ii- project

136 5 3
                                    


Chapter 2

Sobrang sakit ng ulo ko pag-gising ko. 11 am na at nakita ko na naghahanda na ng pagkain si Xian sa mesa. Nakaupo na rin si Andy doon at maging si Jaden pero halatang may hangover pa. Tumayo ako at nag-mumog at naghilamos. Ang sakit-sakit pa ng ulo ko tapos may shoot kami mamaya sa isang brand ng perfume. Mukha akong zombie. Idaan na lang siguro sa make-up.

"Gav, kayanin mo later. Inom ka na ng gamot para mawala hangover mo." Lumapit ako kay Andy at naupo sa tabi niya. 

"Walwal pa."

Sinamaan namin ng tingin si Xian. Akala mo hindi kasama. Wasted din naman kagabi.

Inihatid ako nina Jaden at Xian after namin mag-lunch. Nagbasa lang ako ng iilang mga messages sa accounts ko habang nanonood ng netflix. May mga pictures na lumaganap habang nasa bar kami buti na lang at hanggang doon lang. Lagot na naman ako nito kay Mommy for sure. Hindi ako mapapagalitan ni Xian kasi kasama ko naman siya.

Nag-story ako habang nanonood ng netflix. Matapos kong maubos ang oras sa panonood ay saka ako naligo at nag-ayos. 4pm ang shoot ko kaya dali-dali na akong nag-ayos. Nag-drive ako papunta sa venue at nandoon na sina Xian at Jaden. Inayusan din ako kaagad ng mga stylist at ibinigay na sa akin ang kailangan kong isuot.

"Ready na raw po." Kaagad naman akong tumayo. "Pahawak lang po."

Kinuha ko ang perfume saka pumunta sa harap. I'm wearing a tuxedo and it's too formal. Kung anu-anong pose ang ginawa ko at inabot kami ng lampas isang oras dahil sa dami ng pose na pinagawa at iilang pang clips. After ng shooting ay tinulungan ako ni Jaden para makapagpalit. Gabi na rin kaya inaya ko sila na kumain sa labas.

Dumiretso kami sa isang restaurant at kumain. Katabi lang naman ito ng building kung saan kami nag-shoot. Naglakad na lang kami since malapit lang naman. Ayaw ko na rin lumayo pa since pagod na ako.

"Gagi! Nakakahiya. Gusto ko mag-thank you kay Kipper."

Naririnig ko pa lang ang pangalan niya naiinis na kaagad ako. Nasa loob na kami at nagsimulang kumain pero si Kipper kaagad ang pinag-uusapan nila.

"Nag-thank you ka ba Gav?" tanong ni Xian na kaagad ko ikinailing. "Gav," galit niyang sambit.

"Lasing din ako. Magti-thank you na lang ako. Okay na ba?"

"Good."

Matapos namin kumain ay nagpaalam kami sa isa't-isa. Nauna ako lumabas at dumiretso kung nasaan ang sasakyan ko pero nagulat ako dahil nakasalubong ko si Kipper sa parking lot. Ba't  ba nandito na naman ito?

"Oy! Thank you pala," sabi ni Jaden na nasa likod ko. "Sorry sa abala kagabi."

"Thank you," sabi rin ni Xian.

Bumusangot lang ako dahil sa inis. Aalis na sana ako pero mas kumulo ang dugo ko sa narinig ko galing sa kaniya.

"Welcome. Yung isa kasi diyan hindi man lang marunong mag-thank you. Nga pala una na ako, baka dumagsa na ang tao. Ingat kayo."

"Gav," sabi ni Xian na may diin.

"Thank you," sabi ko sabay pasok sa sasakyan ko. Hindi ko alam basta naiinis ako sa kaniya.

Pinaharurot ko kaagad ang kotse ko paalis. Nakacasual naman na akong damit ngayon kaya mas nakakahinga na ako dahil sa init. Miss ko na pumunta sa ibang bansa pero wala pa akong project para doon.

Hindi ako nag-online sa phone ko pagkarating ko sa condo.  Naghalf bath lang ako tapos nag-skincare kahit nakakatamad bago ako tuluyang natulog.

Dahil may schedule kami ngayon ay maaga akong nagising. Nagsuot lang ako ng simpleng hoodie jacket at shorts and sneakers. Nagmamadali pa ako pagbaba dahil nasa baba na sina Jaden at Xian.

TAHANAN: Jian Kipper Cardejas & Gavin Client VillarealTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon