Chapter 11

4.8K 128 0
                                    

At eto nga kami...

Pa ninja moves kahit nasa kalagitnaan kami ng pagkain. Tingin dito, tingin doon. Mas lalo atang nakakahalata yung mga tao dahil kay Katsumi at Lester

Eh sino ba namang hindi mapapatingin sa amin KUNG NAGSUSUBUAN SILA?!!? Nakakarindi. Iwww.. Pati sina Magui at Lelay, nadidirian na rin na parang gustong sabihin na hindi namin sila kasama

Nakahoddie kaming tatlo nina Magui at Lelay. Tapos itong apat na toh, nagmake up pa, nag wig. Aba. Tsk. Sayang lang yung mga gwapo nila. Pero wala yun kay sungit no! Pangit na nga ugali kaya pangit dun mukha.

"Hoy Kabe, ano itong tinweet mo? Napakatanga mo talaga!" mahinang sinabi ni Seth kay Katsumi. At nandun ang inis niya kay singkit

Tinignan ko yung Twitter ko dahil sa pwede naman akong makapagtwitter kahit walang wifi, "Here at KFC with @imdanielpadilla @imlestergiri @imsethgothico @jcfpadilla @bernardokath and the two kulits" napatampal nalang ako nang noo nang mabasa ko yun.

Tanga talaga siya, "Ganyan ka na ba kahard sa akin bebe Seth?" nag inarte si Katsumi at nag inarteng umiiyak, "Pinapahiraman kita ng damit, sapatos, pantalon. Pati brief ko. *punas luha* Noong nagmamadali ka at kailangan mo ng brief, binigay ko pa sayo yung suot ko kasi nasa labada na lahat ng ginamit ko"

Iwww! Naghihiraman sila ng brief?!

"Iww. Di ka na nahiya kuya Katsumi. Kumakain tayo" bulong ni Magui sabay tingin sa paligid

Napatulala si Seth ay parang sinisink in yung sinabi ni Katsumi. Tapos... binatukan niya siya, "Nakakadiri ka Kabe! Di ka na nahiya na ipahiram yung brief mo sa akin! Iww!" napalakas yung boses niay at sigurado akong narinig nila yung sinabi ni Seth

Pero imbes na reklamo ang narinig ko, nakahalata na sila, "Parang boses yun ni Seth.."

"Tama ka"

Tumayo na kami ng dahan dahan. Tapos tumakbo na si Seth. Hay. Pinapakita lang na guilty siya. Sobrang guilty talaga

Siya lang ang tumakbo papunta sa isang shop na puro pantalon ang tinda. Kaya pumasok na rin kami, "Akala ko ba walang bilihan?" rinig kong bulong ni Katsumi.

"Gothico! Asan ka?" bulong ni Jc at napatingin tingin pa sa paligid -__- Sigurado ba siyang maririnig ni Seth yung bulong niya?

Umupo ako sa nakita kong upuan dito at nakitabi naman sa akin si Magui at Lelay. Si Lelay, patuloy lang siya sa paglalaro sa phone niya. Tapos yung lima, nagtingin tingin ng pants kasi pang lalaki itong napuntahan namin.

"Ate, pwede ka bang maging manager ng Parking 5?" tanong igla ni Magui kaya napalayo ako sa kanya. Ano daw?! Parking 5?!

"No.. hindi pwede" sabi ko sa kanya. Oo okay na ako sa kanila. Close kami. Pero yung sobrang close? Hindi na ata pwede yun. Mawawala na yung pagkababae ko. Tsaka, ang bata ko pa para maging manager.

"Hindi ka naman hater ate diba?" napatingin ako kay Lelay na tumigil sa paglalaro at tumingin sa akin nang nakangiti, "I mean, why would you hate them? I think, yung mga araw na kasama mo sila ay okay na" sabi niya.

Napatingin ako sa limang itlog na nag aaway tungkol sa pantalon, "Sorry Lelay pero hindi pwede eh. Bakit ba? Sikat na ba sila talaga? As in, sa showbiz?" tanong ko. Tumango silang dalawa kaya nagulat ako

"Si mama, isa siyang artista." nalaglag ang panga ko dahil, sa sinabi ni Magui. Ano daw?! Artista si Tita Karla?!, "Kaya damay damay na pagdating sa anak niya." nagkibit balikat siya at inasikaso yung phone niya

Kaya pala.. mas pinapansin sila kesa sa amin. Kaya pala palagi silang nakadisguise kapag nasa public. May social media palang nakapalibot sa kanila, "So bakit si sungit-- este yung kuya niyo, nasa public parin. I mean, walang nakapalibot sa kanyang manager. O make up artist" okay. Ako na na curious. Kasalanan ko ba?!

"You're funny ate." natawa siya kaya napakunot yung noo ko, "Hindi ganun kadali ang mag artista kaya pinag iisipan niya pa. Kasi sinabi niya sa akin, 'Paano na ang banda niya?'" napaisip ako sa sinabi niya. May puso pala si sungit at inaalala ang mga kaibigan niya

"And... may guesting pala si mama sa GGV. Pero next next week pa ipapalabas. Tapos nainvite rin sina Kuya at yung kabandmates niya para magperform." sabi niya kaya napanganga ulit ako. Uhmm... okay?

Buti pa sila, official na yung band nila. Tapos ganun pa kasikat, "Gusto mo bang pumunta ate? Manonood kasi kami ni Lelay" sabi niya. Kumapit naman sa akin si Lelay at nagpuppy eyes.

Hala.. kung sina Katsumi ang nagrequest, and daling tanggihan. Pero kapag sila... tapos nagpuppy eyes pa. Aba.. kulang nalang ata iharap ako sa buwaya para makapagdecide agad ako

"Ate Kath, we're not forcing you to come." sabi ni Magui at parang naggesture pa siya, "Okay lang maman po kung hindi eh"

"Titignan ko kung hindi ako busy. Tapos itetext ko nalang kayo" sabi ko. Ngumiti naman sila. Hay. Sana busy ako...

Pero kasi.. gusto ko ring ma experience yung makita ang mga artista. I mean, oo sikat kami. Pero hindi sa buhay showbiz. Parang amin amin palang. Tapos yung kay Tita Karla, kila sungit at yung banda niya, papunta na sa buhay artista. Hay

Oo na! Inaamin ko. Masaya silang kasama. Nakakatuwa. Nasira yung pinangako ko sa sarili ko. Alam niyo yung feeling na talang napapangiti nila kayo (except kay sungit). Kahit na... kornipi yung joke nila, o madapa, tatawa parin sila (except kay sungit). Yung kahit anong pagsusunngut mo sa kanila, hindi sila titigil para baguhin ka.

At yun ang ginawa nila sa akin.

Naalala ko pa yung first impression ko noong nakita ko sila.

Gwapo.

Tapos noong sinabi lang ni mama na doon sila maninirahan, wala na.

Binabawi ko na yung sinabi ko tungkol sa kanila

"Kath? Tara na" napa balik ako sa diwa nang nasa harapan ko yung apat na itlog kaya napangiti ako

"Oy! Teka teka! Ngumiti na si Kath!" sigaw ni Lester na nakaagaw sa kanya ng pansin. Tsk. Naman eh! Nagtatago nga eh. Sila din naman ang nagbubuking. -__-

"Wehh? As in? Ngumiti?" Katsumi

"Nakita niya palang mukha mo Kats, natawa na siya. Bwahahaha! You know what I mean" Jc

"Ang Parking 5!"

"Tara magpapicture."

"Kasama nila si Magui at Lelay!"

"Ang cute!"

"At si Kathryn din!"

Nagkatinginan kaming lahat at ngumiti ng nakakaloko.

Hinawakan ko na yung kamay ni Lelay at Magui.

Sabya karipas ng takbo paalis ng mall

5 Handsome Guys in my HouseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon