CHAPTER 53

3.6K 137 40
                                    

Halos hindi ako maka paniwala sa mga nakikita ko.

At hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko ning nakita ko si Miles na masaya sa feeling ni Ken ngayon.

Kaya agad akong lumapit kay Miles para puntahan ito dahil naiinis ako sa pag mumukha nito pag nakikita ko itong tumatawa.

Dahil ayokong makita sya na masaya at ang gusto kolang ay makita syang nasasaktan at nag dudusa.

" Miles!! " Sigaw ko sa pangalan nya habang kasama nito si Ken.

Kaya nabaling naman ang tingin nila saakin.

Ngunit agad naman na umiwas ng tingin saakin si Miles at saka nag lakad nalang ito na para bang hindi ako pinapansin.

Kaya hinila ko ang kamay nito papunta saakin, dahil gusto kong malaman ang dahilan kung bakit ito umiiwas saakin.

Hanggang sa hinila ko na ito papalayo mula kay Ken.

" Brent ano ba! nasasaktan ako!! " pasigaw na sabi nito saakin habang pilit na tinatanggal ang mahigpit na pag kakahawak ko sakanya.

Ngunit hindi ko ito pinapansin at patuloy lang ako sa aking pag lalakad papalayo kay Ken.

Hanggang sa naramdaman ko nalang na para bang bumigat at hindi ko na mahila pa si Miles.

" Brent!! ano bang problema mo!! " sabi ni Ken habang hawak hawak nito ang isang kamay ni Miles at mukang pinipigilan ako sa aking balak.

Kaya napatitig nalang ako ng masama kay Ken dahil sa pag pipigil nito saakin.

" ano bang problema mo Brent!! nakita mong ayaw nang sumama sayo ni Miles!! " naiinis na sabi ni Ken saakin.

Kaya binitawan ko ang mahigpit na pag kakahawak ko kay Miles at aakma na sana akong suntukin si Ken sa kanyang mukha dahil sa pangingi elam nito saakin.

Nang biglang humarang si Miles sa harap ni Ken at mukhang pinoprotektahan niya ito.

" Brent ano ba!! " sigaw nito saakin habang naka sangga ang kamay nito sa kamao ko.

Muntik ko na itong masuntok dahil sa inis ko. Buti nalang ay napigilan ko ang aking sarili.

" Ken ako nang bahala, mauna kana sa cafeteria. " sabi ni Miles kay Ken napara bang pinapa iwas nito si Ken saakin.

Kaya wala nang nagawa pa si Ken kundi sundin nalang ang sinabi ni Miles.

Hanggang sa hinawakan ni Miles ang kamay ko saka nag lakad ito papalayo sa mga tao.

Dinala ako nito sa likod ng isang malaking building na kung saan ay walang tao.

Kaya nung huminto na ito sa kanyang pag lalakad ay yumuko ito saakin saka para bang may gusto itong sabihin.

" Brent! diba nangako ka na hindi mo ako guguluhin once na nasa school tayo! " sabi nito saakin habang nakayuko at hindi manlang magawa na tumingin sa mga mata ko.

" Nasa rules yon! pero hindi mo sinusunod! " sabi pa nito saakin na para bang nagagalit.

Kaya napatawa nalang ako sa sinabi nito.

" Baka nakakalimutan mo lang, hindi ba nasa rules din na ipa- prioritize mo ko. Pero bakit hindi mo sinasagot ang mga text at ang tawag ko! " sagot ko sa kanya habang may inis dito.

Ngunit hindi ito sumasagot saakin at tangging naka yuko lang ito sa harap ko.

Kaya agad kong nilapit ang sarili ko sa kanya at aking hinawakan ang mukha nito upang tignan ang magiging reaksyon nito.

Fuck Buddy ( COMPLETED )Where stories live. Discover now