35. Kasalanan?

1.3K 29 0
                                    

Phenny's POV

   Pagbaba ko ng kwarto parang wala pa rin ako sa sarili ko. Ayaw atang mag sink in sa utak ko yung sinabi ni Cronus habang nagtutulog tulugan ako. Gising ba talaga ako kanina o baka naman panaginip ko lang yun dahil sa sobrang kaka isip ko sa kanya kung ano ano na yung naririnig ko.

   O kaya alam nyang gising ako tapos testing lang pala yun. Teka baka talagang na a aning na ako tapos nag iimagine na lang ako na yun yung mga sinabi nya kasi yun yung gusto kong marinig. Hala... Baka talagang nasisiraan na ako ng bait.

   Tawag ni Manang Tacing ang pumukaw sa atensyon ko. Pinalalapit nya ako sa kanya.

   "Bakit po?". Magalang kong tanong.

   Ini abot nya ang isang paper bag sa akin.

   "Pinabibigay ni Sir Cronus sayo". Nakangiti nyang sabi.

   Nagtaka naman ako. Si Cronus may bigay na naman, ikakaltas ba ulit to sa sahod ko?. Nadami na utang ko ah, malapit na akong kumota.

   Sinilip ko yung laman ng bag at nagulat talaga ako sa nakalagay. Isang mamahaling cellphone.

   "Inayos na yan ni Sir Cronus, ready to use na. Nandyan na din yung number nya pati na yung sa amin just in case, at hindi sya prepaid kaya hindi mo kailangang mag pa load". Paliwanag ni Manang Tacing.

   Okay another utang pero at least may cellphone na ako. Napangiti ako ng malapad. Sa wakas tao na ako may cellphone na rin ako. Maki kiss sabay hug talaga kita Cronus my loves.

   "Tatawagan ko lang po si Cronus para magpasalamat". Tuwang tuwa kong sabi at tumango lang si Manang.

   Tumingin muna ako sa oras na nasa cellphone, eksaktong ten na ng umaga. Siguro nasa office na sya. Walang password ang cellphone kaya pumunta agad ako ng phone book at nakita kong naka register na ang pangalan nya wala nga lang picture di bale mamaya kukunan ko sya pag uwi nya.

   Tatlong ring at sinagot na agad ang tawag ko.

   [Hello princess... I see that you already got your phone] Ang lamig ng boses ni Cronus sa phone parang nakikiliti ang tinggelbells ko.

   [Hello princess... Are you still there?]

   [Nandito pa.... Cronus... ang ganda pala ng boses mo sa phone nakaka inlove ] I honestly said kahit pinapawisan ang kili kili ko sa kaba at hiya.

   [ Really?!... Nain love ka sa boses ko, paano naman yung may ari?] nadinig ko yung tawa nya. Lord naman sumobra ata ang special treatment mo sa my loves ko pati ba naman tawa ni Cronus nakaka laglag panty.

   Inilayo ko ang cellphone ko sa tenga at tiningnan. Sinabihan ko sya ng I love you pero syempre pabulong lang at walang tunog.

   [Cronus] Nakarinig ako ng mga nagsasalita pagbalik ko ng cellphone sa tenga ko.

   [Yes princess?]

   [Bakit maingay jan busy ka ba? ] Hindi agad sya sumagot pero maya maya lang ay nawala yung mga ingay.

   [ No my princess I'm not busy at all... I have all the  time in the world for you]

   Awwww... Kinilig naman ako.

   [ By the way... You didn't answer my question]

   [ Ha!... May tanong ka ba?] Maang maangan ko.

   [ Sabi ko if you also love the owner of the voice? ]

   Hindi ako makapag salita. Sasabihin ko bang OO, nak ng panot baka naman mamura ako neto kahit pa joke pag umo oo ako?.

   [ Niloloko mo naman ako eh, syempre po I respect you amo po kita eh] Dun tayo sa safe mode.

   Ang tagal bago nagsalita ulit si Cronus. Isang minuto ata mahigit.

   [Ah... Ahm... Did you eat your breakfast?]

   Bakit parang lumungkot yung boses nya? Nagalit ba sya? Change topic na agad?...

   [Hindi pa po eh kakagising ko lang kasi kanina]

   [Ganun ba?... Then go and eat your breakfast... I'll be in a meeting after]

   [Okay ... Bye]

   [ Bye my princess]

   At ini off na nya yung phone nya. Bakit kaya pakiramdam ko may ginawa akong kasalanan?

   Matamlay akong bumalik ng kusina at ipaghahain na sana ako ni Mika ng pagkain ng sabihin kong wag na mamayang tanghali na ako kakain kasi wala akong gana. Ayaw pumayag ni Mika kasi magagalit daw si Cronus pag nalamang hindi ako kumain kaya napilitan na lang ako humingi ng sandwich at gatas.

   Pinapanood ko silang maghiwa ng mga gulay at karne magluluto daw si Manang ng Kare kare. Luminga linga ako pero hindi ko naman nakita si Manang ang sabi ni Susan pumunta daw saglit sa grocery dahil may bibilhin daw na ingredients. Wala talaga ako sa mood ngayong araw. Subo lang ako ng subo ng tinapay. Nakatulala lang ako habang abalang nagawa sila Mika. Parang ang tagal ko ng naka upo sa tapat ng lamesa kaya pinasya ko ng tumayo. Natabig ko yung sangkalan na ginagamit ni Mika kanina at may kutsilyo pa pala dun. Pagkatabig ko gumalaw ang kutsilyo pa bagsak sa tiles at kusang gumalaw ang kamay ko para saluhin yun kaya lang ang malas ko natuhog ang kamay ko.

Cronus and Phenny: The Mafia Lord and His Orphan Wife  (Completed) Where stories live. Discover now