CHAPTER 8

27 18 18
                                    

Meet?

Nang makapasok ako sa kwarto ay agad kong tinawagan ang mga kaibigan ko para tanungin if sasama ba sila. According to Mom tomorrow daw agad kaya I need their answers asap.

Agad namang sumang-ayon yung dalawa maliban kay Grei. Kakausapin niya pa daw yung pinsan niya para may maghandle sa cafe para makasama siya sa amin.

I informed them if saan yung destination namin.

I prepared my things. Nagdala ako ng mga damit na good for 3 days. Pwede naman akong bumili doon kung sakaling kulangin iyong dala ko. Masyadong mabigat dalhin kung dadagdagan ko pa yung gamit ko. Hindi naman ako tamad pero ayaw ko lang talaga magbuhat o magdala ng mga mabibigat na bagay.

•••••

Kinabukasan ay maaga akong nagising para magready. Mamayang 9 AM daw kami aalis, masyado pang maaga kaya may oras pa ako.

I stay at the bathtub for a few minutes to relax. Pagkatapos at agad akong lumabas suot ang isang roba. Pumunta ako sa closet para magpalit. I choose a yellow summer dress. I also wear a bikini para deretso nalang pagdating doon mamaya. Nakakapagod din magbihis ng paulit ulit.

I message my friends through our group chat para maremind sila tungkol sa pag-alis namin ngayon:

"I'm on my way", Reisse and Scarlet replied.

Hindi ko nakitang nagseen si Grei, siguro ay hindi siya makakasama.

Napatingin ako sa pinto ng biglang may kumatok. It's my brother.

"Bumaba ka na, you're friend is already downstairs", he said sabay lakad papunta sa baba.

Agad ko namang kinuha ang mga gamit ko at sumunod sakanya.

Kakaremind ko lang sakanila tapos andito na agad sila? Nakakapagtaka naman ata. Knowing those two hindi sila nalelate pero once na nagsabi sila ng "on the way" na sila kadalasan kumakain palang.

Nang makababa ako ay napatingin ako sa kausap ng mga magulang ko.

"Badingggg...akala ko hindi ka makakasama. Hindi ka man lang nag text o chat para magparamdam.", I said while pouting my lips

"Rush nga din girl, inuto ko pa yung pinsan ko. Wala nga akong masyadong dalang damit dahil sa sobrang pagmamadali ko kanina. At isa pa wag ka nga ngumuso para kang bibe", walang prenong sabi nito

Nakarinig ako ng tunog ng sasakyan sa labas. Andito na siguro sila.

"Hello peoples, I'm here na", Guess who? It's Scarlet. Minsan talaga hindi ko maintindihan yung pananalita niya.

"Hellooo, oemjie is that kuya Hiro?", tanong ni Reisse. Andito na din pala siya, hindi ko man lang napansin.

I nod

"Bakit hindi mo sinabi?"

"Ay hindi ko ba nasabi?"

She rolled her eyes. Masyado ata akong excited kagabi kaya siguro nakalimutan kong sabihin sakanila.

Agad siyang lumapit kay kuya.

"Kuya wala ka bang kaibigan pogi doon?", rinig kong tanong nito. Napailing nalang ako.

"Hoiii mga beh, aalis na daw. Tama na yung daldal ang ingay nyo", biglang sabat ni Grei

"Ay andito ka pala, akala ko ba family bonding toh. Pwede pala magdala ng kabayo.", pang-aalaska ni Reisse.

"Pigilan moko girl, Diba may malaking puno sa labas, baka ibitin ko toh ng patiwarik", bulong nito saken.

I laughed. Kahit kailangan talaga itong dalawa .

Nakinig lang ako sa ng music sa buong biyahe. We use our family's van. Hindi kaso kami kakasya kung normal na kotse lang ang gagamit namin, idagdag mo pa yung may mga gamit kaming dala.

Nang makarating kami sa destination namin ay agad kaming bumaba dala ang kaniya kaniya naming mga gamit. Gaya ng sabi ko kanina ay maliit lang ang dala kong gamit. Actually halos lahat kami ay konti lang Ang dala, maliban sa dalawang maarte kong kaibigan. Take note mga beh... kung ako backpack lang yung dala, yung kanila maleta. Hindi naman halatang ready na ready sila.

Nakita kong tinulungan sila ng dalawang lalaki. Base sa suot ng mga ito ay masasabi kong part ito ng mga staff.

May sumama din sa amin para ihatid kami sa kaniya kaniya naming kwarto. Pansin kong madaming turistang paikot-ikot sa buong resort. Mabuti nalang at nakareseeve kami ng rooms bago kami mahuli.

•••••

I stay inside the room for a short time. Free din yung wifi nila kaya hindi na ako nahirapan sa paghahanap ng signal.

"Hey", a messy from Zion

"Hi", I replied

"How are you? You haven't online this past days"

"Ahm I'm fine masyado lang busy"

"Would you mind if we meet each other? I'll not cause any harm, I promise. Kahit magdala ka pa ng madaming kasama, it's fine with me"

"Maybe nexttime? I'm on a vacation kasi ngayon", pagpapaliwanag ko

"I am too actually. Asan ka ba ngayon?", he ask

"Nasa Tagaytay resort, actually kakadating lang din namin"

"Woah I think matutuloy yung meet up natin"

"Wdym?"

Ano bang ibig niyang sabihin?

"I'm also in Tagaytay. Same resort kung nasaan ka."

Napagdesisyonan namin na ituloy ang aming pagkikita. Nagpaalam ako sa parents ko para pumunta sa labas para mag-ikot-ikot.

Napagkasunduan namin na sa cottage malapit sa entrance kami magkikita.

Kasalukuyan akong papunta sa lugar na tinutukoy. I described the dress that I wear at ganon din yung ginawa niya.

"I'm here", he messaged me

According to him, he's wearing a peach color shirt. Inikot ko yung mata ko para hanapin siya.

"Shine?", rinig kong tawag ng isang boses lalaki.

Dahan dahan akong lumingon at nasilayan ko ang mukha ng isa kong kakilala. Nakasuot ito ng kulay peach na damit.

"I-ikaw?", nauutal kong sabi.

I didn't expect it.

"Paanong---"

"It's you, kaya pala pamilyar ka", he said

It's August, yung nakatira sa tapat ng condo ko. The guy na ininis ako sa book store.

"Natahimik ka ata", pangbabasag niya sa katahimikan

"Ah sorry it's just that... Hindi ko lang naexpect."

Sinong hindi magugulat kung yung taong pinagsasabihan mo ng mga importanteng bagay ay naging kaaway mo pala dati.

"Hey wag ka mailang hahahaha. Ako lang toh oh", natatawang sabi niya.

Nahampas ko siya dahil sa sobrang hiya.

Nalaman kong kasama niya pala yung mga kaibigan niya sa pagbabakasyon.

Namasyal lang kami saglit bago namin napagdesisyonan na bumalik sa hotel room ng resort.

Pagkatapos niya ako ihatid ay agad naman siyang nagpaalam para bumalik sa cottage nilang magkakaibigan.

InstallWhere stories live. Discover now