CHAPTER 21

22 10 2
                                    

Overthink

Para daw maging sulit ang reunion na to, we all agreed to stay here for an overnight. Nakapabilog kaming nakaupo habang nasa gitna namin ang bonfire. May mga nag-iihaw ng isda, ako naman ay marshmallow. Matamis kase, ayaw ko sa isda masyadong mahirap kumuha ng tinik. Minsan na akong nabulunan non, ang sakit kaya hindi na ako kumakain unless boneless.

I heard a strum of guitar. I give August a "marunong ka niyan look?". He smirked then he continue strumming and start singing.

Sa unang tingin, agad na nahumaling
Sa nagniningning mong mga mata
Ika'y isang bituin na nagmula sa langit

Sinasabayan siya ng iba sa pagkanta habang ang iba naman ay inaaya ang mga asawa at kasintahan papunta sa gitna para magsayaw. Hindi ko matago ang ngiti ko while I'm watching them.

Hindi ko mawari ang taglay mong tinatangi
Sadya namang nakakabighani
'Di maipaliwanag ang nararamdaman

Magiging ganito din kaya ako soon? It seems like they're not thinking of other people's thoughts. They are focusing on each other. I can see the love in their eyes... so sweet.

Namumukadkad ang aking ligaya
Sa tuwing ika'y papalapit na
Hawakan mo ang aking kamay

I look up when he held his hand to me. Kumakanta pa din siya pero mukhang iniwan niya yung gitara sa may-ari na kasalukuyang tumutugtog pa din.

Oh, Paraluman
Ika'y akin nang dadalhin sa
'Di mo inaasahang paraiso

Tinanggap ko ang kamay niya. Hinila niya ako papunta sa gitna, pinatong niya ang kamay ko sa balikat niya at saka ako hinawakan sa bewang pagkatapos. He look at me straight to my eyes while he's still singing. I can see he's sincerity and admiration.

Palagi kitang aawitan ng Kundiman
'Di magsasawa, 'di ka pababayaan
Isasayaw kita hanggang sa walang hanggan

Pinagdikit niya ang noo namin. Halos pigilan ko na ang paghinga. I can feel some butterflies in my stomach.

Isasayaw kita, mamahalin kita
Hanggang sa walang hanggan

He kissed the tip of my nose as he end the song. "I really like you", he said

Bago matapos ang gabi ay nagkayayaan silang maglaro at dahil isa akong dakilang killjoy ay humindi ako pero dahil sa kulit ng mga kaibigan ko ay nawalan nanaman ako ng choice kung hindi ay sumali.

Konti nalang kaming natira, yung iba ay nakatulog na dahil sa kalasingan. Reisse suggested truth or dare.

Dahil ideya niyang maglaro nito, siya ang naunang nagpaikot ng bote. Una itong tumapat kay Joy, she's happily married.

"Truth or Dare", Reisse asked her

"Truth", she answered

"If ever hindi mo nakilala yung husband mo now, sa tingin mo sino yung makakatuluyan mo?"

"If ever? I think wala kase ang dami kong nakilala before pero sakaniya lang talaga ako nakaramdam ng spark at happiness.", Sana all

Pinaikot nila ito ulit. Halos matapos na silang lahat pero sa akin ay hindi pa din natatapat yung bote.

"Ayan natapat din sayo, ako magtatanong", Reisse said while grinning

"Truth", inunahan ko na siya

"Ay weak", pang-aasar niya. Dumila ako para bumawi sa pang-aasar niya.

"Kailan mo sasagutin si August?", napatahimik ako sa tanong niya

Napalingon ako kay August na nakaupo sa tabi ko. Nakatingin din ito sa akin na parang naghihintay ng sagot.

"After a month? I don't know. If God gives me a sign then yon na yon", God give me a sign. If he's really the guy for me  the atleast give a sign.

They continue playing habang ako naman ay nagpaalam na babalik na sa cottage. Naupo lang ako sa isang duyan habang tinitignan silang nasasayahan. Halos hating-gabi na din.

Biglang pumasok sa isip ko ang itinanong ni Reisse sa akin kanina. Kahit ako ay tinatanong ang sarili, kailan nga bah? What if mapagod siya kakahintay? Paano kung magsawa na siya at maisip niyang tumigil na? Paano kung may makilala siyang mas better?

I have a lot of what ifs at wala akong maisip na sagot sa kahit isa sa mga yon.

Huminga ako ng malalim.

"Mukhang malalim yung iniisip natin ah"

"Ay palaka!", napatalon ako sa gulat nang may biglang nagsalita sa gilid ko.

"Nakakagulat ka naman Buwan."

Malaki naman ang duyan na ito kaya inaya ko siyang maupo sa tabi ko.

"Do you mind if I ask kung anong iniisip mo kanina?"

"You" I said "I mean I'm thinking about what happened earlier. Kung hindi ba kita sasagutin agad tapos may makilala kang iba, titigil ka na sa panliligaw?", I ask him pero ang tingin ko ay nanatiling nasa dalampasigan.

"You know that I like you right?", I nod, he smiled "Nothing will change, kahit may makilala pa akong iba, my heart still belongs to you. Kahit mabagok pa ako, wala akong ibang magugustuhan ikaw lang"

"Kahit sinusungitan at sinasampal kita lagi?", nakanguso kong tanong

He laughed "Kahit halos patayin mo na ako araw-araw, ikaw pa din"

"Buwan naman ih, sa tingin ko parang ang dami kong kasalanan sayo. Ang sama ko na"

"Masama ka naman talaga", mas lalo akong napanguso dahil sa sinabi niya.

"Silly, halika nga dito", hinila niya ako patayo kaya napasubsob ako sa dibdib niya. Rinig ko ang malakas na tibok ng puso niya.

"I like you, no scratch it I love you okay? You don't have to overthink, hindi kita ipagpapalit", ginulo niya yung buhok ko bago ako yakapin ng mahigpit.

Napagdesisyonan naming bumalik na sa cottage nang makita naming papunta na ang mga kaibigan ko sa dereksiyon namin.

•••••

Kinabukasan ay maaga kaming nagising dahil babyahe na kami pauwi. I didn't expect na magiging masaya pala ang reunion na toh. We exchange numbers sa mga medyo kaclose ko.

Dahil same condominium nga kami ni August ay pareho nila kaming unang hinatid. Nang marating namin ang condo ay sabay kaming naglakad papasok. He help me with my things, bakit kasi masyadong madami yung dinala ko tapos  one night lang naman pala kami doon.

When we reach our floor ay mabilis akong naglakad palabas ng elevator habang siya naman ay nanatiling nakasunod sa akin.

"Babyyy!", napalingon ako sa likuran namin para tignan kung naroon ang tinutukoy nitong babae but I see nothing.

Pagkaharap ko ay nakita ko nalang itong nakakapit sa braso ni August.

Unlike me, this lady is tall. She has a fair skin and a sophisticated look. Mukha itong mataray tignan. Teka, why am I comparing my self to her anyways.

"Uh akin na yung gamit ko, may bisita ka pala. Asikasuhin mo muna", kinuha ko yung mga gamit ko mula sa kaniya. Ngumiti ako ng pilit at walang lingon-lingon na naglakad papunta sa unit ko.

Girlfriend niya ba yun? Ex? Siguro nga girlfriend, hindi man lang siya pumalag ng kumapit yun sakaniya eh. Ang tanga ko naman. Oo nga naman, bakit bigla nalang niya akong liligawan noe? Siguro dahil bored lang siya kase wala yung girlfriend niya. Ngayon andito na, tapos na din siguro siya sakin noe?

Mukhang kailangan ko ng dumistansya. Wala naman akong karapatan magselos diba? Alam ko sa sarili ko na wala akong gusto sakaniya pero bakit parang ang sakit. Masikip sa dibdib.

Hindi ko namalayang may mainit na likido ng tumulo galing sa magkabilang mata ko. Hindi na ako nag-abalang punasan ito, dahil sa pagod ay nilamon na ako ng antok ng hindi ko namamalayan.

-----
Song used: Paraluman by Adie

InstallWhere stories live. Discover now