CHAPTER 26

13 9 2
                                    

Childhood Sweetheart

We stay at the park for a hour after his proposal earlier.

Ilang minuto kaming nabalot ng katahimikan. Medyo makamig na din ang simoy ng hangin. Nakakaramdam na din ako ng lamig. Bakit kase off shoulder itong dress.

Medyo naging okay ang pakiramdam ko ng may pinatong siyang jacket sa akin.

"Naalala mo ba", pag-uumpisa niya. Napaangat ang tingin ko sakaniya habang hinihiintay ang karugtong ng sinasabi niya.

"Dito tayo madalas na naglalaro dati, tayong tatlo nila Hiro", sabi niya

Naguguluhan akong napatingin sakaniya.

"Lagi tayong naghahabulan dito dati. Lagi pa nating kasama yung kuya mo kasi babantayan ka daw niya sa akin. Dito mismo sa lugar na to lagi tayong nagkikita noong mga bata pa tayo", kwento niya

Dito kami nagkikita ng mga bata pa kami? Wala naman akong maalala na nagkaroon ako ng kaibigan dati. Maliban nalang kung si...

"Do you remember me now Zuri?"

Zuri, isa lang yung tumatawag sakin nun.

Napayakap ako sa kaniya dahil sa tuwa.

"Ryleee", ang saya ko. akala ko hindi na ulit kami magkikita. Hindi ko napigilang mapahikbi. Mahinang pinaghahampas ko siya sa dibbpdib.

"Bakit hindi mo sinabi, nakakainis ka", kaya pala familiar yung nasa frame sa unit niya. It was his picture when we are still a kid. Mismong dito sa park pa kinuha.

"Iniwan mo ko. Umalis ka ng walang paalam. Ang tagal kong naghintay sayo, halos araw-araw naghihintay ako sayo paa makapaglaro tayo."

"Please don't be mad. Bumalik naman na ako, hindi na ako aalis pa ulit."

"Dapat lang, magagalit na talaga ako sayo", nakanguso kong sabi. Medyo masama pa din ang tingin ko sakaniya. Mukha na siguro akong ewan ngayon.

He chuckled after hearing what I said.

"Don't cry, papangit ka niyan.", pagpapatahan niya sakin sabay punas ng luha ko.

"Remember when I promised you that I will marry ou in the future? I'm looking forward for it."

"Sino naman nagsabing papakasalan kita?", pagtataray ko

"Naalala ko pa yung sinabi mo dati. Gusto mo pa nga dati ikasal tayo agag eh. Noong  tinanong kita para maging fiance pumayag ka agad", he confidently answer habang nakataas baba pa ang kilay.

"Bata pa ako nun", palusot ko

"Yung engagement ring este promise ring natin naitago mo ba?", he asked

Nilabas ko yung kwintas ko kung saan ginawa kong pendant ang singsing. Lagi kong suot to because it reminds me of him. My puppy love, my first love.

"Let's go?", aya niya sakin

I ask him kung anong oras na.

"It's already 12 midnight"

Sobrang late na pala kaya siguro mas lumamig ang simoy ng hangin.

Hinatid niya ako sa mansion. Napagdesisyunn kong dito nalang muna magpalipas ng gabi.

"Saan ka matutulog ngayong gabi?"

"Sa condo?", patanong niyang sagot

Mahirap bumyahe kapag ganitong oras. Delikado, baka may mangyari pang masama sakaniya sa gitna ng daan.

"Dito ka nalang matulog, may mga guestroom naman", I suggested

Nag-aalinlangan pa ito pero kusa ding pumayag. Mukhang alam niyang kukulitin ko pa din siya.

InstallWhere stories live. Discover now