Chapter 12

86 5 8
                                    

Chapter 12



MARCO'S POV


Isang unggol ang pumukawala sa boses ni Marco at minulat nito ang kaniyang mga mata. Hindi pa gaanong malinaw ang kaniyang nakikita na blurred ang kaniyang paningin, dahil nag-aadjust pa din sa liwanag ng ilaw. Ramdam din ni Marco ang pananakit ng likod na parte ng kaniyang ulo, na para bang hinampas iyon ng mabigat na bagay na hindi niya mawari.


Ang huli na lang natatandaan ni Marco ay paalis na silang dalawa ni Camilla sa bahay para puntahan si Mama Josephine.


At pag katapos nang sandaling iyon, wala nang matandaan pa si Marco dahil doon na siya nawalan ng malay.


Sandali.


Asan si Camilla?


Tangka na gagalaw sana si Marco pero bigla naman siyang natigilan. Doon lamang napag-tanto na naka gapos ang kaniyang katawan sa isang silya, para masiguro na hindi lamang siya makakatakas.


Fuck.


Ano ang lahat ng ito?


Bakit ako naka gapos?


Ano bang nangyayari?


Shit. Shit.


Ginala ni Marco ang kaniyang tingin at naroon pa siya sa loob ng silid nilang dalawa ni Camilla. Pilit na umiingos at nag pupumiglas si Marco para makawala sa pag-kakatali, pero kahit anong gawin niyang lakas at pwersa hindi siya maka-alis. "Just fuck!" Lumabas na ang ugat sa leeg ni Marco dahil lamang sa pag pipilit niyang maka-alis, na lalo lamang humihigpit ang pag kakatali ng lubid sa kaniyang katawan.


"Camilla? Camilla?" Dumaongdong ang malakas na tawag ni Marco sa kaniyang asawa. Kailangan niyang maka- hinggi ng tulong kay Camilla. "Fuck! Camilla!" Malakas na sigaw ni Marco pero isa lamang na napaka- tahimik na silid ang sumagot sakaniya.


Biglang nakaramdam ng kaba at takot si Marco na hindi mahanap ang asawa.


Hindi kaya niluoban kami?


Baka may ginawang masama sa aking asawa?


Fuck!


Natigilan si Marco ng marinig ang pag bukas-sara nang pintuan na tanda na may pumasok. Hindi matignan ni Marco kong sino iyon dahil naka talikod siya sa parteng pintuan kaya't napaka hirap para sakaniya na tignan kong sino iyon.


Tumigil ang mabigat na yabag nang mga paa sa harapan ni Marco at labis ang gulat ng kaniyang nadarama ng nakita si Camilla sa harapan niya.


Anong nangyari?


Bakit wala lamang galos at sugat si Camilla sa katawan?


Bakit ako lamang ang naka-gapos dito sa upuan?


Bumigat na ang dibdib ni Marco na pinag-mamasdan si Camilla na aliw na aliw na pinag-mamasdan si Marco. Doon na rin tumarak sa isipan ang kaniyang hinala sa asawa.


Hindi kaya?


She did this to me on purpose?


Just fuck!


"Hinahanap mo ba ako Hon?" Anito ni Camilla. Nawala ang pangamba at takot na naramdaman ni Marco at napalitan ng galit ng makita na maayos naman ang kalagayan ng kaniyang asawa.

Camilla [COMPLETED]Where stories live. Discover now