CHAPTER 12

4.7K 133 5
                                    


Brent's POV

" Heh! " nakangisi kong sabi, habang iniisip ang nangyari kanina.

Hindi ko inaasahan na kakagat sa patibong ko si Miles.

Akala ko ay tuluyan na ako nitong lalayuan o kaya naman ay mag susumbong sa magulang nya.

Pero hindi, mukhang mas pinili pa nito ang ganitong klase nang buhay nya.

" Kaya Humanda Ka Miles! " Wika ko habang umiihip nang sigarilyo.

Way back on Junior High.

Unang beses ko na makita si Miles, sa Cellphone ng kuya kong si Baron.

Mas matanda ito ng Isang taon saakin at ganun din Kay Miles.

May lihim na pag tingin ang kuya ko Kay Miles kaya niligawan nya ito.

Pero ni reject ni Miles ang kuya ko, na talagang nasaktan sa ginawa nya.

2nd year highschool ako nung nakita ko ang kuya ko na nililigawan si Miles ng patago.

Pero lagi lang itong ni rereject ni Miles.

Ngunit dumating ang isang araw ay nag karoon nang pag tatalo si Miles at ang kuya ko, dahil sa patuloy na pangliligaw ng kuya ko kay Miles.

" Ano ba? stop this! itigil mo na yang kahibangan mo! " pag kakasabi ni Miles sa kuya ko.

Nasa second floor sila ng hagdanan ng school nang nakita ko sila na nag tatalo, naka silip lang ako sagilid at hindi nakiki elam sa pag tatalo nila.

" Please Miles, I love you. " sabi ng kuya ko kay Miles habang nag mamaka awa na sagutin ito.

Hanggang sa aakmang yayakapin ni Baron si Miles, ngunit tinulak ito ni Miles pa palayo sa kanya.

Nalaglag sa hagdanan ng second floor ang kuya ko dahil sa pag kakatulak ni Miles.

Nagulat ang mga tao dahil sa lakas nang pag kakahulog ni Kuya sa second floor.

" OMG ano yun? " bulungan ng mga tao.

Hindi maka paniwala si Miles sa ginawa nito sa kuya ko, umiiyak lang ito at para bang takot na takot.

" May nahulog sa hagdan!! " sigaw ng mga tao.

At agad nadin nag datingan ang mga tao, at agad kong nilapitan ang kuya ko habang si Miles naman ay nasa second floor ng school at umiiyak lang ito.

Lumipas ang mga araw ay tuluyang na comatose ang kuya ko, kaya napahinito ito sa pag aaral nya para mag pagaling.

Lahat ng estudyante ay galit kay Miles dahil sa ginawa nito sa kuya ko.

" Huy lumayo kayo dyan! baka mamaya kayo ang isunod na itulak nyan! " pag iwas ng mga estudyante kay Miles.

Pag nakaka salubong ko si Miles sa school ay lagi lang itong naka yuko dahil sya ang laging topic ng mga estudyante.

At paragi lang itong nag iisa.

Gusto ko man syang saktan dahil sa ginawa nya sa kuya ko, ay ipinangwalang bahala ko nalang dahil marami namang mga estudyante ang patuloy na nang bubully sa kanya.

" Hey Miles! alam mo bang ikaw ang may kasalanan ng lahat kung bakit na comatose si Baron!! " galit na sabi ni Meg habang tinutulak tulak nito si Miles.

Si Meg ay may gusto sa kuya ko, Kaya ganto nalang ito magalit kay Miles.

Ngunit nakayuko lang si Miles at hinahayaan nito na saktan lang siya ni Meg.

Hanggang sa lumipas na ang mga taon ay naka graduate nadin kami sa Highschool.

Lumipat nako ng school at nag rent ng apartment malapit sa school na pag aaralan ko sa college.

At pumayag naman ang mga magulang ko sa pag lipat ko sa apartment na to. Habang si Baron naman ay nag patuloy ng pag aaral nya sa school na malapit kanila mommy at daddy para maiwas nadin ito sa gulo.

At nung unang araw ko sa school nato ay hindi ko inaasahan na makikita ko si Miles dito. at ang nakaka bigla pa ay pareho kami ng course na kinuha.

" Im Miles Levin and Im 19 year old." pakilala ni Miles sa buong klase namin.

Hindi parin ito nag babago at parati lang itong nag iisa.

At ang nakakatuwa lang ay hindi nito alam na mag kapatid kami ng nireject at sinaktan nito.

Kaya nung nalaman kong kaklase ko si Miles, ay gusto kong pagdusahin ko ito sa mga ginawa nito sa kapatid ko.

Still Brent POV

At nung lumipas ang mga araw ay parati kong napapansin ang mga pasimpleng pag tingin mo saakin.

Kaya pag nahuhuli kita na nakatingin saakin ay ramdam ko sasarili ko na may tinatago kang pag tingin saakin.

At parati ko rin napapansin ang pag sunod ni Miles saakin lalo na pag nag lalaro ako ng Basketball.

Isang araw habang nag lalaro kami nila Ken ng basketball sa gym ay nahuli ko ito na para bang pinipicturan ako nito.

Kaya nag karoon ako ng interest na makuha ang cellphone nito upang mahuli ko ito sa ginagawa nya.

Hanggang sa dumating ang araw na napansin ko uli ito na nag vivideo saamin ng patago habang nag lalaro kami ng basketball.

sinadya ko itong bungguin upang makita ang laman ng cellphone nya, ngunit agad nitong kinuha ang cellphone nya saka mabilis na umalis.

Kaya lalo akong nag karoon ng malakas kutob na tama ang hinala ko may gusto saakin si Miles.

Sinadya kong mag paiwan sa room namin sa P.E dahil nakita kong iniwan ni Miles ang cellphone nya sa loob ng bag nya.

Kaya nung wala nang tao sa room ay agad kong nilapitan ang bag ni Miles para kunin ang Cellphone nito.

At nang pag tingin ko sa gallery nito, ay nag kamali pala ako sa hinala ko.

Akala ko ay ako ang pinipicturan ni Miles pag pumupunta ito sa mga laro namin ng basketball. At akala ko ay ako ang tinitignan nito pag tumitingin ito sa direksyon ko.

Ngunit nag kamali ako, si Ken pala ang gusto nito.

" Heh! " Nakangisi kong sabi habang tinitignan ang gallery ng cellphone ni Miles.

Ibabalik ko rin sana ang cellphone nito sa bag nya, ngunit napansin ko na lahat ng picture ni Ken na kasama ako ay tinatakpan nito ng emojie ang mukha ko.

" Hah! bakit parang hate na hate mo kami Miles! " sabi ko saaking sarili habang tinitignan ang mga kuhang larawan nito.

Kaya nag pasya nalang ako na kunin ang cellphone nito at i-block mail ito upang makaganti sa kanya.

Kaya nung araw na pinapunta ko si Miles sa rooftop ay nag tataka sila Ken kung bakit kami doon maninigarilyo.

" Sa rooftop nalang tayo mag palamig! " pag pupumulit ko kay Ken at Luis na doon nalang tumambay.

Madalas ay sa garahehan kami na ninigarilyo upang walang maka huli saamin, ngunit nung nag email saakin si Miles na nasa rooftop na sya ay plinano ko na mag kita sila ni Ken sa rooftop ng school upang tignan kung ano ang magiging reaksyon nito.

Kay gandang pag masdan nang reaksyon ni Miles nung nakita nito na si Ken ang umakyat sa rooftop.

Ramdam ko ang takot nito at hindi maka tingin sa mga mata ni Ken nang kinakausap sya nito.

At dahil sa reaksyon nito nung mga araw na'yon ay para bang mas na excite pa ko na pag laruan ito.

Wala talaga sa plano ko ang maging F*ck buddy nito.

Ngunit hindi ko inaasahan na papayag si Miles na maging f*ck buddy ko upang pag takpan lang ang itinatago nitong sikreto kay Ken.

" Kaya anong nakita mo kay Ken ng wala sa kuya ko." tanong ko saaking sarili.

At hindi ko inaasahan na madali kalang palang kakagat sa mga patibong ko.

" The time has come! humanda ka Miles dahil ipaparanas ko sayo ang sakit nang naranasan ni Baron nung sinaktan mo ito!! " sabi ko saaking sarili, habang patuloy sa paninigarilyo.

Fuck Buddy ( COMPLETED )Where stories live. Discover now