CHAPTER 27

14 9 4
                                    

Party

A month of being together seems normal to the both of us. Walang pinagbago, may asaran pa din. Parang aso at pusa na away bati. Nagkakaroon ng small misunderstandings pero naaayos naman agad. He's a type of guy na hindi ka titigilan kakasuyo kapag may problema kahit ako pa yung may kasalanan ay siya yung nanghihingi ng sorry. Minsan nga ay naiisip kong hindi kami match. In our relationship mas naging mature siya at parang ako naman yung naging childish siguro dahil it's my first time to have a partner. Sabi ko nga dati "I want to be single for my whole life".

Napatingin ako sa pinto ng may kumatok. I'm pretty sure it's him.

"Pasok", sigaw ko

Yes we still stay on our own units. Hindi naman kami live in partners. But yes we have each others unit's spare key.

He immediately hug me as he enters. It's actually his everyday routine. Kung hindi yakap ay hahalikan niya ako sa noo and I find it sweet.

"Yes, what brought you here?", I asked him

Siniksik niya yung ulo niya sa leeg ko. Gusto niya talaga sa part na yon lalo na kapag lumalabas yung clingy side niya. Nakikiliti nga ako minsan.

"I miss you", he's starting showing his cute side

"Oh my babe miss me, I miss you too"

Umupo siya ng matuwid while his hands are still on my waist.

"Are you free later?",he asked

Wala naman akong masyadong gagawin ngayon so I nod as a response.

"Mom and Dad just got home. Magpaparty daw sa mansion. They want me to be there."

"Then go, have some fun."

"I want you to come with me. They will be surprise if they will see you"

"Sigurado ka? Ano kase", Matagal na ng huli kong nakita yung parents niya. Siguro ng mga bata pa kami bago sila magmigrate. Our family are sort of friends, college bestfriends actually.

"Pleaseee para makilala ka na din nila"

Oh c'mon he's now pouting. He's using he's charms again. Alam niyang hindi ako makakatanggi sakaniya kapag gumanito siya.

"Fine"

"Let's go shopping?", aya niya

"Madami akong damit dito, there's no need to go shopping.", tanggi ko

"Let's have a shopping after."

"Okayyy whatever you say."

"I'll be back maliligo muna ako", paalam ko

"Pwede ba sumama?", nakangisi niyang sabi sabay taas baba ng kilay

"Augusttt ang manyak mo", tili ko

"Ayaw mo non, bawas bayarin. Conserve water babe"

Nakangiting aso pa ito, kahit kailan talaga.

"Lumayas ka na, maligo ka na din doon shooo. Ang baho mo na", taboy ko sakaniya

"Mabaho pala ah", kinabahan ako ng lumapit ito sakin

Oh no, I'm in trouble. Agad akong napatakbo.

Napatili ako ng makalapit siya sakin. Hindi ko napigilang mapahalakhak ng kiniliti niya ako sa bewang.

Pinaamoy pa nito yung kili-kili niya sakin.

"Ang baho", pang-aasar while laughing

Mabango talaga siya pero gusto ko lang siyang asarin.

InstallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon