18. Secret Crush

1.3K 28 0
                                    

Phenny's POV

   Nandito na naman ako sa kwartong binigay ni Sir Cronus.... Ay Cronus lang pala. Iyon ang utos nya, umakyat at magpahinga. Kaya eto kanda hilata ako. Hay, ano kayang klaseng trabaho itong napasok ko. Mag aantay lang ng utos bago kumilos tapos sasahod na. Nakakatuwa naman ang mayayaman nag ha hire sila ng literal na utusan as in kikilos ka lang pag may utos. Parang manikang de susi kelangan munang susian bago gagalaw.

  Titig na titig ako sa puting ceiling na parang nanduon ang mukha ni  Sir Cronus. Napapa ngiti ako pag naaalala ang mga pinag gagagawa ko simula kahapon at ngayong araw.

   Paano ba naman sa charity event bigla na lang syang sumulpot sa umpukan namin at kinausap yung matabang babae. Pagtingin ko sa kanya habang nakikipag usap sya dun sa babae natulala talaga ako at feeling ko hihimatayin ako sa sobrang ka pogi-an nya. Tinakpan ko ng unan ang mukha ko at tumili ng impit habang papadyak padyak at pa gulong gulong sa kama. Di ko talaga mapigilang kiligin pag naalala ko yun. Bakit ba sobrang gwapo ni Sir Cronus?

   Lord bakit ka ba naman gumawa ng ganun ka poging nilalang alam nyo naman pong masama yun sa kalusugan naming mga babae.

   At sa sobrang lito ko kahapon ipinako ko na lang tuloy ang mga mata ko sa malayo baka kasi himatayin talaga ako pag tinitigan ko sya tapos biglang magkagulo ng dahil sa akin, nakakahiya. Inihahanap pa naman ako ni Sister Luz ng trabaho tapos ganun ang mangyayari baka isipin nila may sakit ako wala ng mag hire sa akin.

  Tapos nagulat din ako kasi biglang nag offer sya ng work dito sa napaka bongga nyang house at sinabing magiging safe daw ako sa poder nya, pagkatapos biglang ngumiti ng napakatamis na para akong lalanggamin mag isa... OMG.... muntik ng mahulog yung panty ko sa kagwapuhan nya kaya napa cross legs ako kahapon kasi baka malaglag nga. Naku Sir Cronus... Ay Cronus pala, mukhang ikaw ang hindi safe sa akin baka bigla na lang kitang lundagin at pug pugin ng halik.

   Lord give me strength na mag pigil baka mawalan agad ako ng trabaho at makasuhan ako ng rape.

  Pero syempre the best part pa rin yung HHWW namin ni Sir... Holding hands while walking... Tili ulit... Super super kilig na talaga yung kanina. Tsansingang malupit na. Na harass ko na si Sir ng di nya alam.

   Naku puso behave ka lang baka mapatili ka ng tuluyan nakakahiya naman at baka magtakbuhan ang mga tao dito sa kwarto ko akalain nila nasisiraan na ako ng bait.

   Hindi siguro akalain ni Sir Cronus na hindi ako tatanggi sa mabango nyang kamay. Aba chance na kaya yun para mahipuan man lang sya... Ay ang bad ko na. Baka mabatukan na ako ni Lord, wag naman sana.

  At kawawa na yung unan kong walang kasalanan dahil pinang gigilan ko na. Sorry pillow, si Sir Cronus kase eh, kasalanan nya to. Nasobrahan ata yung crush ko sa kanya kaya pati ikaw na crushed ko na.

   Pero siguro kung masungit si Sir Cronus baka sakaling di ko sya magustuhan ano?... Kaya lang sumobrang bait eh. Parang na fall agad ako. Kaya lang pillow habang tumatalas yung puso sa ko sa love parang pumupurol naman yung utak ko ilang beses na kong napapatanga kay Sir. Tsk. Napatingin ako sa kawawang unan na pinanggigilan ko. Tingnan mo pati ikaw kinaka usap ko na.

  Hay, totoo ata ang sabi ni Isko nakakabaliw ang pag ibig kasi ang nanay nya nabaliw daw dahil dun eh, naku wag naman sana akong mabaliw. Wala na nga akong maalala sa kahapon ko masisira pa tuktok ko ngayon  hala paano na ako?.

Cronus and Phenny: The Mafia Lord and His Orphan Wife  (Completed) حيث تعيش القصص. اكتشف الآن