Chapter 11

210 4 0
                                    

"Isa pang may tumingin dito susugurin ko na talaga! I don't care about my reputation! Nakakapikon na mga tao dito!" Inis na sabi ni laura habang naka upo kame sa isang table dito sa cafeteria.

"Don't mind them Laura it's just waste of them kumain ka na lang you too miki." Sabi samen ni Allastir yep he's with us.

"Kabog naman kasi ng revelation imagine napauwi ako ng pinaaga at iniwan ko yung jowable ko don para umuwi dito at may kakalbuhin lang na tao." Inis na sabi ni laura samen.

Nalaman kasi ni Laura na natuloy ang engagement ko at ikakasal na ko pagka graduate ko ng college at kaya sya galit na galit ay kasi dahil don at sa chismis na cheater daw ako at si Allastir ang third wheel dahil lagi kameng mag kasama.

"Sorry talaga lau, hindi ka na sana nag abala pa sana tinapos mo na lang ang photo shoots mo don, napagod ka tuloy." Malungkot kong sabi sa kanya hinawakan naman nya ang kamay ko.

"It's okay cousin believe me, it is really okay yung mga chismisa at chismoso dito ang hindi okay nakakainis lang talaga bat kasi nabuhay pa si nikolai?! Pwede naman syang mamatay na lang!" Sigaw ni laura saka tumayo at may nilapitan na table.

Nagulat kame ni Allastir at nag katinginan at agad kameng tumayo at hinila si laura pag katapos nyang sampalin ang tatlong naka upo sa table na nilapitan nya.

"Sa susunod na pag chi chismisan nyo ang pinsan ko siguraduhin nyo naman sana na hindi ko naririnig! Sa sobrang lakas ng bunganga mo kulang na lang bigyan kita ng megaphone!" Sigaw ni laura sa mga babaeng nagulat pa din.

"Laura enough." Allastir said saka sya pumuwesto sa harap ng mga babae ang akala ko e mag so sorry sya pero isang pag kakamali ata yon.

"You heard the lady, right? Loud and clear sa susunod na maka rinig pa ko ng kahit anong balita nyo about kay miki pasensyahan tao pero uubusin ko mga lahi nyo." Seryosong sabi ni Allastir hindi ko alam kung ako lang pero gumapang ang lamig at kiliti sa batok ko.

Nanahimik ang maingay na cafeteria at napalitan yon ng matinding takot kahit ako natakot maya maya pa ay hinila na ko ni laura at naupo na kame sa table namin kanina at umakto sya na para bang walang nangyari ganon din si Allastir na busy na sa pag kain nya sinubuan nya pa ko saka nginuso ang pagkain kong kanina pa hindi nagagalaw.

Kumain na lang kame at pagkatapos non ay pumasok na kame sa kanya kanya naming klase, naging ilag ang mga tao saken at wala naman saken yon dahil alam kong takot sila na magaya sa sinampal ni laura sa school.

After ng klase namin ay umuwi na din agad ako dahil pinapatawag daw ako ni mommy pag uwi ko ay nagulat ako sa isang sampal na natanggap ko mula kay mommy sa sobrang lakas ay naramdaman ko na ang hapdi at nalasahan ko ang dugo mula sa labi ko.

"Ano nanamang ginawa mo miki?!" Galit na tanong saken ni mommy.

"Wala naman po akong ginawang masama mommy." Depensa ko sa sarili ko.

"Oo ikaw wala! Pero si laura meroon! Alam mo bang pinabalik sya sa Paris dahil lang sa umuwi sya dito sa pilipinas para lang manampal ng studyante dahil lang pinag chismisan ang kalandian mong yan?! At muntik pang mawala ang deal nila sa isang negosyante na malaki ang maitutulong sa company natin?! Hindi ka ba nag iisip?! Ha?!" Sigaw ni mommy saken.

"I'm sorry mommy hindi ko naman po alam kahit po ako nagulat ng umuwi si laura dito hindi ko rin naman po expect na gagawin nya yon."

"Hindi mo alam?! Wag kang tanga miki! Alam nating lahat na gagawin ang lahat ni laura para sayo! Alam ko namang hindi ka bulag at walang deperensya ang mata mo ikaw ang gusto ni laura and she treats you like a sister and do you expect na mananahimik si laura after what those girls did to you?! Stop acting like you are in a damsel in distress miki! Fight back if you are in a right position! Wag kang umaasa sa mga taong laging pomo protekta sayo!" Sigaw ni mommy.

"Pero mommy you teach mo to become this." I said.

"What did you just said miki?! Ginagalit mo ba ko?!" Inis na tanong nya.

Naramdaman kong tumulo ang luha sa mga mata ko. "No mommy i just want you to realize that you teach me how to become a dansel in distress, you teach me how to become a nothing but a robot you can control, or manipulate all my life i just want you to treat me like i am your daughter all of my birthdays i wish that you can atleast see me as your daughter, hindi yung manika mo o puppet mo lang tao din ako mommy sana naman makita mo yon. I'm really tired being a perfect daughter even I don't I'm tired being controlled."

"What's going here." Narinig naming sabi ni daddy lumapit agad si daddy kay mommy at may binulong tumingin si mommy saken at agad nyang hinila ang braso ko.

"Enough with your dramas miki go and fix yourself andito sila nikolai ayusin mo na ang itchura mo ngayon din!" Sabi ni mommy at tinulak ako papasok ng bahay, hindi ako nakita nila nikolai or kahit sino sa family nila ang nangyari dahil si daddy ang nauna sa kanila nang hihinayang pa ako dahil hindi nila nakita ang totoong kulay ng parents ko.

Umakyat at pumasok ako sa kwarto ko nag bihis na din agad ako at nag simula ng mag ayos ng muka ko kinapalan ko ang powder at foundation ko sa muka dahil sa sobrang red ng mata ko, ng makita kong okay nako ay bumaba na din ako nag lakad papunta sa sala ng makita nila ako ay tumayo sila at nag simula ng mag lakad palabas ng bahay.

Kinuha ni nikolai ang kamay ko at inalalayan nya kong makalabas at sumakay sa kotse nya wala akong alam sa nangyayari pero masama ang kutob ko rito.

One night mistakeUnde poveștirile trăiesc. Descoperă acum