1

16 0 0
                                    

Catherine Aguilar

Kalilibing lang ni nanay at naubos ang ipon at sahod ko. Hindi ko alam kung saan ako kukuha ng pera wala naman kasi kaming kilalang mag-anak at wala din akong kaibgang mayaman na pwedeng mauutangan. Kagabi pa kami walang kain. Bilang ate ay trabaho ko ang alagaan ang mga kapatid ko.

Maaga akong nagising para magplano sa gagawin ko ngayong araw nang makita ko ang tenant ni nanay na kauuwi lang. Alam ko kung ano ang trabaho niya. At nasabi ko sa sarili ko doon na dibaling katulong nungka maging pokpok ako. Pero heto na ako sa punto ng buhay ko na kakainin ko ang mga sinabi ko dahil wala na akong pagpipilian. Lumabas ako ng bahay at tinawag ko siyang nagbubukas ng kanyang pintuan.

"Ate Betsy."

Kumunot ang noon niya ng tawagin ko. May kipkip siyang mga pinamili sa dibdib nag iisip  siya at pilit na inaalala kong sino ako at ano ang sadya ko sa kanya.

"Anong kailangan mo?"

"Anak ako ng bahay na tinutuluyan mo."

"Anak ka ni Mrs. Cathy? Bakit hindi ata kita nakikita?"

"Sa ibang lugar kasi ako nag-aaral umuwi lang ako dahil sa lamay ng magulang ko."

"Ikinalulungkot ko ang madalian niyang pagpa—"

"Kailangan ko po ang tulong ninyo."

"Pasensya, pero wala din akong pera sa ngayon dahil kakuk—"

"Bigyan mo ako ang customer na mag aahon sa amin ng mga kapatid ko sa hirap kapalit ng virginity ko!" palakasan ng loob at deretso kong sabi sa kanya.

"ANO?! BALIW KA BA? ANO NAMANG AKALA MO SA AKIN MANAGER NG POKPOK? MAMASANG NG BAR?!

"Pakiusap po Ate Betsy ito na lang ang naisip kong gawin para may pantostos sa mga kapatid ko."

Umiiyak na akong nakikiusap sa kanya. Sabi ng kapatid kong sumunod sa akin na si Karen ay sa bar umano nag tatrabaho si ate Betsy at napabalitang may mayamang customer. Taliwalas ito sa paniniwala ko pero sa ngayon wala na akong ibang pwedeng gawin, nakasangla na ang bahay namin at binibigyan lang ako ng pinagsanglanb ng tatlong buwan para tubusin ito.

"Ilang taon ka na ba?" Parang naawang tanong ni ate Betsy sa akin.

"Labing pito, huh."

"Dios ko namang bata ka bakit trabaho ko ang gusto mong pasukin. Mapapariwara ang buhay mo alam mo ba yun? May ideya kaba sa uri ng trabahong meron ako?"

"Ito na lang ang alam ko. Kung ibang trabaho ang papasokin ko hindi ko matotostusan ang mga kapatid ko."

Labing 15 lang si Karen ang sumunod sa akin. Si Diego ay labing 11, si Marcus ay 8 at Lukas ay 5. Isang working student ako sa dating amo ni nanay at kaibigan nito ang mayordoma. Ito ang pinili ko para lang makapag-aral ng sa ganun ay hindi ma sayang ang talinong bigay ng dios.

"Marunong ka bang kumanta at sumayaw?"

"Pag -aralan ko po."

"Seryoso ka ba?"

"Wala na pong atrasan nakapag desisyon na po ako."

"Puntahan mo akong sa bar mamaya sa likuran ka dumaan."

"Salamat po."

"Huwag kang magpasalamat. Nakokinsensya ako sa magiging buhay mo."

Nadatnan ko ang mga kapatid kong kumakain ng lugaw. Kumuha ako ng pinggan at sumandok sa mangkok. Naaawa ako sa kanila hindi forever lugaw ang ipapakain ko sa kanila. Kahit mapariwala ang buhay ko basta mapag-aral ko sila at magkaroon ng maayos na bujay ay okay na ako doon.

THIS BITCH IS MY WIFEWhere stories live. Discover now