Chapter 1

551 5 0
                                    

A/N:

HELLO EVERYONE! HAHAHA! ETO NA TALAGA TO. SERYOSO NA TO. I will be deleting TWO MEN AT ONCE AND BARBARA'S REVENGE. I will be focusing with this new story of mine. I hope you'd enjoy this. Palimos ng 20 votes at 10 Comments! Magcomment kayo! I will start dedicating sa susunod na chapter. Mua! :* Love you guys!

^ Picture ni Donnalyn sa taas!



Donnalyn's POV


"Donnalyyyyyyyn!!!" Sigaw ni mama na nasa baba. "Gumising ka na at papasok ka pa!" Nag-inat inat muna ako. Napasulyap ako sa orasan ko at nakitang alas otso na pala. Napabalikwas ako sa kama at tumakbo kaagad sa banyo para makaligo. Pagkatapos ay nagsuot lamang ako ng pantalon at v-neck na t-shirt. Nagmadali na akong ilagay ang mga kailangan ko sa bag at bumaba. "Nay bakit naman late nyo na ako ginising? Alam niyo naman hong maaga ang pasok ko ngayong araw." sabi ko habang nagmamadaling kumuha ng pagkain sa hapagkainan. "Aba malay ko ba iha. Ako ba ang nag-aaral sa ating dalawa? Ang tanda tanda mo na pero ginising pa din kita." umiling iling naman si nanay at nagbukas ng TV. Nang makailang subo ako sa pagkain ay nagpaalam nako.


Nagtetake ako ng Education. Bukod sa ito ang may pinakamababang tuition sa university na pinapasukan ko, scholar din ako. Kaya kailangan kong pag-igihan dahil kung hindi malilintikan ang scholarship ko. Malaki rin ang naitutulong nito sa amin lalo na't hindi naman malaki ang kinikita ng nanay sa paglalaba ng mga damit. Working student ako sa isang coffee shop para rin may pangdagdag gastos sa pang-araw araw. Nakarating naman ako ng school na naglalakad. Hindi naman sa ayaw ko gumastos. Mas gusto ko lang talaga maglakad papasok para na rin makatipid.


Papunta na ako sa library para tumingin ng kakailanganin ko para sa thesis na tinatapos ko. Nagulat naman ako nang may tumawag sa akin. "Hoy Donna! Huuuyyyy! Hintay mo ko!" sigaw ni Lenny, kaibigan ko. "Ang bilis mo naman maglakad girl! May date ka ba?! Kanina pa kita hinahabol eh." hingal niyang sabi. Natawa na lang ako at niyaya siya sa pupuntahan ko. "Girl mag-aaral ka na naman. Alam kong matalino ka, pero huwag mo namang ipamukha. Masakit dito oh." sabi niya habang nakaturo sa dibdib niya. "Ikaw talaga Lenny palabiro. Alam mo namang may tinatapos ako eh." napailing na lang ako at pinagpatuloy ang sinusulat ko. Nanatili naman siyang nananahimik sa harapan ko. Nung matatapos nako sa ginagawa ko ay bigla namang tumili ng pagkalakas lakas itong kasama ko. "Ahhhhhhh! Shit! Shit girl! Kilala mo si Christian Zamora diba?" Kumunot naman ang noo ko sa sinasabi niyang lalaki dahil hindi ko naman iyon kilala. "Ugh! Wag mo sabihing hindi mo siya kilala?" Umiling naman ako bilang sagot at niligpit ang mga gamit ko. Nagulat ako nang bigla niya akong hatakin palabas ng Library at dinala sa Gym ng university. "Ayun girl oh! Yung naka jersey na red! Kyaaaaaaaa!!!" "Bago ba siya dito?" tanong ko kay Lenny na busy sa kakukuha ng litrato ng lalaki gamit ang cellphone niya. Tumango tango siya at mukhang kilig na kilig naman ito.


Nagulat ako ng makuha ng atensyon ko. Ang mga mata niya. Kakaiba ito. Bakit ganon? Bakit magkaiba yung kulay ng mata niya? "Huy girl! Baka magkatunawan naman kayong dalawa." Doon ko lang napagtanto na nakatingin pala siya sa akin. Nakakatakot yung mga tingin niya. Akala mo ay mangangain ng tao. "Tara na Lenny, may klase pa tayo." yakag ko sa kaniya para maiwas na ang katitingin niya sa akin.. Blangko ang mga tingin.


Pagpasok namin ng room umupo ako sa dulong upuan. Late na pala kami kaya doon ko na piniling umupo. Sumunod din si Lenny at tumingin ng masama sa akin. Kumunot naman ang noo ko dahil sa pagtitig niya at hindi na lamang pinansin. "Ang daya mo naman." napatingin naman ako sa kaniya na nakabusalsal ang mukha. "Bakit naman? Wala naman akong ginagawa ha?" maang na tanong ko dito. "Eh kasi grabe makatingin sa iyo si Papa Christian." Napahagalpak naman ako ng tawa dahil sa sinabi niya. Para siyang batang inagawan ng candy. "Lenny naman! Hahahahaha. Alam mo namang wala akong panahon sa mga lalaking iyan. Magtatapos muna ako at tutulong kay nanay noh!" lalo naman siyang sumimangot sa sinabi ko. Nagulat na lang ako nang sitahin ako ng professor namin. "Ms. Ortiz! Why are you laughing?" Umiling na lamang ako at hindi na piniling sumagot. Nagpatuloy naman siya sa pagtuturo niya at hindi na lamang ako inimik. Tinignan ko ulit si Lenny na nakasimangot pa rin. "Eh bakit ganon? Ikaw pa rin ang napapansin dito sa university kahit hindi mo sila pinapansin? Ang daming may gusto sa iyo. Ang dami ding nanliligaw na gwapo, yung iba mayayaman pa pero hindi mo sila pinapansin. Maganda ka. Tapos matalino pa. Package ka na nga daw sabi nila." nakatingin lamang ako kay Lenny habang nagsasalita. Napahagikgik na lamang ako sa sinasabi niya dahil ilang beses ko na tong narinig mula sa kaniya lalo na kapag may tumitingin sa aking mga lalaki.


"Class dismiss!" agad naman akong nagligpit ng mga gamit ko at tinignan ang oras. May dalawang oras pa ako bago ang shift ko sa shop. Kailangan ko na rin umalis dahil baka malate ako. "Lenny una na ako ha? Maaga kasi ang shift ko sa coffee shop ngayon eh." Hindi ko na hinintay ang sagot niya at nagmamadaling bumaba. Nang makarating ako sa gate ng school ay may biglang huminto na magarang sasakyan sa harapan ko. Baka may susunduin dito? Hindi ko na lamang pinansin ito dahil nag-aabang ako ng jeep. Maya maya ay bumaba ang lalaking kinakikilligan ni Lenny kanina sa may gym. Tinignan niya ako at nangilabot naman ang buong katawan ko sa mga titig niya. "Sakay." tinignan ko naman ang likuran ko dahil baka may tao sa likod ko. "Sakay sabi." sinabi niya ulit ngunit may diin ito. Napatingin naman ako sa kaniya. "A-ako?" sagot ko habang tinuturo ang sarili ko. Nagulat na lang ako nang hatakin niya ako at binuksan ang pintuan ng sasakyan. Wala akong ibang nagawa kundi sumakay. "Ang brutal naman ng lalaking 'to." bulong ko at napasimangot. Naghumerentado naman ang buong katawan ko nang bigla niyang pinaadar ng mabilis ang sasakyan. Ni hindi pa naman ako nakapagseatbelt. "What's your name?" nanlaki naman ang mata ko sa tanong niya. "Eh siraulo pala to eh. Sinakay sakay ako hindi naman pala ako kilala." bulong ko sa sarili ko habang napapailing. "What was that?" Umiling na lang ako muli. "Ako si Donnalyn. Ikaw si Christian dba?" hindi siya sumagot sa tanong ko. Tinignan ko na lamang ang relos ko at nanlaki ang mata ko nang maalala na may trabaho pa pala ako. "Uhmm, Christian. Pwede mo na ba akong ibaba? Kailangan ko na kasi pumasok sa trabaho." nananatili naman siyang tahimik. Gusto ko na lamang maiyak dahil pagagalitan ako ng boss ko kapag hindi ako makapasok ng maaga.


"Hey. Wake up!" nagising na lang ako nang may tumatapik sa pisngi ko. Nang imulat ko ay napaatras na lang ako dahil ang lapit na ng mukha niya sa akin. Pagtingin ko sa labas ay ang coffee shop na ang bumungad sa akin. Agad naman ako bumaba ng sasakyan at nagmamadali na pumasok nang tawagin niya ako ulit. "Hey Donna." napatingin naman ako sa mga mata niya. Ngayon ko lang nasuri na bagay pala sa kaniya ang mga mata niya. "Wala ba akong goodbye kiss?" nanlaki naman ang mata ko at pakiramdam ko ang umakyat lahat ng dugo sa mukha ko. Tumawa naman siya ng mahina na nagsasabing nagbibiro lang siya. "Paano mo nga pala nalaman kung saan ako nagtatrabaho?" hindi ko naman kasi nabanggit sa kaniya na sa isang coffe shop ako nagtatrabaho. "Simple, I checked your bag." Agad naman siyang sumakay sa sasakyan at umalis. Ni hindi man lang ako nakapagpasalamat sa kaniya. Agad akong pumasok at nagpalit ng uniporme namin. "Donnalyn, sino yung naghatid sayo? Mukhang mayaman yun ah? Boyfriend mo?" tanong sa akin ni Maam Selene, boss ko. "Naku ho maam! Schoolmate ko lang ho yun." ngumiti na lamang ako sa kaniya at inayos ang mga mesa na may mga kalat. Maya maya'y tinawag ako ni Maam Selene para pumwesto sa counter.


Alas otso nang gabi ng mapagpasyahan nila na magsara. Hindi na ako nagpalit ng damit at dumeretso ng uwi. Sumakay na lamang ako ng jeep para mabilis makauwi at maghahanda pa ako ng hapunan namin ni inay. Bigla namang nagvibrate ang cellphone ko at unknown number ang lumabas.


From: +639161234567

Save this number. -CZ


Sino naman ang CM na ito? Napagpasyahan kong mamaya na lamang replyan dahil hindi ko din naman siya kilala. "Manong para ho." agad naman akong naglakad pauwi nang bahay dahil alam kong nag-aalala na rin si nanay. Agad naman akong pumasok at naghanda ng lamesa para makakain kaming dalawa. "Nay! Andito na ho ako. Tara na ho't kumain!" narinig ko naman ang mga yapak niya at umupo na siya. Ganon din naman ako at nagsimula na kaming kumain. Nagliligpit na ako nang pinagkainan nang biglang nagring ang cellphone ko.


09161234567 calling...


Sinagot ko na lamang ito.. "Hello" sabi sa kabilang linya. "Paano mo nakuha number ko? Eh hindi ko naman binigay sa iyo? Hindi ko rin naman tanda na hiningi mo?" Sagot ko sa kaniya.. "You have so many questions. Can you please get out?" HIndi ko maintindihan ang sinasabi niya. Sasagutin ko na dapat siya nang biglang sumigaw si nanay mula sa labas. "Donnalyn, may bisita ka! Christian ang pangalan." Nanlaki naman ang mata ko nang marinig iyon.

Meeting ChristianWhere stories live. Discover now