ZTUP S1 - C H A P T E R : 3 8

Start from the beginning
                                    

Noong una ay wala siyang pakialam sapagkat ayaw din niya sa mga mahihina pero nong pumasok ito sa silid nang pulungan ay bigla kumabog ang puso niya at sa hindi niya malamang dahilan ay hindi niya maalis-alis ang kanyang mga mata sa mukha nang Prinsesa lalo na at na puno nang kuryosidad ang kanyang puso nang makita niyang wala itong Aura kahit sa isang simpleng tao.

Kaya baka nga dahil doon kaya nag desisyon siyang alagaan, bantayan at ipagtanggol ang Prinsesa upang hindi ito saktan ng iba.

.

.

Sa kabilang banda naman ay tila naka hinga ng maluwag si Prinsipe Ermell dahil sa hindi niya akalain na makikinig sa kanya si Prinsipe Frost.

Alam niya sa kanyang sarili na hindi ito nakikinig kahit kanino maliban sa isang tao.

Kay Prinsipe Lawrence na siyang natatanging ginagalang nito.

Magkasing ugali lamang si Prinsipe Frost at si Prinsipe Lawrence kaya nga kung magkasama ang dalawa sa iisang lugar ay asahan mong napakatahimik nito.

Madali lamang silang ma inis at magalit kaya hindi sila nag uusap ng kung ano-ano maliban nalang kung patungkol ito sa mga problema ng buong kaharian.

Napabuntong hininga na lamang siya at muli nalang niyang pinailaw ang kanyang kamay upang tanggalin ang baging na nakapulupot sa katawan ni Binibining Ahrimita.

"Papatayin naba natin?"

Hindi niya mapigilang mapaangat ang gilid ng kanyang labi sa sinabi ni Prinsipe Frost dahil para itong bata na sabik sa isang bagay na gusto gawin.

"Hahaha. Kahit gustohin ko man ay hindi maari. Pero kung mapahamak nga ng tuluyan si Prinsesa Zemiragh sa kanyang ginawa ay baka gusto mo akong samahan sa pagkitil ng kanyang buhay. Mmmm?"

Hindi talaga siya mag dadalawang isip na kitilin ang buhay nang babae kinaiinisan nila kung may masamang mangyari sa Prinsesa na kahit siya ay hindi niya alam kung bakit gusto niya rin protektahan si Prinsesa Zemiragh laban sa iba.

"Kahit ngayon pa."

Mas lalo lamang siya na patawa sa sinabi nito at ngayon lamang niya namalayan na tila nagka sundo sila sa isang bagay dahil kahit kailan ay hindi pa sila nag uusap sa kahit ano.

"Huwag muna ngayon. Alisin mo nalang muna ang malaking yelo sa kanyang katawan dahil baka matuluyan na nga siya pag tatagal siya sa lamig."

Tumawa lamang si Prinsipe Frost bago sinunod ang kanyang sinabi na ikinamangha niya dahil kahit kailan ay hindi niya parin ito narinig na tumatawa.

"Prinsipe Ermell, Prinsipe Frost. Ano ang nangyari kay Binibining Ahrimita?"

Sabay agad silang napalingon kay Prinsesa Allikya na bakas sa pagmumukha nito ang pag tataka at pag alala habang naka tingin sa walang malay na si Ahrimita na naka higa sa lupa.

Buti nalang din at natapos na nila ang pagtanggal sa mahika nito sa katawan ng babae dahil baka ano pa ang isipin ni Prinsesa Allikya sa kanila pero wala namang pakialam si Prinsipe Frost kung sakali.

"Hindi namin alam dahil nakita na lamang namin siya dyan na naka higa. Baka natutulog lamang siya."

Napatingin naman si Prinsipe Frost sa kanya na may kaunting ngisi sa labi dahil sa kanyang sinabi.

"Ahh, ganun ba? Pero bakit ganyan ang kanyang porma at hitsura? Tila basang basa siya. Ayos lang ba talaga siya?"

Kibit balikat lamang ang kanilang isinagot sa mga tanong ng Prinsesa sa kanila at kita nila ang paglapit nito sa walang malay na babae at maharang niyuyugyog ang balikat upang gisingin pero nang hindi ito kumibo ay bumalik naman sa mukha ng Prinsesa ang pag alala.

"Zemiragh: The Unwanted Princess"  S1Where stories live. Discover now