Chapter 13

4.7K 132 1
                                    

Ano daw?!

"T-teka... ako ba yun Magui?" bulong ko sa kanya.

"Ikaw lang naman ang nag iisang maganda dito Ate" bulong niya pabalik

"Wag kang mambola Magui. Ehh.. baka ano.."

"Kaano ano niyo siya?" tanong ni Vice sa lima.

"Kaibigan"

"Ano ni ano"

"Friend"

Sabay sabay nilang sinabi kaya hindi naintindihan ni Vice, "Oh. Parang importante." tumingin siya ulit s aakin kaya ngumiti ako

"Halika dito" ano daw?!

"Tita.. tulungan niyo naman po ako" sabi ko sa kanila

"Sige. Tara" ano?! Bakit... wahh!

"Kahit may kasama kang bata hindi ka nila pagkakamalan na yaya," ako? Yaya?! Naman eh..

Lahat kaming apat, kasali si Magui, Lelay at Tita, pumunta sa kanila. "Ang ganda talaga niya noh?" tanong niya sa audience. Nag agree naman sila lahat kaya kinabahan ako. Maganda ako?!

"No wonder na ano... mmm" sabi ni Vice. Hala. Pinagkakaisahan ata nila ako

"Anong pangalan mo iha?"

"Kathryn Bernardo po." sabi ko

"Close kami niyan" sabi ni Tita.

"Hindi kita tinatanong mare kaya tumahimik ka" halata na nagbibiro siya, "Bigyan niyo naman ng upuan. Hindi dapat pinapatayo ang magandang babae na ito" talagang iemphasize yung maganda -__- eh hindi naman talaga

"Ikaw nalang kaya ang magbigay kusa Vice. Be gentleman pare" sabi ni sungit. Nag iba naman ng mood si Vice

"Oo nga tol. Sige ibibigay ko nalang ang upuan ko. Nakakahiya sayo tol" mas bagay niya paglalaki. Mas gwapo si Vice. Hahaha

"So anong masasabi niyo sa mga fans niyo, o klaklase o kakuntyaba niyo" sabi ni Vice

"Yow! Hi fans, classmates! I love you" sabi ni Jc. Nagtilian naman yung mga babae

"Iba talaga ang karism ng pamilya niyo mare" sabi ni Vice kay Tita tapos pinangigilan si Lelay

Binigyan nila ng bulaklak si Tita, "Salamat sa pagpunta niyo dito. Aasahan ko na sa susunod na pagpunta niyo dito, pinagtitilian na kayo at marami ng clubs na nabuo"

"Marami pang kakulitan dito kaya magbabalik ang,"

"Gandang gabi Vice!"

***

Hay. Buti nalang pangalan ko lang yung tinanong doon. At konti lang yung exposed na itusra ko doon. Paano kung mukha akong gurang dun?

"Ate Kath! Pwedeng pumunta sa bahay niyo?" tanong ni Lelay

Hmmm... "Pwede sa Sabado nalang Lelay? Weekdays kasi eh, may school" sabi ko. Ngumiti naman siya at niyakap ako, bago bumaba sila sa van.

"Mag iingat kayo ah." sabi ni Tita. Tumango naman kami at nagpaalam na sakanila. Sinara naman ni Katsumi yung pinto

"Ayos ka lang Kath?" tanong ni Jc sa akin

Tumingin ako sa kanila. At tinignan ng mukha-ba-akong-okay? Tapos sumandal ako sa may bintana, "Hindi ka sanay sa mga camera? I mean.. sa mga interview ganun. Tapos ipapalabas sa tv" sabi ni Lester

Hindi nalang ako nagsalita. Nakakapagod. Sana pagkatapos ipalabas yun, hindi ako dumugin. Lalo na at kaklose ko na itong banda na to

"Hoy.."

5 Handsome Guys in my HouseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon