CHAPTER 55

3.1K 136 12
                                    

STILL BRENT'S POV

Nag patuloy na ako sa pag maneho ng aking sasakyan.

Hindi ko maintindihan kung bakit may kirot dito sa puso ko. At para bang nasasaktan ako pag nakikita ko si Miles na masaya habang kasama si Ken.

Kaya nung papasok na ako sa loob ng aming classroom ay nakita ko si Miles na naka upo sa kanyang upuan habang nakikipag usap kay Mariel.

Napatingin ito sa direksyon ko at nagtagpo ang mga mata namin.

Kaya agad ko naman itong nginitian pero agad naman itong umiwas ng tingin saakin.

Hindi ko alam kung bakit ganito ang trato nya saakin. At nasasaktan ako pag hindi ako nito pinapansin.

Diba dapat siya ang dapat na nakararamdam nito? pero bakit parang ako ang nasasaktan pag umiiwas ito saakin.

Ano ba'tong nararamdaman ko, talagang naguguluhan nako.

Pag pasok ko sa loob ng aming classroom ay umupo nalang ako sa aking upuan kung saan katabi ko si Ken.

Iniyuko ko nalang ang aking ulo at ipinatong ko ang ulo ko sa may desk.

Hindi maganda ang kalagayan ng pagkakaibigan namin dalawa ni Ken sa ngayon, nag simula ito nung basketball match nung natalo kami laban sa mga 3rd year.

Hanggang sa narinig ko nalang ang boses ni Mica at mukhang may gusto itong sabihin lahat saamin.

" Attention Guys!! "

" Makinig kayong lahat saakin. " Malakas na sabi nito habang nakatayo sa gilid ng teacher desk.

Kaya marahan ko namang inangat ang ulo ko na galing sa pag kakayuko.

" Okay, alam nyo naman na 3weeks nalang at end of school year na. "

" Kaya napag isip isip namin na mag karoon ng farewell party bago ang school year! " Masayang pabalita ni Mica saamin.

Hanggang sa nag simulang nabuhayan ang mga kaklase ko. Nag simulang umingay ang loob ng aming classroom dahil sa announcement ni Mica.

" OMG!! kelan uli? " Tanong ni Mariel kay Miles.

" Hindi ko rin alam eh. " sagot nito saka napatingin sa direksyon ko.

Napatitig lang ako sa kanya.

Ngunit agad na tumayo si Ken sa kanyang upuan at laking gulat ko ng nilapitan nito si Miles at humarang ito sa pagtitig ko kay Miles.

" Miles, sasama ka? " tanong ni Ken kay Miles habang naka ngiti ito.

" Ahmmm, hindi ako sure kung makakasama ako eh. " agad na sagot naman nito.

Hanggang sa napansin ko nalang na parang tinutukso ni Mariel si Miles kay Ken.

Pansin ko ang pagsiko ni Mariel kay Miles habang iniinis ito kay Ken.

Kaya hindi ko napigilan ang sarili ko na mainis habang pinag mamasdan ko sila. Kaya agad akong lumabas ng aming classroom dahil baka maka sapak lang ako ng tao dahil sa inis ko.

Pumunta ako sa rooftop ng aming school para imuhip ng sigarilyo upang ikalma ko ang sarili ko.

Ngunit habang nag lalakad ako paakyat sa rooftop ng aming school ay sumunod saakin si Luis.

" Oyyyy, Brent." tawag nito sa pangalan ko saka umakbay ito sa balikat ko.

Nanghingi ito saakin ng isang sigarilyo at mukhang sasamahan ako nito sa rooftop na maingarilyo.

Kaya nung nakarating na kami sa rooftop ay agad kong sinindihan ang aking sigarilyo para umihip nito dahil ito ang nag papakalma saakin.

" Brent, pansin ko na wala ka sa mood? "

Fuck Buddy ( COMPLETED )Where stories live. Discover now