Chapter 6

78 4 5
                                    

Chapter 6



CAMILLA'S POV


"Hon, ito uminom ka muna ng tubig." Binigay ni Marco ang basong tubig kay Camilla para kumalma lamang ito.


Nanginig ang kamay ni Camilla na sinimsim ang tubig, na hindi pa din mawala sa mukha ni Camilla ang labis na trauma at kagimbal-gimbal na pangyayari na nasaksihan niya mismo sa loob ng banyo. Klarong-klaro sa kaniyang isipan ang nakaka takot nitong itsura. Ang nakaka takot na nilalang na ayaw ng alalahanin pa ni Camilla.


Ang bawat tunog ng pag kabali ng buto sa katawan nito, na nag panindig ng kaniyang balahibo.


Umupo si Marco sa tabi ng asawa, naroon sila ngayon sa kama. Suot-suot pa din ni Camilla ang bathrobe at nanginig sa ginaw ang katawan nito na dulot ng lamig. "Hon ano ba talaga ang nangyari sa'yo? May problema ba?" Malambing na tinig ni Marco at hinawakan ang kamay ng asawa.


Sakto napa-baling ng tingin si Camilla sa nag- aalalang mukha ni Marco. "H-Hon, ayaw ko na dito. Ayaw ko na dito sa bahay natin. N-Nakita ko siya muli. Nakita ko na naman ang babaeng madalas kong makita dito sa bahay natin." Emosyonal na tinig nito.


"Anong ibig mong sabihin Hon? Hindi kita maintindihan." Naguguluhan na sambit ni Marco.


"H-Hon, may multo dito sa bahay natin. May multo. A-Akala ko guni-guni ko lamang ang nakita ko no'ng unang gabi natin dito sa bahay, na babaeng naka p-puti, pero nag kamali ako. T-Totoo siya Hon, at nag pakita siya muli sa akin kanina." simulang mag panic si Camilla at mabigat ang kaniyang pag- hingga sa labis na nerbyos at takot. "Ginugulo niya ako Hon. Ayaw ko na dito, please umalis na t-tayo." Kasabay ang pag patak ng luha sa mga mata ni Camilla, na maalala pa muli ang nakaka takot na nilalang..


"Hon, walang multo okay? Hindi totoo ang bagay na iyon." Pag kukumbinsi ni Marco sa asawa.


"T-Totoo siya Hon, maniwala ka sa akin. Nag pakita siya sa akin kanina. Nag paparamdam siya sa akin kapag wala ka, pero hindi na lang ako nag sasabi sa'yo dahil ayaw kong mag alala ka." hinawakan ni Marco ang mag kabilang balikat ng asawa.


"Hey take a deep breath okay? Wala nang mangugulo sa'yo dahil walang multo. Hindi totoo sila." Pag papasunod nito, na sinundan naman ni Camilla ang kalmadong pag- hingga, na kahit papaano napakalma naman siya nito.


"So hindi ka naniniwala sa akin?" Pakla na tinig ni Camilla.


"Hindi sa ganun Hon." Natarantang tinig nito, na hindi alam kong ano ang ipapaliwanag sa asawa. "Oo syempre naniwala ako sa'yo kasi asawa kita." Pinisil ni Marco ang kamay ng asawa. "Siguro na stress ka lang siguro sa mag hapon na gawain sa bahay at mag-isa ka lamang dito... Nakita ko kanina na naubos mo na ang wine sa banyo habang naliligo ka... Baka dala lamang ng kalasingan mo, kaya't kong ano na ang nakikita at naiisip mo." Napa-piyok na lamang si Camilla.


Hindi niya ako pinapaniwalaan?


Akala niya ba gawa-gawa lamang ng mga imahinasyon ang nakita ko kanina?


"Hindi ako lasing M-Marco, hindi! Bakit ba hindi mo kayang maniwala sa akin ha? Bakit? Totoo ang nakita ko. Alam ko sa sarili ko ang mga nakita ko H-Hon." Patuloy na nag silag-lagan ang mga luha sa kaawa-awang si Camilla.


"Hush, It's not what I meant. I believe in you, okay?"


"Hindi ako L-Lasing maniwala ka sa akin Hon, totoo ang nakita ko. M-May babae talaga akong nakita.. Hinawakan niya ako sa paa. Look at this!" Bigla natigilan si Marco ng makita ang maitim na marka sa paanan ng kaniyang asawa. Kahit hindi malinaw, nandon pa din ang hugis at marka ng kamay sa balat nito. Gumalaw ang adams- apple ni Marco at hindi din siya makapaniwala sa kaniyang nasaksihan, hindi niya alam kong anong gimbal ang sumuntok sa kaniyang dibdib.

Camilla [COMPLETED]Where stories live. Discover now