34 : Once upon a nightmare

14 3 0
                                    

I lay on my bed, restless and alone yet there's one thing I'm sure of

Ops! Esta imagem não segue nossas diretrizes de conteúdo. Para continuar a publicação, tente removê-la ou carregar outra.

I lay on my bed, restless and alone yet there's one thing I'm sure of. Someone is staring at me, napapikit ako nang may dumaan na hangin eksakto sa mukha ko kasunod noon ang isang kakaibang tunog, it has a strange melody. A rhythm that made me think of dying, dire-diretso lamang iyon sa aking tenga. 

Nakakarindi at nakakapangilabot.

Dahan-dahan akong tumayo, pakiramdam ko sobrang gaan ng aking katawan. Kumapit ako sa pinakamalapit na bintana at kaagad din akong napaatras nang makita ang ulap.

There is a large triangle in the bloody sky, lumalakas din ang kakaibang tunog. Nagmamadali akong pumunta sa pinto at kahit na anong pihit ko sa doorknob ay hindi ko ito mabuksan, I covered my ears when I suddenly heard a loud scream, it feels like it was the scream of a dying soul.

Parang pinaparusahan, parang paulit-ulit na pinapatay mas lalong kumabog ang dibdib ko nang mapagtantong nangyari na ito—

déjà vu…

"Sino kayo?" tila nagmistulang bulong lamang sa hangin ang ginawa ko, napatingin ako sa kamay ko nang maramdaman na may pumatak dito. Pakiramdam ko pinapanood ko ang sarili ko sa aking memorya… it keeps on flashing back. Everything is familiar. 

Niliitan ko ang mga mata ko, kahit na madilim ay siguradong sigurado ako kung ano itong pulang likido na patuloy pumapatak sa katawan ko.

Hindi ko maiwasan mapatili nang makita na paunti-unti ay napupuno ng dugo ang sahig. Maya-maya lang ay umabot ito sa aking paa, ramdam ko ang lapot at lamig ng dugo.

Awtomatikong sinundan ng mga mata ko ang pinagmumulan nito. Napailing-iling ako nang umabot na sa tuhod ko ang dugo, hindi ko pa rin mahanap kung saan ito nanggagaling, mabilisan akong umakyat sa kama, Tears streamed down in my face as those screams echoed in my mind.

Blood is gushing from my feet, dahil dito ay nawalan ako ng balanse. I heaved heavily, as blood pooled inside my mouth.

I struggled but I couldn't rise.

Nalulunod ako sa dugo and I can't do anything about it because the monster under my bed is still holding my feet. Tightly, and when I'm about to give up,

My eyes suddenly open, hinawakan ko ang dibdib ko at agad huminga ng malalim. Nilibot ko ang paningin ko sa kwarto, everything is in the same place.

Isang panaginip…

Panaginip na pamilyar na pamilyar sa akin, panaginip na tila nangyari na dati. It feels like I am looking in a memory. Umiling-iling ako at umayos ng upo. As my eyes roam my room napansin ko ang repleksyon ng pulang kalangitan.

Box KeeperOnde histórias criam vida. Descubra agora