CHAPTER 54

3.1K 137 21
                                    

Miles POV.

Nung pag sara ko ng pinto ng apartment ni Brent ay hindi ko maiwasan na biglaang bumagsak ang mga luha sa mata ko.

Sobrang sakit ng pakiramdam ko at para bang  unti unting napupunit ang puso ko dahil sa mga sinabi ko kay Brent.

Eto na ang huli.

Eto na ang wakas nang lahat ng katangahan ko.

Kahit na masakit para saakin ang naging desisyon ko, kaylangan ko itong panindigan dahil para din ito sa ika bubuti ko.

Gusto ko nang wakasan ang pag ibig ko sa kanya dahil sakit lang ang mararanasan ko sa one-sided love na'to.

Kaya pipilitin ko nalang na maka move on sa kanya at susubukan ko na mainlove sa taong handang sumugal para saakin.

Kaya agad akong napatingin sa cellphone ko dahil kanina pa ito nag va-vibrate.

Napakadami na palang text at tawag ni Ken mula saakin.

Kaya agad kong pinunasan ang mga luha sa mata ko saka mabilis na tumakbo upang abutan pa si Ken kung nandoon pa ito sa cafeteria.

Hanggang sa lumipas ang ilang mga minuto ay narating ko nadin ang harap ng cafeteria.

Nakita ko si Ken na nag iisa at matyagang nag hihintay saaking pag babalik.

Hindi ko alam ang mararamdaman ko nung nakita ko si Ken na matyagang nag hihintay para saakin.

Kung maaawa ba ako para dito dahil sa matagal nyang pag hihintay o tuwa dahil sa desidido nitong makita ako.

" Ken! " Naka ngiti kong tawag sa pangalan nito habang pawis na pawis.

Hanggang sa napatingin si Ken sa direksyon ko at biglang nag bago ang reaksyon nito nung nakita ako.

Para ba itong isang aso na naghihintay sa pag babalik ng kanyang amo, kaya nung nakita nito ang kanyang amo ay halos hindi mo mapinta ang saya sa mga mukha nito.

" Miles!! "

" Akala ko'y hindi kana babalik." Masayang sabi nito saakin saka napatayo sa kanyang inuupuan.

Napangiti naman ako sa nanging reaksyon nito saakin, dahil ang akala ko ay magagalit ito saakin dahil sa matagal na pag hihintay nito saakin.

" Sorry kung pinag hintay kita ng matagal at hindi ko manlang nasagot ang mga text at tawag mo." pag hingi ko ng tawad sa kanya.

Pero ngumiti lang uli si Ken saakin saka napakamot nalang sakanyang ulo na para bang nahihiya ito.

" Wala.." hindi pa ito tapos sa kanyang sasabihin nang nag salita uli ako.

" Ken, kaya ako na parito dahil gusto ko sanang sabihin sa'yo na payag nako sa gusto mong mangyari. " Deretsahang pag kakasabi ko kay Ken habang naka tingin sa mga mata nito.

Naka tingin lang saakin si Ken at mukhang naguguluhan ito sa mga sinasabi ko.

" Ken "

" Payag nako sa gusto mong mangyari na gamitin ka upang maka move on kay Brent."

" gagawin ko ang lahat ng makakaya ko upang masuklian ang pag mamahal mo, pero hindi ko mapapangako na magkakagusto uli ako sayo gaya ng pag mamahal ko mula kay Brent." naka yukong sabi ko sa kanya na para bang matamlay.

Hanggang sa nagulat nalang ako nang lumapit saakin si Ken at niyakap ako nito ng pag ka higpit.

" Talaga ba?! " gulat na gulat na tanong ni Ken saakin habang kita mo sa mga mata nito ang saya dahil sa mga sinabi ko.

Fuck Buddy ( COMPLETED )Where stories live. Discover now