sila sa ospital agad na inasikaso ang babae at dinala sa operating room upang magamot ng maayos matapos ang ilang oras ay wala na sa bingit ng kamatayan ang babae ngunit hindi nakaligtas ang bata sa kanyang sinapupunan.

Nasa coma ang babae at nasa kwarto lamang ito ng ICU walang ibang maaring pumasok at lumabas maliban sa mga doktor masyadong maselan ang katawan ng babae kaya naman ay hindi sya maari pang dalawin.

Pagkaraan ng ilang linggo ay naging maayos na ang babae pero hindi pa din ito nagigising wala na ang mga sugat at pasa sa kanyang katawan at inaantay na lang ang kanyang pag gising nilipat na sya sa isang private room doon ay may isang taong nag aantay ng kanyang pag gising araw araw syang pumupunta sa hospital para makita at humingi ng tawad sa babaeng nakahiga sa kama kahit walang respond mula sa babae ay hindi pa din nawawalan ng pag asa ang taong ito.

Nag pasya ang lalaki na i alis ang babaeng ito sa america at ilagay sa isang lugar na walang ibang makakakita o nakaka alam ang lugar na to ay nadikubre ng lalaki at pinangako na dadalhin don ang babae oras na makuha nya ang babaeng ito mula sa kamay ng demonyong yon.

Ilang linggo muli ang nag daan at walang humpay sa pag aalaga at pakikipag usap ang lalaki sa babaeng natutulog lagi nya itong sinasabihan na mahal nya ito at nais na nyang gumising ang babae hindi sya madasaling tao pero napipilitan syang mag dasal upang magising na ang babaeng kanyang minamahal.

Isang gabi ay tila nadinig ng nasa itaas ang dasal ng lalaki nagising na ang babaeng kanyang minamahal hindi nya na napigilan at agad nya itong niyakap ng mahipit habang umiiyak habang ang babae naman ay hindi makapaniwalang nasa bisig sya ng huling lalaking nabanggit nya bago sya mawalan ng ulirat.

Ng mapansin nya na nasa ibang lugar sya ay napatingin sya sa lalaki imbis na sagutin ay binigyan muna siya ng tubig agad naman nyang inubos yon.

"Nasaan ako?" Tanong nito sa lalaki.

"You are in my private island, your safe in here don't worry." Sagot ng lalaki sa kanya bumaba ang tingin nya sa kanyang tyan at napatingin sa lalaki bakat sa muka ng babae na sana buhay pa ang baby nya na nasa loob ng kanyang katawan pero hindi wala na.

"Okay lang ba ang baby ko? Please tell me yes." Umiiyak na sabi nito sa lalaki.

"I'm sorry, the baby is gone." Sagot ng lalaki sa mahinang tono halos gumiba naman ang mundo ng babae sa kanyang narinig umiyak sya at agad naman syang niyakap lalaki upang pakalmahin.

"The doctor said they do anything to save the baby but they have to choose between you and the baby, kung yung baby ang ililigtas nila malaki pa din ang posibleng mamatay din sya dahil sa sobrang sama ng nangyari sayo wala silang nagawa kundi ang iligtas ka na lang because you have a huge possibility na makaligtas ka. I'm so sorry you have to feel and suffer for a long time babawi tayo at kukunin natin lahat ng buhay ng may gawa nito sayo pangako ko yan."

Walang nagawa ang babae kundi ang umiyak at mag wala sa bisig ng lalaki wala naman din ibang magawa ang lalaki kundi patahanin ang babae hanggang sa makatulog ito kakaiyak nilisan nya ang muka ng pinakamamahal at tingnan ang nakaka awa nitong muka maya maya pa ay tumawag na sya sa kanyang telepono.

"Dalhin nyo sya dito." Yun lang ang sinabi nya at pinatay na ang tawag.

One night mistakeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon