64: In Danger

504 65 15
                                    

CHAPTER 64

In Danger

JENNY's POV

NANINIWALA AKO sa sinasabi nilang, hindi ka matatahimik hangga't nakikita mo pa 'yung taong gusto kang sirain.

Sino ang tinutukoy ko? One and only Sarah Reyes.

Nasa school parin siya. Akala ko ba, susundan niya agad iyong mapa-pangasawa niya sa ibang bansa!

"Jenny, where are you going?" takang tanong ni Vince sa akin.

"CR lang ako---"

"Sasamahan ka ni Pauline..." napatingin ako sa kanya.

"Vince, busy si Pauline. Atsaka, wala namang mangyayari sa akin dito sa school. School is a safe place. Kaya, wag ka na mag-alala." paliwanag ko sa kanya.

Simula nang nakumpirma namin na si Sarah ang may kasalanan sa nangyari nung costume party, hindi na nila ako iniiwanan na mag-isa. Lagi akong may kasama kahit saan man ako pumupunta.

Oo, simpleng tao lang ako. Pero grabe, ang swerte ko sa mga taong nasa paligid ko na nagmamahal sa akin.

"Okay, fine. Basta bilisan mo lang ha? Vacant time ng mga students ngayon at hindi pa namin napapansin si Sarah sa buong campus ngayong araw." aniya.

I nodded. "Pero teka, nakapagtataka naman yata? Eh kasi kanina, nakita ko si Sarah." wika ko.

"Saan? Eh, si Tyler na mismo ang nagsabi na wala si Sarah ngayon. May lakad raw." pagpatuloy niya pa.

Napabuntong hininga ako. "Well, that's good. So, wag ka na mag-alala. Wala si Sarah kaya, safe na safe ako hehe" saad ko sa kanya.

"We're not sure about your safety. But don't worry, habang andito pa ako... no one can hurt you. Okay?" ngiting saad niya.

I smiled widely. "Ikaw talaga. Oh sige na, CR lang ako. Kanina pa ako naiihi" ani ko bago siya iniwan sa kinatatayuan niya.

Parang kapatid ko na si Vince. At ganoon rin ang turing niya sa akin. Kaya, sobrang hirap para sa akin na aalis na siya. Iiwan na niya ako. But then I need to accept the fact that, no one will gonna stay.

Habang naglalakad ako paakyat ng 3rd floor, biglang tumayo ang balahibo ko. I don't like this feeling. Oo, alam kong gusto ko nang umihi pero, biglang nawala dahil sa kakaibang pakiramdam sa paligid ko.

Walang katao-tao dito sa nilalakaran ko. Dahil yung mga students, nasa school ground, sinusulit ang vacant time nila.

Isang malalim na hininga ang pinakawalan ko. "What is wrong with me?" takang tanong ko sa aking sarili.

Biglang nawala ang kaba ko nang makita ko si Nathalie.

"Hays, mabuti na lang nakita kita" ani ko rito.

"What's wrong?" takang tanong niya.

"Ah wala naman." naisipan kong magtanong. "Si Sarah, nakita mo ba?"

"Well, hindi siya pumasok ngayon. Baka, nasa airport na. Papunta na yata ng states" ngiting sabi niya.

I smiled a bit.

'Susundan niya talaga si Prince doon... Wow..'

"Teka Jenny, anong ngiti naman yan? Narinig mo lang na, pupunta siya ng states... bitter na ang ngiti mo?" she asked curiously.

"Ah haha. Wala. Masaya lang ako sa kanya." ani ko.

Hindi ko alam kung bakit sinasabi ko ito. Sana pala hindi na ako nagtanong.

HATE ME NOT (BOLS #1)Where stories live. Discover now