Article III - Bill of Rights

Magsimula sa umpisa
                                    

SEKSYON 12.  (1)   Ang sino mang tao na sinisiyasat dahil sa paglabag ay dapat magkaroon ng karapatang mapatalastasan ng kaniyang karapatang magsawalang-kibo at magkaroon ng abogadong may sapat na kakayahan at malaya na lalong kanais-nais kung siya ang maypili.  Kung hindi niya makakayanan ang paglilingkod ng abogado, kinakailangang pagkalooban siya ng isa.   Hindi maiuurong ang mga karapatang ito maliban kung nakasulat at sa harap ng abogado.

(2)   Hindi siya dapat gamitan ng labis na pagpapahirap, pwersa, dahas, pananakot, pagbabanta, o ano mang paraaan na pipinsala sa kanyang malayang pagpapasya.   Ipinagbabawal ang mga lihim kulungan, solitaryo, ingkomunikado, o iba pang katulad ng anyo ng detensyon.

(3)   Hindi dapat tanggaping ebidensya laban sa kanya ang ano mang pagtatapat o pag-amin na nakuha nang labag sa seksyong ito o sa seksyong labing-pito.

(4)   Dapat magtadhana ang batas ng mga kaparusahang penal at sibil sa mga paglabag sa seksyong ito at gayon din ng bayad-pinsala at rehabilitasyon sa mga biktima ng labis na mga paghihirap o katulad ng mga nakagawian, at sa kanilang mga pamilya.

SEKSYON 13.  Ang lahat ng mga tao, maliban sa mga nahahabla sa mga paglabag na pinarurusahan ng reclusion perpetua kapag matibay ang ebidensya ng pagkakasala, bago mahatulan, ay dapat mapyansahan ng sapat ng pyador, o maaaring palayain sa bisa ng panagot ayon sa maaaring itadhana ng batas.  Hindi dapat bawalan ang karapatan sa pyansa kahit na suspendido ang pribilehiyo ng writ of habeas corpus.  Hindi dapat kailanganin ang malabis na pyansa.

SEKSYON 14. (1)   Hindi dapat papanagutin sa pagkakasalang kriminal ang sino mang tao nang hindi kaparaanan ng batas.

(2)   Sa lahat ng mga pag-uusig kriminal, ang nasasakdal ay dapat ituring na walang sala hangga't hindi napapatunayan ang naiiba, at dapat magtamasa ng karapatang magmatwid sa pamamagitan ng sarili at ng abogado, mapatalastasan ng uri at dahilan ng sakdal laban sa kanya, magkaroon ng mabilis, walang kinikilingan, at hayagan paglitis, makaharap ang mga testigo, magkaroon ng sapilitang kaparaanan upang matiyak ang pagharap ng mga testigo sa paglilitaw ng ebidensyang para sa kanyang kapakanan.  Gayon man, matapos mabasa ang sakdal, maaring ituloy ang paglilitis kahit wala ang nasasakdal sa pasubaling marapat na napatalastasan siya at di makatwiran ang kanyang kabiguang humarap.

SEKSYON 15.  Hindi dapat suspindihin ang pribilehiyo ng writ of habeas corpus, maliban kung may pananalakay o paghihimagsik, kapag kinakailangan ng kaligtasan pambayan.

SEKSYON 16.  Dapat magkaroon ang lahat ng mga tao ng karapatan sa madaliang paglutas ng kanilang mga usapin sa lahat ng mga kalupunang panghukuman, mala-panghukuman, o pampangasiwaan.

SEKSYON 17.  Hindi dapat pilitin ang isang tao na tumestigo laban sa kanyang sarili.

SEKSYON 18.  (1)   Hindi dapat detenihin ang sino mang tao dahil lamang sa kanyang paniniwala at hangaring pampulitika.

(2)   Hindi dapat pairalin ang ano mang anyo ng sapilitang paglilingkod, maliban kung kaparusahang pataw ng hatol ng pagkakasala.

SEKSYON 19.  (1)   Hindi dapat ipataw ang malabis na multa, ni ilapat ang malupit, imbi o di-makataong parusa, o ang parusang kamatayan, matangi kung magtadhana ang Kongreso ng parusang kamatayan sa mga kadahilanang bunsod ng mga buktot ng krimen.  Dapat ibaba sa reclusion perpetua ang naipataw nang parusang kamatayan.

(2)   Dapat lapatan ng kaukulang batas ang pagpapahirap na pisikal, sikolohikal, o imbing pagpaparusa sa sino mang bilanggo o detenido o ang paggamit ng mga kaluwagang penal na di-makatao.

Section 2. The right of the people to be secure in their persons, houses, papers, and effects against unreasonable searches and seizures of whatever nature and for any purpose shall be inviolable, and no search warrant or warrant of arrest shall issue except upon probable cause to be determined personally by the judge after examination under oath or affirmation of the complainant and the witnesses he may produce, and particularly describing the place to be searched and the persons or things to be seized.

Constitution of the PhilippinesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon