57. Kidnap

1.3K 29 0
                                    

Phenny's POV

   Nag usap kami ni Cronus sa kwarto ng pakawalan na ako ng nanay at kapatid nya. Halos itali na ako ng nanay ni Cronus sa bewang nya dahil tuwang tuwa ito sa kulay ng mata at buhok ko. Si Coleen naman tuwang tuwa sa hugis ng mukha ko at sa liit ng katawan ko. Para daw akong ball jointed doll. Hindi ko naman alam kung ano yun. Basta hindi mukhang manika ng mangkukulam okay lang.

   Nag sorry si Cronus dahil sa ginawa nyang pagpapa pirma sa akin sa marriage contract ng hindi nya sinasabi. Nag sorry din ako dahil nasampal ko sya kanina. Yung sa pagpirma ng kontrata nasabi ko na kasalanan ko din naman dahil hindi ko na binasa yung dokumento. Sabagay kahit mabasa ko yun pipirma pa rin naman ako. Pangarap ko kayang makasal sa kanya. Tumawa lang si Cronus at hinalikan ako. Pero ngayon hindi na halik lola. Hinalikan na nya ako sa mga labi ko at nasarapan naman ako, syempre mahal ko eh.

   Pinatulog nya muna ako dahil napagod talaga ako kaka iyak kanina. Feeling ko nga mamatay ako nung malaman kong nagpakasal na sya yun pala sa akin sya nakasal. Lagot ka ngayon hinding hindi na kita palalayain pa.

   Almost dinner na ng ginising nya ako. Naligo muna ulit ako bago lumabas ng kwarto ko. Si Cronus nakatayo sa labas ng pinto naghihintay sa akin.

   "Bakit hindi ka kumatok para nabilisan ko yung kilos ko". Sabi ko sa kanya na nahihiya pa. Ang tagal na ata nyang nag antay dito sa labas. Sa isip isip ko.

   "It's okay, you can take all the time that you need, nandito lang ako mag aantay sayo". Pagka sabi nun ay hinalikan na naman nya ako sa mga labi ko. Uy nakakarami ka na ha. Kinikilig na ang tenggelengs ko.

   Nakita ko na napatawa lang si Cronus sa reaction ko.

   Inaya na nya akong bumaba at pagdating sa dining area ay nandun na ang pamilya nya.

   "Hija come here you can sit here". Turo pa ni Senyora sa katabi nyang silya.

   "She's sitting beside me". Sabi naman ni Cronus habang pigil ang kamay ko. Pupunta na sana ako sa tabi ni Senyora nung tinawag nya ako.

   "Charles honey, pwede ba nating ampunin si Phenny?".

   Nagulat ako sa biglaang sinabi ni Senyora. Bakit nya pa ako aampunin eh asawa na ako ng anak nya.

   "Anything you want honey". Narinig kong sagot ni Senyor.

   "I liked the idea Mom. Then we can take her to Paris then dress her up!". Tuwang tuwa na sabi ni Coleen.

   "Can you please stop. Phenny is already my wife bakit nag sa suggest pa kayo ng adoption?". Nagagalit na sabi ng asawa ko habang ako naman ay busy sa panonood sa kanila at pagkain. Ang weird ng pamilyang napuntahan ko.

   "Ang damot mo kasi kuya para hihiramin lang si Phenny saglit. Mamaya nyan ipakidnap ko pa yan eh di lalo kang nawalan ng asawa. Hmp!". Matalas ang ibinigay na irap ni Coleen sa kapatid nya.

   "I agree to Coleen, masyado mong ipinagdadamot ang asawa mo. You're so possessive. Siguro nga mas maganda kung ipakidnap ko na lang ang manugang ko then we will hide her para hindi mo na makita!". Mataray na sabi ni Senyora na nagpakunot ng husto sa noo ni Cronus.

"Charles Montague can you hear the words coming from your daughter and wife's mouth?". Pormal na tanong ni Cronus sa ama.

  "Loud and clear son". Mahinahong sagot ni Senyor Montague.

  "Can't you do anything about it?". Tanong ulit nito sa ama na nakakunot ang noo.

  "Ask that question when you are in my position at least twenty years from now". He said in a calm voice.

  Nakita kong nagngitian ang mag inang Montague.

   Umawang talaga ang bibig ko sa mga naririnig ko at mas lalo atang natulala ako sa mga nasaksihan ko. Safe ba ako sa pamilyang ito?... Bakit yung word na kidnap parang pi pick up lang sila ng tuta sa kalsada tapos parang mga kontabida sa kdrama yung nanay at kapatid ni Cronus. Bulong ko sa sarili ko.

   Kunot na kunot na ang noo ni Cronus. Maya maya ay kinuha na nya ang cellphone nya sa bulsa at nag dial.

   [Ezra your work starts tomorrow morning at six am sharp!] . Yun lang at ibinaba na nya ulit ang cellphone sabay ngiti ng nakaka loko.

   "Really kuya?... Si Ezra talaga of all people?". Si Coleen naman ang naka busangot ang mukha.

   "My wife is very precious to me so I need a very reliable guard". Kumindat pa sya sa kapatid sabay subo ng pagkain.

   Kinilig ako dun sa my precious ah, parang si Gollum lang ng lord of the rings. My precious!. Natawa naman ako sa naisip ko.

   "Cronus... Sino si Ezra?". Naisipan ko lang itanong para kasing sobrang astig ng dating nya.

   "You'll meet her tomorrow, just eat for now okay". Parang nagsabi lang sa bata. Tumango din naman ako.

   "By the way. Nag invite si Brent sa Club Millionaire". Basag ni Karlo sa biglang katahimikan.

   "Phenny come along, maganda doon". Tuwang tuwang aya ni Coleen.

   "If you want to go just leave!... Don't take my wife anywhere with you". Pagalit na sabi ni Cronus.

   Bakit anong meron dun sa Club Millionaire parang ayaw nya akong papuntahin?. Tanong ko sa isip. Lalo tuloy akong na curious.

   "Don't be such a kill joy kuya hayaan mo namang makapag enjoy ang sister in law ko kahit konti". Nakasimangot na sabi ni Coleen sa kuya nya.

   "Oo nga naman pinsan, di pa ata nakakapunta sa ganoong lugar si Phenny. Let her taste a little night life". Dugtong naman ni Troy.

   "Sama ka sa amin Phenny, maganda dun tsaka masaya mai enjoy mo". Masayang yaya ni Karlo. Lalo tuloy akong nagka interes makita yung lugar.

   "No... Leave us alone!". Galit na sabi ni Cronus at napa tingin na ako sa kanya.

   "Cronus".

   "Yes my love?".

   "Hindi ba talaga ako pwedeng sumama sa kanila kahit saglit lang?". Ipinungay pungay ko pa ang mata ko habang nagtatanong na nakatingin sa kanya. Kailangan mukha akong nakakaawa baka sakaling pumayag.

   Nakita ko ang paglunok nya na parang nahihirapan at hindi alam ang isasagot sa akin. Tinititigan nya ako tapos ay marahang bumuga ng hangin.

   "You want to go there?".

   Tumango agad ako.

   "Fine then we will go". Mahina nyang sabi. Nakarinig ako ng word na yes sa magpipinsan.

   "Troy pinsan, naalala mo ba kung sino sa mga pinsan natin ang nagsabi na walang babaeng magpapalambot sa akin!". Tawang tanong ni Karlo kay Troy

   Kunwaring nag iisip pa nga si Troy na may pa tapik tapik pa ng daliri sa baba nya.

   "Karlo pinsan, parang si ano yata yun eh... Teka parang si ano... Cronus ata". At naghagalpakan na ng tawa ang mga hudyo.

   "Sige tumawa pa kayo, maiiwan kayo dito sa bahay". Kalmadong sabi ni Cronus at sa isang iglap nawala ang malakas na tawanan.

   Cronus lang talaga SAKALAM!.

Cronus and Phenny: The Mafia Lord and His Orphan Wife  (Completed) Kde žijí příběhy. Začni objevovat