Chapter 2

287 4 4
                                    

A/N:

SABI NAMAN SA INYO MAG-A-UPDATE NA AKO LAGI EH. :)

OPEN FOR DEDICATION. VOTE AND COMMENT! LOVEYOU!

PICTURE NI FAFA CHRISTIAN SA TAAS ^^^


Donnalyn's POV


Pinatay ko na yung phone para makita kung totoo nga ang sinasabi ni Nanay na andiyan raw si Christian. Tumingin muna ako sa salamin bago at inayos ang gulo kong buhok. Bakit ba ako nag-aayos? Napailing na lamang ako sa aking sarili at lumabas. Tumambad naman sa akin ang malamig na presensya ni Christian at usok ng sigarilyo.


"Huwag kang manigarilyo dito. Hindi pupwedeng malanghap ni nanay ang usok niyan." sita ko sa kaniya at tinapakan naman ang sigarilyong hawak para mamatay ang sindi. "Anong ginagawa mo dito? Wala naman akong natatandaang binigay ko sa iyo ang address ng bahay namin." Tinignan niya lamang ako at napatitig na naman ako sa mga mata niya. Nasabi ko na bang ngayon ko lang napansin na magkaiba pala ang kulay nito.


"I wanted to see you." walang emosyon niyang sabi at nanlaki ang mga mata ko sa mga sinabi niya. Bakit niya naman kaya ako gustong makita? Nagkibit balikat na lamang ako at hindi ito pinansin. "Is this how you treat your visitors?" Nilingon ko naman siya. "Ha?" "Aren't you going to let me in? Maybe offer me juice or coffee?" sinundan ko na lamang siya ng tingin ng bigla siyang pumasok ng hindi ko naman sinasabi. Napasimangot na lamang ako sa ginawa niyang iyon.


"Eto oh. Pasensya ka na, wala na ring pagkain dahil sakto lang iyon saming dalawa ni nanay." Nakangiti kong sabi sa kaniya at nagkibit balikat lang siya at ininom ang juice na binigay ko. "Ano bang kailangan mo sa akin?" maang na tanong ko. Kanina lang ay hinatid niya ako sa coffee shop. Ngayon naman ay bigla na lang siyang pupunta dito. "I already said I wanted to see you. Is that hard to understand huh Donnalyn?" Nanatili akong tahimik at iniisip kung ano ang isasagot sa kaniya. "Pwede bang magtagalog ka naman? Simula nang kaninang sumulpot ka, english ka ng english." Ngumiti naman siya at napangiti na lang din ako dahil ngayon ko lang siyang nakitang ngumiti. "I'm sorry, I grew up in States kaya nasanay akong mag-English sa kahit sinong kausap ko." Tumango na lang ako at hindi na nagsalita. Bigla naman siyang tumayo at akmang lalabas na.


"Uhm, uuwi ka na?" Tanong ko sa kaniya. "A few moments ago, you were asking why I'm here. Now you're asking me as if I'm leaving you forever." Ngumisi naman ang loko. Ang malisyoso naman nito, nagtanong lang naman ako. Bulong ko sa sarili at ngumuso. "Stop pouting." Napatingin naman ako sa kaniya. "You're making me want to kiss you." Nanlaki naman ang mata ko sa sinabi niyang iyon kasabay ng paghurementado ng puso ko. Bakit ganito? "I'm leaving." hinatid ko naman siya sa may gate para isarado ito. Hindi pa man siya nakakalabas ay bigla niya na lamang ako hinalikan sa labi at nagmadaling umalis. Naiwan naman akong natulala sa labas ng bahay. "Anak, pumasok sa ka na at mahamog na." sigaw ni nanay.


Pagkapasok ko ay dumeretso na ako sa kwarto. Humiga na kaagad ako dahil naramdaman na ng buong sistema ko ang pagod. Maya maya'y kumatok si Nanay. "Pasok po." bumangon naman ako para umupo.


"Anak, sino yung pumunta dito? Manliligaw mo ba iyon? Ngayon ka lang ata nagpapunta ng lalaki rito?" natawa na lang ako sa sunod sunod na tanong ni Nanay. Kung sabagay ay totoo. Ngayon lang may pumunta ritong lalaki at ako ang hinanap. "Nay, hinay hinay naman ho sa tanong. Daig niyo pa pong mga nagtatanong sa showbiz eh." natawa naman siya sa sinabi kong iyon. "Una, hindi ko po manliligaw si Chrisitan. Studyante lang ho siya sa school namin. Pangalawa po, hindi ko po siya manliligaw dahil wala po ako panahon sa boyfriend boyfriend na iyan. Panghuli po, hindi ko po siya pinapunta rito." nakangiti kong sagot. "anak, huwag mong isarado ang sarili mo sa mga ganiyang bagay. Maganda ka at matalino. Alam mo naman na ang dapat gawin. Malaki ka na." sabi niya sa akin habang nakahawak sa mga kamay ko. "Nanay, kayo po muna ang uunahin ko bago ang mga iyan." Ngumiti na lang siya at nagpaalam sa akin na matutulog na.

Meeting ChristianWhere stories live. Discover now