v- Paris

74 2 0
                                    

Chapter 5

Maaga akong umalis dahil 10am ang flight namin. Kasama ko naman sina Xian at Jaden. Pagpasok namin sa airport ay nag-antay lang kami ng kaunting minuto dahil talagang inagahan namin baka kasi matraffic at malate kami sa flight namin.

Pagkarating namin sa loob after ng mga process, lahat kaming tatlo nagulat dahil sa business-class seats daw kami. Hindi naman iyon ang kinuha namin. Okay lang sa akin na wala kami sa business-class seats kaya hindi rin iyon ang pinakukuha ko. Kaya takang-taka kami kung bakit pinalilipat kami doon.

"Hindi po talaga kami sa business-class seats," paliwanag ni Jaden.

"Pasensya na po pero doon daw po talaga kayo. Sige na po. Mas makakaabala if hindi tayo matatapos-tapos dito."

Hinila ko na lang ang dalawa at pumunta na kami sa business-class seats. Nakahiwalay ako sa dalawa since pang-dalawahan lang. Laking gulat ko sa nakita ko kaya napairap na lang ako.

"So kagagawan mo ito?" I asked. "Seriously, Kipper?"

"High maintenance model ka dapat sa tabi kita," sagot niya na ikinatawa ko bahagya sa sarkastikong paraan.

"The fuck with that high maintenance!?"

"Lower your voice, baby." Napatakip ako ng bibig at napatingin sa paligid pero pinandilatan ako ng mata ni Xian sa hindi kalayuan. "Just sit and relax will you? Ako bahala."

"Baby mong mukha mo!" Pagsusungit ko.

Almost 16 hours din ang itinagal ng byahe namin.Hindi ko alam kung paano ko rin natagalan ang katabi kong ito. Madaling araw kami nakarating sa Paris with one layover. May sumundong sasakyan na sa amin papunta sa hotel since Xian already booked and checked in.

Pagkarating namin ay nakahiwalay ulit ako sa kanila. 1 week kami rito so humiwalay sila ng room. Ako mag-isa samantalang magkasama naman silang dalawa.

I want this to be their alone time too. Pero dahil may trabaho pa ko siguro the next day na lang. Ilang oras ang naitulog ko, nagising ako around lunch time. I already skip my breakfast. Masyadong nakakapagod ang byahe.

Kinuha ko ang phone ko to text them that I am awake now. Sila kanina at hinihintay na lang nila ako magising. Pagdating nila sa room ko ay may dala na silang breakfast ko pero actually lunch na.

It's a cabbage wrap with poached lemon sole, sliced apples, cucumber, red bell pepper and carrots with fresh chilli, lime juice, red onion and cilantro. Sanay na ako sa mga ganito since I need to have a proper diet. Hindi man ako ganoon madaling tumaba I badly need it. Xian checks my food especially if I have this work.

"Ready na for the shoot later?" Xian asked while I was eating. I nodded. "It's just a shoot for 2 executive days. Then we are going to attend, I mean you'll be one of the models so yeah we will go."

After ko kumain ay naligo na rin kaagad ako. Hindi rin maaraw at tila uulan pa. I used my white sleeveless under my loose denim jacket. I used shorts too and a pair of sneakers. I put on a grey ivy cap. Pagdating namin sa building ay inasikaso kaagad kami ng mga staff. Nakasunod lang din sa akin si Jaden habang may kausap si Xian.

"Please do follow me." I nodded to the staff.

Pumunta kami sa isang room. The clothes are all ready. Naupo na ako sa spot na sinabi nila sa harapan ng isang vanity table. There's lot of makeup and they started putting it to my face.

After some foundation and etc ay pinagbihis na muna nila ako and Jaden helped me. After that bumalik kami at ipinagpatuloy nila maging sa buhok ko.

Halos ilang minuto pa ang itinagal bago natapos at isinuot ko na ang coat na kapartner ng pants ko. Jaden also helped me with my shoes. Nang masure na ayos na ay lumipat kami ng room for the shoots. 15 minutes lang ang itinagal ko and I was surprised when I saw Kipper sitting on a couch.

"You look good," he said while I'm resting. "Hindi pa tapos?" I nodded.

"I have one shoot pa," I answered.

"Kipper, let's go. You need to meet your father."

Tumayo siya at inayos ang coat niya. Nagulat ako dahil lumapit siya at yumuko sa may tapat ng tainga ko. "See you when I see you, beh," he whispered before he left me frozen because of what he just did.

After a day ganoon pa rin ang naging routine ko. Kain ng mga healthy foods at shoot. Noong araw na ng collection show ay maaga kami pumunta sa venue. We practiced many times para iwas sa pagkakamali.

Busy na busy si Jaden sa pag-aasikaso sa akin maging si Xian. Hindi naman ako kinakabahan. May mga celebrity din ako na nakasalamuha galing Pinas at ibang bansa. Marami ring papuri bago pa tuluyang magsimula ang show.

When it's time Xian and Jaden hugs me. Paglabas ko ng backstage ay hindi man lang makita ang ngiti sa labi ko. I should stay in being a serious and cold one. When it's my turn I am confidently walking with grace. Sa unahan lang ang mata kaya nagtama sakto ang mata namin ni Kipper.

Is it him again? Why?

Pinagpatuloy ko ang paglalakad ko. No one should noticed that I am a bit shocked. Pagtalikod ko ay hinayaan ko na ang sarili ko na magpaagos na lang.

Nang nasa backstage na ako ay napahawak ako sa dibdib ko. Humingi pa ako ng tubig kay Jaden sabay palit ng pants into a short and a Hawaiian shirts. Kita ang dibdib ko dahil sa tatlong butones na nakabukas. They also put a shade on mine.

Dali-dali akong bumalik sa pila while Jaden ay fixing my hair a bit. Nang time ko na ay lumabas na ulit ako at pumunta sa gitna. I have a girl partner in this so when we reach the center of the stage she put his hand on my shoulder while I encircled my arms in her waist.

Medyo naghiwalay kami ng kaunti nang naglakad na kami sa unahan. And damn this man ba't ang seryoso ng mukha niya habang nakatitig sa akin? Sa akin nga ba o sa dibdib ko? I mean yeah I know I'm hot. I can't looked away because my eyes are need on that direction where he is. Ayoko panghinaan ng tuhod sa harapan ng mga taong ito.

Nang lahat na kami ay nasa stage ay medyo nakahinga na ako. Nang tuluyan ng itong matapos ay kaagad ako nagpalit ng damit because it's this is a damn party too.

"Ang ganda ng mga kuha mo kanina. Baka high maintenance model yan?"

"Ewan ko sa'yo, Jaden."

"Gagi nasa tabi lang ako kanina pero sorry ah sabi ko focus lang dapat ang mata ko sa'yo kaso hindi ko naman inieexpect na nandito si Kipper. Ayon sa kaniya ako nakatingin habang parang nabibighani sa'yo."

Sinamaan ko siya ng tingin at handa na sana siyang hambalusin nang bigla na lang may lumapit na foreigner.

"You look gorgeous as always, Mr. Villareal."

I smiled politely as I received his offer of a glass of wine.

"Ow thank you. You look great too."

"So are you free tonight? I mean after this?"

Nanliit ang mga mata ko. Ramdam ko din ang pangangalabit sa akin ni Jaden.

"He's not available, Mr. Quinzo. He's with me." Pareho kami napalingon kay Kipper habang papalapit sa amin. Kinuha niya ang wine na nasa kamay ko at ibinalik ito kay Mr. Quinzo raw. "He's not drinking with you. You old man!" hasik pa ni Kipper.

And just that, the man left us.

"Ang harsh mo naman, Kipper. Luh yung matanda epic," sabi ni Jaden sabay hagalpak ng tawa. "Maiwan ko na muna kayo. Hanapin ko lang muna si Xian. Bigla ako kinabahan sa matandang iyon."

Gusto ko sipain si Jaden pero may media sa pali-paligid. Baka ma misinterpret pa.

"Don't you ever receive a wine lalo na sa hindi mo kakilala," sabi niya sabay abot abot ng wine sa akin. "Nangangalay na ang kamay ko, Gavin."

"Kilala ba kita?"pabalang kong tanong.

Nang makita ko na seryoso siya ay tinanggap ko na lang. May mga kumuha rin ng litrato namin kaya kaagad ako lumayo. Tama na ang ilang litrato namin.

"May media, I hate it. Baka na naman kung anong balita na naman makarating sa Pilipinas," sabi ko sabay talikod para hanapin sina Jaden at Xian.

Ayoko ng may mga media at nadadawit ako sa issue. I don't want my family to see it. Ayokong nadadamay sila at nag-aalala. Ayoko na may makakilala sa pamilya ko dahil sa industriya na ito na maaaring dahilan para hukayin nila ang pagkatao ko.

TAHANAN: Jian Kipper Cardejas & Gavin Client VillarealWhere stories live. Discover now