Chapter 4

73 6 10
                                    

Chapter 4

CAMILLA'S POV

Pasado alas syete ng umaga at abala si Camilla sa pag wawalis sa kanilang bakuran. Mag-isa na lamang siya ng sandaling iyon dahil maagang umalis ang kaniyang asawa na si Marco dahil marami pa daw itong hahabulin na trabaho sa kompaniya.

Hindi na namalayan ni Camilla ang nag daang minuto at segundo, at nalilibang na lamang siya sa pag wawalis. Hindi pa naman gaanong masakit ang sinag ng araw na pumapaso sa balat niya dahil napapalibutan naman ng nag tataasang mga kahoy ang kanilang garden. Mababa lamang ang kanilang bakod na gawa sa bakal. Napapalibutan rin ng magaganda at nag kukulay na mga bulaklak ang kanilang harden.

"Hello," bati ng babae na naka- suot ng maikli na damit, na mag paagaw ng atensyon ni Camilla. Simple lamang ang itsura nito na halatang napa tigil ito sa pag jogging ng makita ako.

"Hi," bati niya pabalik rito. Hindi naman kasi gaanong kilala ni Camilla ang mga tao sa subdivision dahil malimit lamang siya nag lalabas. Hindi niya naging kaugalian ang makipag kaibigan sa mga tao dahil mahiyain talaga siya.

"Kayo yong bagong lipat diyan?" Lumapit pa ito palapit sa gate nila para gaanong mapag masdan ang kanilang bahay.

"O-Oo kami nga." Nahihiyang sagot pabalik ni Camilla.

"Pasensiya na, hindi gaano ako nakipag kilala sa'yo ng maayos. Ako nga pala si Maribel De Jesus, ang kapitbahay niyo. Diyan lamang ako naka tira sa tapat ng bahay niyo." Turo nito sa malaking bahay na katapat lamang ng bahay nila at sinilip naman ni Camilla. Doon nakita ni Camilla ang dalawang palapag ng bahay na mukhang mayaman ang dating at itsura no'n. "Pasensiya na kong biglaan kitang kina-usap. May asawa akong si Freddie kaso wala siya nasa trabaho. May dalawa rin kaming anak na pareho elementary pa lamang na si Charlote at Michael..  Masaya akong makilala ka, ano nga pala ang pangalan mo?" Mahinhin nitong pananalita.

Base pa lang sa dating nito, alam na sa sarili ni Camilla na mabuti itong tao.

"Ako nga pala si Camilla Mandaraog. Kami lamang ng asawa ko ang naka tira sa bahay pero mag-isa lamang ako ngayon dahil nasa trabaho siya ngayon."

Nag shape lamang ng O ang bibig nito ng sabihin ko ang katagang iyon.

"Ilang araw na kitang nakikita, kaso nahihiya lamang akong makipag-kilala sa'yo. Huwag kang mahiya dahil mababait naman ang mga kapitbahay natin sa subdivision. Kapag may kailangan ka, at kailangan mo ng kausap, huwag kang mahihiyang lapitan ako. Bukas ang aking tahanan Camilla." Hindi na maalis ang matamis na ngiti sa labi nito.

"Maraming salamat Maribel."

"Anytime. Siya nga pala, kapag may time ka pumunta naman kayo ng asawa mo sa bahay namin sa susunod na araw. Birthday party kasi ng anak ko, at imbitado ko kayo. Pumunta kayo okay? Isama mo na rin ang kapatid mo." Hindi na maalis ang matamis na ngiti sa labi nito.

"Kapatid ko?" Kumunot ang noo ni Camilla sa katagang binanggit nito.

"Oo, yung kapatid mo." Formal na tinig nito na labis ko naman kinabigla. "May nakita kasi akong babae na naka- dungaw sa bintana at pinag mamasdan kang nag wawalis kanina. Diba kapatid mo siya?" Labis ang sindak at gulat ang namuo sa dibdib ni Camilla ng marinig ang bagay na iyon. Sa pag kakatanda niya, siya lamang ang mag-isa ngayon sa kanilang bahay, pero anong babae ang sinasabi ni Maribel? Sino ang nakita niya?
"Oh bakit ganiyan ang mukha mo Camilla? Okay ka lang ba?" Pag aalalang tinig ni Maribel ng mapansin nito ang pananahimik niya.

Camilla [COMPLETED]Where stories live. Discover now