4

12 1 0
                                    



Axcent Noah Navarro


Imbis na uuwi ay nag-bago ang plano dahil sa offer na kasal ni tito para maunahan ang daddy ko at madrasta. Wala akong choice kaya mas maganda na rin ito at least may freedom ako at hindi ako nasasakal.


Nasa malayo ang tingin ko ngayon. Ang inaalala ko ay ang madalian kong kasal. Ano kaya ang hitsura ng mapapangasawa ko at saan kami titira.


"Noah sa states kaba kukuha ng degree mo?"


Tiningnan ko si Frances na busy sa binabasa. Nasa mall kami para katagpuin si Patrick. Mga kababata ko sila pero magkaibang school sila nagtapos ng senior highschool. Hindi ko sana sila e meet kaso nalaman na nilang andito ako through Harris.


"Malamang doon nga."


"Sayang akala namin dito kana para isang school na lang tayo."


"Bahala na."


Kung ano-ano pa ang napag-uusapan namin nang dumating ang hinihingal na si Patrick ang magulo sa amin.


"Sinong humahabol sayo?"-Francis


"Mali, ako ang may hinahabol pero hindi ko malapitan dahil mukhang tigre ang nanay niya. Graveh tol ang ganda niya sobra."


"Umandar na naman ang pagiging manyakis mo hindi na  ako magtataka kong sa kulungan na kita dadalawin sa susunod."


"Kung siya din lang tol magpapakasal na ako."


Gusto kong matawa sa hitsura ni Patrick mukhang tinamaan talaga sa babaeng nakita. Saka ko naalala ang salitang kasal gusto ko sanang sabihin na "Mas mauunahan pa kitang pakasal."



***



Kinabukasan ay naghanap ako ng condo na pwede naming tirhan pansamantala dahil wala akong planong ipakilala siya sa madla bilang asawa ko. Gagawin ko lang ito upang huwag akong ipakasal sa sinumang babaeng yun. Mas may tiwala ako sa tito J ko kaysa sa tatay ko. Isang unit na nasa 5th floor ang nabili ko sa Fuentebella Towers. I used check to pay the amount. Ito yung pera na bigay ng mommy ko hindi naman kasi ako magastos. Nang ma transfer na sa pangalan ko ay nilisan ko na ang lugar. Pagkauwi ko sa condo ni Tito ay nakita ko siyang sumasayaw na nagluluto. I wonder why hindi pa siya nag aasawa he is thirty-seven already.


"Ikaw bakit hindi ka pa nag asawa?"


"Dahil ayoko."


"Ayoko rin naman ahh."


"Sayang lahi mo."


"Mas lalo kana."


"Pero mas kailangan mo ng asawa kaysa sa akin."

THIS BITCH IS MY WIFEWhere stories live. Discover now