ZTUP S1 - C H A P T E R : 3 6

Magsimula sa umpisa
                                    

Kailan pa ako naging itlog?

Mas lalo lamang gumaspang ang kanyang pag uugali sa akin dahil sa pag hahalintulad nito sa akin sa isang bilog na pagkain.

Ang sama niya kung isa akong itlog para sa kanya.

"Saang parte nang katawan mo ang magandang pagmasdan huh? Mahal na Prinsipeng mukhang itlog?"

Halos pumula na ang buong mukha ko sa galit sa kanyang sinabi.

Nakakabwesit talaga ang isang tulad niya.

Mas lalo namang umingay ang paligid dahil sa kanyang mga binitiwang salita.

"Napaka bastos niya."

"Hindi man lang niya ginagalang ang isang Prinsipe sa buong kaharian."

"Isa siyang lapastangan."

"Ang dapat sa kanya ay parusahan ng kamatayan."

"Sana hindi ito palalagpasin ni Prinsipe Lawrence."

"Mabulok sana ang katulad niyang walang kwenta sa kulungan."

"Ang lakas ng loob niyang ihambing sa isang itlog ang napaka gwapong mukhang taglay ni Prinsipe Lawrence."

Tama sila.

Isa siyang lapastangan na tawagin akong itlog sa harapan ng iba at siya lang talaga ang nag lakas loob na tumawag sa akin ng ganyan.

"Bulag ka ngang tunay at bingi pa. Hindi mo ba nakikita ang kakisigang taglay ko? Hindi mo ba naririnig ang papuring nakukuha ko sa mga naka palibot sa atin?"

Taas noo akong tinignan siyang padungaw dahil hanggang sa may dibdiban ko lamang siya.

Ano ka ngayon huh?

Napaka malditang dewende.

"Hindi ako bulag at hindi ako bingi."

Inalis ko ang mga brasong pinag krus ko sa aking dibdib at naka pameywang na naka ngisi sa kanya.

"Ibig sabihin ay inaamin mo na talaga na isa akong magandang lalaki?"

Ang dami pang sinasabi pero aaminin din naman palang nahuhumaling siya sa aking kakisigang taglay.

"Hindi."

Bagot na sabi nito at inirapan ako.

Aba't napakamaldita talaga, sarap dukutin ang kanyang mga mata.

Nakaka inis lalo na at siya na naman ngayon ang nagkrus ng kanyang dalawang braso ilalim sa kanyang dibdib.

Ramdam ko namang bigla namula ang aking mukha dahil sa kanyang ginawa dahil mas lalo lamang umaangat at lumantad ang kanyang malulusog at magandang dibdib.

Iniwas ko ang aking tingin sa kanya dahil sa mas matangkad ako sa kanya ay kitang kita ko ang hubog ng dibdiban niya.

Gumagawa pa ba siya ng paraan para mawala ang galit ko sa kanya?

Napaka tuso at napaka duwag niya talaga kung ganon.

"A-ayaw eheem!!. Ayaw mo lang aminin dahil sa nagpapanggap ka lamang upang makuha ang atensyon ko."

Tama dahil baka ginagawa lang niya ito para makuha ang atensyon ko na akala niya ay mag tatagumpay siya.

Ha! Hindi pa ako tanga na hindi agad malalaman ang mga nais niya.

"Aanhin ko ang atensyon nang isang itlog, hmmpp?"

Bumalik agad ang inis ko sa kanya dahil sa muli nitong pag tawag sa akin na itlog.

"Zemiragh: The Unwanted Princess"  S1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon