The WANTED 23: The silver ring

22 5 3
                                    


—————————————
Chapter 23: The silver ring
——————————
~~~**~~~

DANICA POINT OF VIEW (JODIE'S MOTHER):

“Kamusta mare? Balita ko nasa top list ng most wanted ang anak mong babae na si Jodie ah?”

Napabuntong hininga ako ng malalim ng magsalita ang kapitbahay namin na si Risa. Hindi ko alam kung nang-iinsulto siya o ano. Alam ko naman na 'yon kaya hindi n'ya na dapat pang ipapaalala.

Nagpatuloy nalang ako sa paglalakad pauwi. Kakatapos lang ng klase ngayon kaya dumiretso na ako sa palengke para sa hapunan.

Pagdating ko sa bahay ay wala pa ang asawa ko na si Jeph. Maya-maya lang ay narito na rin naman na 'yon kasama si Joe na galing sa school.

Nilagay ko muna sa lamesa sa kusina ang binili kong ulam. Pagkatapos magbibihis ay inasikaso ko na ang lulutuin.

Ang tahimik na ng bahay namin simula ng nawala dito si Jodie. Ang masayahin kong anak. Alam kong ang bigat ng problemang pinagdadaanan n'ya pero wala kaming magawa para tulungan siya.

Nagagalit ako sa sarili ko dahil hindi ko man lang siya maprotektahan. Alam ko na magagalit siya sa 'kin kaya gusto kong gumawa ng paraan para kahit papano ay matulungan ko siya. Nito nga lang ay ilang beses nagpabalik-balik ang mga pulis dito sa bahay. At ang mga kapitbahay naman namin ay walang ginawa kung hindi ang pagtsismisan ang anak ko.

Inosente sila at kulang ang ibidensiyang binibintang nila. Sa totoo lang naawa na ako sa anak ko. Bata pa siya pero sobrang laking problema na ang pasan-pasan n'ya. Kasalanan ko ang lahat. Kung nung una palang sana ay hindi ko na hinayaan na pumasok siya sa paaralang 'yung 'di sana sa kan'ya mangyayari ang bagay na 'to.

Napakawalang kwenta kong ina. Sa pangalawang pagkakataon ay hinayaan ko na naman na sila ang magdesisyon. Sa pangalawang pagkakataon hinayaan kong mapahamak ang anak ko.


JODIE'S POINT OF VIEW:


Ano ba ang tamang reaksiyon sa nakikita ko ngayon? Kulang ang salitang pagkagulat. Ito na naman sila sa walang awang pagkitil ng buhay.

Hindi ko inaasahan na makikita ko si Van ngayon na ganito ang lagay. Nakabitin siya sa mismong tapat ng pintuan sa loob ng silid na 'to malapit sa bagong library.

Mula sa muka hanggang paa ay tumutulo ang sariwang dugo at malansa. Biyak ang kalahati ng muka n'ya pero nakikilala pa rin naman. May mga bula ang bibig. May mga pako sa palibot ng leeg. Sira na ang mga damit na kulay itim na sa sobrang dami ng dugo. Ang nakakatayo ng balahibo ang nakikita ko ngayon. Kailangan pa ba nilang torture-in si Van? Bakit kailangan pa nilang pahirapan 'yung tao? Ano bang kasalanan n'ya at bakit nila ito ginagawa?

Hindi ko talaga kinakaya ang ganitong tanawin kaya minabuti ko nalang na iiwas ang paningin ko. Nanginginig ang mga kamay ko at naghihina ang tuhod. Hanggang kailan pa ba matatapos 'to? May mga tanong sa isipan ko na nasasagot pero kalakip nito ay panibagong tanong. Hindi ko na maintindihan pa kung ano ba ang plano nila sa 'min.

“What are we gonna do now?” Tanong ni Ley.

“We can’t just get that away. Why do you think they put it there when they know that no one else can take it away?” Tanong ni Kenzo na nakapagpaisip sa 'ming lahat.

The WANTED (Completed)Место, где живут истории. Откройте их для себя