58: Fortune Teller

412 73 6
                                    

CHAPTER 58

Fortune Teller


NANDITO ako ngayon sa loob ng kwarto. Kahapon, marami ang nangyari. Nalunod ako, may sumagip sa'kin. Pumunta kami ng gym, marami akong naka-salamuhang tao at bagong kaibigan.

Ngayong araw naman, ay magsisimula na ang basketball. Tapos na akong kumain, andito ako sa loob dahil nagbibihis ako at mag-aayos. Naguguluhan ako kung sino ang susuportahan ko kina Tyler at Prince. Kahapon, magkalaban sila sa laro tapos heto, magkalaban rin sila sa basketball. Diko pa nakikita ang dalawa na nagka-ayos.

Gusto kong, isipin na tapos na ang nangyari kahapon. Na, hindi na dapat pa isipin. Kaya lang, yung nangyari sa'kin... hindi ko makalimutan. Naiinis ako sa sarili ko. Dahil ginawa kong big deal ang halik na 'yon. Dapat nga, ay wala lang iyon. Ngayon ko lang na-realize na, sinagip niya lang ako. Ginawa niya ang tama.

I breath deeply bago tumayo. Dinala ko yung shoulder bag ko para lagyan ng cellphone atsaka naisipang umalis.

Paglabas ko ng kwarto, napahinto ako sa labas ng pintuan nila. Tahimik ito. Kakatok sana ako ng bigla akong napahinto.

'Sino naman ang taong hinahanap ko?..'

Nasa sala na silang lahat.

Napabuntong hininga na lang ako at umiling. Nagsimula na akong maglakad hanggang sa, nakaramdam ako ng kaba dahil sa taong nakatayo mismo sa harapan ko.

He is wearing a blue jersey na may nakasulat na Cortes.

'Woah. May dala pala siyang jersey? Naks ah. Handang-handa talaga ang loko...'

He suddenly cleared his throat bago nagsalita. "Di ako makatulog kakaisip sa ginawa ko. Gusto kong humingi ng tawad." para akong nawalan ng lakas dahil sa sinabi niya. Hindi ako makapagsalita at hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko.

'Ang isang Prince Cortes, humingi ng tawad dahil sa ginawa niyang paghalik?...'

Dali-dali akong umiling. "Kalimutan mo na lang ang nangyari." sabi ko habang iniba ang tingin.

"Iyon na nga ang problema! Hindi ko makalimutan. Nakaka-buwisit iyon, alam mo ba?!" bigla na lang may galit sa boses niya na ikinabigla ko.

'Kaya ayaw ko sa kanya eh. Paiba-iba siya kung mag-salita!...'

Bahala na. Hindi naman big deal sa'kin.

Napasinghap ako bago nagsalita. "Prince, nakalimutan ko na ang nangyari. Huwag kang mag-alala. Hindi iyon big deal sa akin. You just did it to save me." simpleng sabi ko.

Biglang umigting ang kanyang panga at seryosong inangat ang tingin sa akin. "So, anong reaksyon iyong kahapon? You just slapped me so many times! Then, you didn't even talk to me!" his voice was so cold and full of anger.

What should I do? Inisip niya yung naging reaksyon ko kahapon. Yes. I didn't talked to him. Because, I'm shy and I felt so awkward.

Ang kapal niya rin. Eh nung sinampal ko siya, wala nga lang sa kanya. Arrogant.

I cleared my throat. "I know, para akong ewan kahapon. Pero kahapon iyon. Yes you're right. Ginawa mo 'yun, para iligtas ako. Kahit sino pwedeng gawin ang ginawa mo diba? Kaya, salamat. From now on, please forget everything that happened yesterday. Or, just forget about that kiss." sabi ko na bigla niyang ikinatahimik.

This is the first time na, natahimik siya sa sinabi ko.

Suddenly, he smiled and laughs lightly.

'What's wrong with him?! Tinawanan niya lang ang sinabi ko!..'

HATE ME NOT (BOLS #1)Where stories live. Discover now