vii- bar

69 4 1
                                    

Chapter 7

Pagpasok namin sa isang bahay ay maliit lang ito sa labas pero sa loob sobrang nakakamangha. Yes, pang-isang tao nga lang talaga siya.

Ang ganda ng paligid. May bed sa isang tabi at may gitara pa na nandoon at sa gitna naman ay may mesa kung saan may mga libro pang nagkalat at ang mga remote ng mga gamit siguro at katapat nito ang isang couch sa kabila naman ay ang table kung saan nakalagay ang mukhang gaming pc niya. Sa taas nito ay may mga libro. At may gaming chair din. May malaking lamp din sa tabi ng couch. 

Pagpasok ko sa isang pinto ay nandoon ang mini kitchen at sa right side nito ay may pinto papuntang bathroom. 

"Where's your closest?" tanong ko pagkalabas ko sa kitchen.

"Want my clothes?" he asked while smirking. 

"I'm just curious. This place is too little." Umalis siya sa pwesto niya at doon ko lang narealize na nasa kama ang mga damit niya at nakatupi ito ng maayos at hindi naman ito sobrang dami. May kabinet na kasi ang kama niya sa ilalim.

"If gusto mo mag- shower magsabi ka lang."

"Actually yes. I feel sticky."

"Kuha lang ako. Don't expect ah, I'm into black and loose shirts. The undergarments don't worry dami rito hindi pa gamit."

Pinanood ko siya na kumuha ng damit hanggang sa matapos. Lumapit siya saka iniabot ang isang black loose shirt halata naman na and a black shorts and the undergarments.

Dumiretso na ako sa bathroom since alam ko naman na. I used his shower gel and shampoo even if hindi naman ganoon ang ginagamit ko. After ko ay saka ko lang nakita may print pala na SEXY ang damit. Wala na akong nagawa kundi ang suotin. Paglabas ko ay narinig ko ang phone ko.

"May tumatawag, Gav!" sigaw niya. Dali-dali akong lumapit sa kaniya at saka ko ito kinuha. "Buti tapos ka na. Sagutin mo na. Pangalawang tawag na yan."

Lumayo ako ng konti sa kaniya saka ko ito sinagot. 

"Mom."

[She miss you. She want you to talk to her. Alam kong busy ka kaso ayaw eh, ang kulit.]

I chuckled and decided to go on the couch while Kipper is busy on his monitor. Nakita ko naman na nakaheadphone siya kaya naman nakampante na ako.

"It's fine, mom. Where is she?" I asked.

[I'm here. I miss you,] she said and I think she's pouting again. [Pasalubong,] dagdag niya pa.

"Of course hindi ko makakalimutan. Don't worry ipapadala ko iyon diyan. Don't miss me so much baka parati na lang akong masamid."

[I love you,] she almost whispered. 

"I love you too. I miss you. I'm at work kasi so I can't be with you. Babawi na lang po ako okay ba yun? Don't worry, I'll make it up to you kapag may time na ako, baby."

Hindi na rin nagtagal ang pag-uusap namin. Doon ko lang narealize na wala na si Kipper doon at narinig ko na lang ang paglagaslas ng tubig mula sa bathroom.  

Makalipas ang ilang minuto ay lumabas siyang nakahalf-naked. He's wearing a pants already habang nasa balikat niya ang towel. 

"Aalis ka?" I asked.

"Bar," sagot niya. 

"Iiwan mo ako here?" I asked.

Tanggal ata angas ko sa tanong ko.

"Uuwi lang din ako. Iinom lang ako."

Pagkadamit niya ay kaagad siyang nagpunas ng buhok at nagblower. Nag-spray pa siya ng kaunting pabango bago kinuha ang phone at wallet niya.

TAHANAN: Jian Kipper Cardejas & Gavin Client VillarealTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon