21. Battle Of The Tokis

1.3K 29 0
                                    

Phenny's POV

  Nagsimula ata akong maglaba na wala pang araw ngayon halos sikat na sikat na si king sunlight at masakit na sa balat ha.

  Anong oras na ba? Bulong ko sa sarili ko. Nanlalambot na ako sa gutom wala man lang nag alok ng pagkain o kahit alok na lang. Ni wala ngang sumilip sa akin dito kung buhay pa ba ako o nadaganan na ako ng labahin. Mabuti na lang may washing machine dito hindi kaya ng powers ko kusutin yung mga comforters at malalaking kurtina. Salamat sa nag imbento, naku kung buhay ka pa kuya baka ma kiss kita.

  Tapos na akong mag laba at tapos na rin ako mag sampay. Tapos rin ang mga daliri ko tadtad na naman ng sugat. Sobrang tapang ng sabon nila ang hapdi tuloy.

  "Miss Phenny!".

  Malakas yung tawag sa pangalan ko na nakapag palingon sa akin. Si Mang Julio pala yung hardinero dito. Napangiti ako.

  "Mang Julio kamusta po?". Masaya kong bati sa kanya.

  "Okay lang po Miss Phenny... Ano hong ginawaga nyo dito?". Taka nitong tanong sa akin.

  "Naglaba po... Ang dami nga po eh nagutom tuloy ako". Hinimas himas ko na ang tyan ko dahil nagagalit na ata yung mga alaga kong dragon sa loob.

  Napansin ko ang pagkagulat sa mukha ni Mang Julio pero mas napansin ko yung tinapay na dala dala nya. Titig na titig ako sa naka plastik na tinapay na parang ang sarap sarap kainin napapalunok laway na lang ako.

  "Mang Julio... Uubusin nyo pa po ba yang tinapay nyo?". Makapal na mukha kong tanong. Wa pakels na talaga super gutom na kelangan ng manghingi. Nananalangin ako na sana bigyan nya ako kahit kalahati sobrang gutom ko na talaga.

  Tiningnan ni Mang Julio yung tinapay na hawak nya at biglang inabot sa akin.

  "Hindi pa po ba kayo kumakain?". Parang malungkot ang tono ng boses nya na nahahabag.

  "Hindi pa po ang aga po kasi akong ginising ni Bree... Ay Ma'am Breena pala para maglaba tapos wala namang nagdala ng pagkain sa akin... Akin na lang po ba lahat ito?". Gulat na tanong ko nung iabot nya sa akin yung plastik ng tinapay at ng tumango sya ay lumapad ang ngiti ko.

"Alam nyo po sa orphanage na pinanggalingan ko hindi pa ako nakaranas ng ganitong pagka gutom kasi kahit papaano may pagkain dun at nasa oras. Pag po pala nagta trabaho na kayo makakaranas na po pala kayo ng gutom ano?". Kwento ko habang sunod sunod na sumusubo at nanguya ng tinapay.

"Miss Phenny dahan dahan baka mabulunan po kayo wala po tayong tubig!". Nag aalala nitong sabi.

  "Okay lang po ako, sa loob na lang po ako iinom... Maraming salamat po sa tinapay Mang Julio uuna na po ako".

   Tumango lang si Mang Julio at ako naman ay dumiretso na ng mansion.

   Pagapasok ko sa kusina ay nakita ko sila Breena.... Erase... Ma'am Breena pala, at ang ibang katulong na nagkukumpulan. May ipinapakita sya mula sa cellphone nya.

  Tiningnan ko yung suot nya hindi sya naka uniform tulad nila Maru parang naka pang alis ata sya. In fairness danda damit parang yung damit na ibinigay ni Cronus. Pag may trabaho talaga pwede ng bumili ng kahit anong magustuhan.

  "O nandyan ka na pala Phenny natapos mo ba lahat ng labahin?".

   Mataray nitong sabi habang ang iba ay nag atrsan at nagsi yuko.

   "O anong ginagawa nyo bakit kayo nagsiyukuan dyan ha!".

   Ako din naman ay nagtaka kung bakit nagsiyukuan sila Maru at parang natakot atang tingnan ako.

  "Naku Breena wag mo na kaming idamay dyan sa mga pinag gagagawa mo baka malintikan kami kay Sir Cronus pagbalik". Biglang sabi ni Susan na iniiwasan din ako ng tingnan.

  "At bakit naman kayo malilintikan?... Di ba sabi ko sa inyo okay na kami ni Sir Cronus hayan ang ebidensya ko tingnan nyo hinatid pa nya ako kagabi sa kwarto ko o". Halos iwagayway ni Breena sa mukha ng tatlo yung cellphone nya. Napapasilip ako kung anong ebedinsya ba meron dun wag naman sanang scandal hindi pa handa ang virgin eyes ko makita ang buong maskels ni Cronus. Pero hindi ko naman makita kung anong meron talaga sa cellphone nya.

  "Mang Julio!". Biglang tawag ni Nenay sa lalaking pumasok sa kusina.

  "At bakit pumunta ka dito tapos na ba ang trabaho mo Mang Julio?". Mataray na tanong ni Breena sa matanda. With matching cross legs pa nga at tingin sa kuko. Wow bagong kyutiks si ateng.

  "Kukuha lang ako ng tubig". Sagot nito sabay tingin sa kinalulugaran ko. Binigyan ko sya ng malapad na ngiti na ginantihan naman nya ng isang banayad na yukod. Nagpapasalamat talaga ako dun sa tinapay na binigay nya dahil napawi ang gutom ko kanina.

  "Sige kumuha ka lang dyan sa ref. Kung gusto mo kumuha ka dyan kahit yung mga soda or softdrinks akong bahala sayo, sagot ko na!". Mayabang na sabi ni Breena. Feeling nya sya ang bumili. Sya na ba ang may ari ng ref ngayon?.

  Diretso lang sa ref si Mang Julio bago nagsalita ulit.

  "Mika bakit hindi nyo pinakain ng almusal si Miss Phenny?". Tanong nito na habang nagsasalin ng tubig sa bote nya pero hindi tinitingnan ang maid na kausap nya.

  "Tito sabi po kasi ni Breena mamaya na lang daw pong tanghalian pakainin si Miss Phenny". Natatakot nitong paliwanag.

  "Teka... At bakit nakiki alam ka Mang Julio sa mga desisyon ko kung pakakainin o hindi si Phenny eh hardinero ka lang naman dito, dapat dun ka lang makialam sa labas dahil dun ang lugar mo wag kang makialam dito sa loob ng mansion... Pakialamero kang matanda ka". Asik ni Breena na galit na galit kay Mang Julio.

  OMG to the highest level. Parang papunta na to sa tele serye to k-drama. At kasali pa nga ako kasi parang ako yung victim. Napapangiti ako dahil live show tong pinapanood ko at mukhang battle of the tokis pa nga.

   Ang tanong...

    Sino kaya ang mananalo sa dalawa, ang etsusera at ambisyosang frog o ang makatarungan nating hardinero?....

   Ay exciting.!..

   Sayang inubos ko na yung tinapay ko, may nginunguya sana ako habang nanonood. Tubig na nga lang.

Cronus and Phenny: The Mafia Lord and His Orphan Wife  (Completed) Where stories live. Discover now