Huminto yung sasakyan sa harap ng KFC, "Peace offering?" natawa ako sa kanya pero umagree din sa plano niya.

"Ako nalang bibili. Anong gusto mo?" tanong ko sa kanya. Bumaba ako sa kotse at hinintay yung sagot niya sa may bintana

"Busog pa ako." nakangiting sagot niya.

Pumasok na ako sa KFC nang mapansin kong may nakasunod sa akin. Akala ko si Enrique pero wala naman. May isang parang grupo lang na nagbubulungan

"Good morning mam. Ano pong order niyo?"

"6 Korean Bibimbap. And 6 Large coke without ice. Take out" sabi ko. Inulit niya yung sinabi ko at tumango naman ako

Again, lumingon ako sa likod ko nang may narinig ko yung boses ni Katsumi pero wala naman siya. Kung meron man siya dito, baka may date yun. Ha! Niloloko niya na naman si Daezen!

"Mam. Ito na po" humarao ulit ako sa counter at kinuha na yung paper bag na dalawa tapos yung isang supot drinks yung laman.

Pagkalabas ko, nakita kong patakbo papunta dito sa akin at tinulungan ako buhatin yung ibang pagkain. "Salamat"

Kahit buhat niya yung dalawang paper bags, pinagbuksan niya parin ako ng pinto. Nilagay niya sa likod yung mga pagkain pero hawak hawak ko itong drinks. Baka kasi matapon. Sayang.

*beep*

Kinuha ko yung phone ko sa bulsa ko at nakita ko na nagmessage si Magui sa akin

"Hi ate Kath! (^___^)"

Napangiti ako sa message niya. Magrereply na sana ako nang may nagtext ulit,

"I heard na nag away kayo ni Kuya. Okay ka lang ba ate Kath? Tatawag ako" sakto naman pagkatapos kong mabasa yung message niya, nagring yung phone ko

"Hi Magui" tumingin sa akin si Enrique saglit at ngumiti siya

"Hi ate Kath! Base on your voice, you look okay" englishera -___-

"Yeah. Medyo. Nakonsensiya kasi ako na magsosorry ako" kahit hindi naman dapat ako. Si father kasi eh. Nangonsensiya pa kanina. Kakainis

"Really ate?" tumigil siya saglit, "Pagpasensyahan mo na si kuya. Ako na magsosorry para sa kanya. He's just hiding his feelings-- ommpphhh"

"Magui? Magui okay ka lang?"

"Yes ate! Babye na!"

*toot toot toot*

Napabuntong hininga ako. Ako pa talaga ang magsosorry.

"Kath." napatingin ako kay Enrique na nginungusuan yung bahay ko. Napatawa nalang ako at nagpasalamat sa kanya

Kinuha ko na yung mga pagkain at pumasok na sa bahay. Kaso mukhang nagkakagulo silang lahat sa loob

*door opens*

*silence*

"Wahhh! Kath! Sorry na!"

"Sorry na! Kaya wag ka nang makikipaghalikan ulit ha!"

"Oo nga! Ang bata bata mo pa! Kakakilala mo lang sa kanya!"

"Sorry na!"

Lahat silang apat nakaluhod sa harap ko. Pero ano daw?! May kahalikan?! Ako?!

"Ano?! Anong pinagsasabi niyo diyan?!"

"Sa kotse. Nakita namin kayo na naghahalikan" si sungit -___-

Kotse?

Yung... pagkabit niya ng seatbelt sa akin? Nakita nila...

Tumaas ang kilay ko at nakapamewang na humarap sa kanila, "Sinundan niyo kami noh" sabay sabay silang tumango

Ahhh. Kaya pala nararamdaman ko yung limang itlog kanina. Sinusundan pala kami.

At sabay sabay ko rin silang binatukan (except kay sungit syempre) "Eh mga gunggong pala kayo eh! Sana nagtanong kayo! Ikinabit niya lang yung sirang seatbelt kanina!"

Natahimik sila sa sinabi ko. "Okay na. Tumayo na kayo diyan. Para kayong mga baliw" pumunta ako sa kusina at inayos yung mga pagkain.

Naririnig ko yung pag ungoo nila tapos pumunta sila dito sa kusina

"Wahhh! I miss you Kath!"

"Hoy! Ano ba! Bitaw! Hindi ako makahinga!"

Makayakap naman oh parang katapusan na nang mundo -___-

"I love you Kath!"

"Hindi namin kaya kung wala ka! Huhuhu!"

Hinayaan ko nalang sila dahil kung ito din naman ang gusto nila. Hay.

"Hoy Danilo! Sali ka!" sabi ni Seth

"Tumigil ka dating kulot na nakabrace"

Dating kulot? Bwahahahaha! Hindi halata sa buhok niya ngayon. Hahaha!

Kumalas din sila sa pagkakayakap pagtakapos ng... uhmmm.. sampung minuto? O mas matagal pa?

"Sorry talaga. Si Danilo naman kasi--"

"Sabi nang ayoko ng Danilo eh!" pinutol ni sungit yung sinasabi ni Lester

"Eh bat si Kath kapag tinatawag kang sungit gustong gusto mo pa?" takhang tanong ni Katsumi. Pero ngumisi siya at ngumiti silang apat ng nakakaloko

"Sungit sungit!"

"Tahimik!"

"Sungit sungit!"

"Tahimik!"

Ayan. Paulit ulit lang sila. Pinagtrtripan nung apat si sungit tapos itong si sungit, napipikon. Bwahahaha!

5 Handsome Guys in my HouseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon