2

10 0 0
                                    

Catherine Aguilar

Sandaling nagka-usap kami ni ate Betsy, ang sabi niya ay may nakuha na siyang costumer para sa akin. Binigyan niya ang ng pera para pampaganda at magsisimula daw ako ngayong araw. Kinakabahan ako suot ang isang miniskirt at tube na pinahiram ni ate Betsy. Pinputulan ko ang buhok ko at pina hot oil. Tinanggal ko na din ang glasses ko at nagpatulog ako sa bakla kung paano mag apply ng light na make up na bagay sa akin. Iba ang hitsura ko ngayon. Kahit si Karen ay nagulat nang makita ako, puring-puri niya ang ganda ko daw.

Nagsisimula nang mag ingay ang lugar dahil marami ng mga hostess ang gising na. Yung iba ay nagsasanay na sa entablado ang iba ang nag aayos na. Nakatingin sa akin ang mga pokpok sa bar.  Yumuko lang ako para bigyan sila ng respeto. Tulad ko, hindi lahat nang nandito ay masama sadyang kailangan lang. Ito na rin magiging buhay ko sa susunod. Dapat ko na sigurong sanayin ang sarili ko.

"Ms. pinatawag ka ni Ms. Betsy sa taas room 101." Tawag sa akin ng waiter at nagsimula na akong panlamigan ng kamay. Pinagpapawisan na ako habang nakatitig sa numero ng kuwarto.

"Dios ko, ito na po ba? Kayo na po ang bahala sa akin."

Nag sign of the cross muna ako bago kumatok at binuksan ni ate Betsy ang pintuan at hinatak ako. Nakita ko ang pagkamangha ng lalaking nasa harapan ko. Pakiramdam ko isang isda na pilit kinikilatis kung presko pa. Saka ko siya nakitang may ngiti sa labi na tila ba ay pumasa ako sa panlasa niya.

Hindi sa pagbubuhat ng bangko pero maganda ako. Biniyayaan din ako ng katangkaran at mahahaba at mapuputing biyas. Nang nagsabog ang diyos ng kagandahan ay ako ang unang nabiyayaan. Beauty ang Brain ang tawag ng karamihan sa akin.

"I like you."

Yun ang lumabas sa bibig ng costumer ni ate. Tumingin ako kay ate na tila humihingi ng tulong pero binigyan niya lang ako ng sagot na "ikaw ang bahala".

"Magkano?" Yun agad ang lumabas sa bibig ko. Total ay ilalatag ko na ang baraha ko ay hindi na ako magpapatumpik-tumpik pa. Hindi ko ibababa sa singkwenta mil ang dangal at puri ko.

"Isang milyon."

"Huh?"

"Isang milyon. Kailangan ko ng babaeng gagawing asawa na pwede pakasalan at kung nakakasawa na ay malaya kong e annual ang kasal."

Malaki ang offer. Pero mas malaki ang responsibilidad na gusto niyang gampanan ko. Pero sa bandang huli ay matutubos ko ang bahay, mapapaaral ko ang mga kapatid ko ako at hindi akoa magbibilang ng lalaking pagsasawaan ang aking katawan.

"Gaano ka tagal ako magiging asawa?"

"Bukod sa 1 milyon, bibigyan din kita ng fifty thousand buwan buwan hangga't asawa pa Ang papel mo."

"Pumapayag ako."

Nakita ko si ate Besty na naaawa sa akin pero hindi na ako lugi sa offer niya. Sa Pera masisiguro kong makakapagtapos ko ang mga kapatid ko. Wala na akong makukuhang deal na ganito hindi ba magiging laspag ang katawan ko.

"Bumalik ka dito bukas para pumirma ng ating kasunduan saka mo makukuha ang pera mo."

***

Masalimoot ang buhay ko pero masaya ako dahil kahit papano ay maaahon mga kapatid ko sa hirap. Makakakin na sila ng tama, matutubos ang bahay at mapag-aral ko sila.

"Masaya ka ata?" Tanong ni Karen na nagsasampay ng damit.

"Nasan sila?"

"Si Diego nagpunta sa palengke baka daw may maghahanap ng taga karga ng mga gulay."

"Si Marcus nasa kusina hinuhugasan ang pinggan. Si Lukas natutulog may sinat siya."

"Nakahanap na ako ng costumer. Makakaahon na tayo sa hirap. Makakapag aral na din kayo at matutubos na natin ang bahay." Isang malungkot na ngiti ang ibinigay ni Karen sa akin at tumalikod para ipagpatuloy ang pagdasampay.

"Hindi ka ba masaya?"

"Alam ko dapat akong mag saya dahil kahit papano ay gagaan na ang buhay natin pero dapat ba talaga ate? Paano ko maatim na mag-saya kong sarili mong katawan ang ginagawa mong pambayad sa tatamasain nating ginhawa?"

"Hindi naman ganun ka sama ang mangyayari sa akin eh kaya huwag ka nang malungkot diyan. Babayaran ako ng costumer ko para maging asawa niya kaya iiwan ko sayo ang mga kapatid natin."

"Magpapakasal ka?"

"Kailangan para makuha ko ang isang milyong bayad sa akin. Pakikisamahan ko siya hanggang kailangan niya ako."

"Mas malaking sakripisyo yan."

"Ipangako mo lang na aalagaan mo sila at ako na ang bahala sa buhay ko."

"Salamat ate huh."

"Saan ba't magkapatid tayo. Tayo tayo lang naman ang nagtutulungan."

***

Dahil may pinag-aralan ay binasa ko ng mabuti ang naka sulat sa dokumentong lalagdaan ko. Kung anong pinag usapan ay siya ring nakasulat doon. Nasa isang private restaurant kami nagkikita at kasama ko si ate Betsy at kasama naman ng costumer ko ang kanyang abogado.

"May idadagdag ka ba?" Tanong ng costumer ko.

"Makukuha ko ba agad ang isang milyon ko?"

"Kalahati pagkatapos na ng kasal ang kalahati."

"Kailan ba ang kasal?"

"Sasusunod na linggo. Maghanda ka dahil pagkatapos ng kasal ay isasama na kita."

Maliwanag ang kanyang paliwanag at nilagdaan ko na ang dokumento bilang sentensya ng aking buhay. Agad inabot ng abogado ang isang sobre na may pera at kinamayan ako ng costumer kong mukhang masaya. Naiwan ako sa kinauupoan ko habang nakatitig sa perang nasa kamay ko.

"Nagbabago na ba ang isip mo?" Tanong ni ate Betsy.

"Hindi po. Hindi ko lang maiwasang mamangha kasi ang bilis ng mga pangyayari."

"Mas mabuti na rin ito dahil hindi ko kayang habang buhay dadalhin sa hukay ang pagiging pokpok mo. Isipin mo na lang na nagmahal ka at nagpakasal sa maling lalaki."

Bumunot ako ng sampong libo para ibigay sa kanya pero tinanggihan niya ito. Tulong na lang daw niya sa aming magkakapatid. Hindi ko alam ang kwento ng buhay niya pero nakikita ko sa mga mata niya ang lungkot.

"Salamat sa tulong mo ate."

"Halika bumili tayo ng cellphone para sayo at kay Karen tapos damit na maesusuot mo sa kasal."

Hindi lang cellphone at damit ang binili namin kundi mga iba ko pang kailangan tulad ng maleta, make up, pabango at sapatos. Bumili din ako ng damit para sa mga kapatid ko. Tuwang-tuwa ang mga kapatid ko sa dala ko pero hindi si Karen. Kinabukasan ay pinuntahan namin ni Karen ang pinagsanglaan ng bahay para tubusin. Pagkatapos bayaran ay naghanap ako ng kukumpuni ng bahay para kahit papano ay panatag akong maayos ang bahay na pag-iiwanan sa kanila. Bumili din ako ng mga kasangkapan tulad ng lutuan, tv, refrigerator. Pinagawan ko rin ng maliit na sar-sari store si Karen. Nang makita ko na ayos na ang lahat ay naluha ako kasi iiwan ko na sila bukas. Nangako naman si ate Betsy na titingnan ang mga kapatid ko.

"Ate tara—"

Hinila ako na Karen sa kung saan kami pupunta ay wala akong alam. Tumigil kami sa beauty parlor sa kanto at kinausap ang bakla na pagandahin ako. Nang matapos ang bakla ay nagulat akong makita ang sarili ko sa salmin. Alam kong maganda ako pero hindi ko alam na ganito ka ganda.

"Ako ba talaga ito?"

"Ang ganda mo ate."

Nagyakapan kami ni Karen na tila mga baliw. Pagkatapos binayaran ay nagluto kami ng kaunting salo-salo dahil kaarawan ko at despedida na rin. Alam ng mga kapatid ko ang gagawin ko kaya nag-iyakan na sila nang nagpaalam na ako sa kanila. Nangako naman silang mag-aaral ng mabuti at hindi pabayan si Karen.

Kinabukasan ay mas inagahan ko ng gising. Kagabi pa lang ay ibinigay na ni sir Jerome ang pangalan ng hotel kung saan gaganapin ang kasal at ng magiging kuwarto ko. Alas kuwatro pa lang ay nakahanda na akong lisanin ang bahay.

"Nay, Tay, kayo na po ang bahala sa akin." 

THIS BITCH IS MY WIFEWhere stories live. Discover now