Chapter 9

76 5 5
                                    

Chapter 9



CAMILLA'S POV


"Pasensiya kana po Mam, umalis lang po ako saglit para kumuha ng tubig ni Mam at pag balik ko p---"


"Pasensiya? Hindi mo ba alam kong anong nangyari sa pag alis mo kanina? Muntik ng mapahamak si Mama, buti na lang nandon si Marco para alalayan siya kanina." Patuloy na pag sermon ni Camilla sa nurse na naka- yuko na sa harapan nito at hindi na matignan siya ng diretso.


Napa hilot na lang sa noo si Camilla sa labis na takot at pangamba na nadatnan niya kanina ang Mama niya na mag seizure dahil sa sakit nito. Natakot na siya na baka sa sunod na pag atake nito, baka mas malala pa ang mangyari dito.


Sinilip ni Camilla ang kaniyang Mama sa loob ng silid na naka higa na ito sa kama at kasalukuyan na inaalagaan ni Auntie Cecelia at Marco sa loob.



"Kong aalis at may pupuntahan ka, pag sabihan mo kami para naman matignan namin siya, habang wala ka... At ayaw ko ng maulit ang bagay na ito, nag kakaintindihan ba tayo?"


"Yes Mam po." Takot na tinig nito. Nag pakawala ma lamang ng malalim na buntong-hiningga si Camilla para pakalamahin ang sarili, dahil sa pangyayari na nadatnan niya kanina.


Paano na lang kong wala doon ang asawa niya sa silid?


At baka mas naging malala pa ang nangyari dito.



"Ito ipa-inom mo ito kay Mama." Binigay ni Camilla ang gamot dito. "Ikaw na ang bahala kay Mama at sisiguraduhin mo lamang na huwag kanang papalpak-palpak sa trabaho mo. Kapag naulit pa ang bagay na ito, alam mo naman siguro ang mangyayari sa'yo hindi ba?" Bakas ang takot ang gumihit sa mata ni Jenny at mabilis pa sa alas-kwatro na tumango ito.


"Pasensiya na talaga Mam. Hindi na talaga po mauulit... Aayusin ko na lang po ang trabaho ko." Nag vow ito sa harapan ni Camilla.


"Sige makaka-alis kana."


"Sige po Mam." Nag mamadali itong umalis na animo'y takot na takot sakaniya.


Nag pakawala na lamang ng malalim na buntong-hiningga si Camilla na sinundan ng tingin si Jenny palayo. Bukas na ang uwi nila ni Marco dahil patapos na ang limang araw nilang bakasyon dito sa bahay ng kaniyang Mama. Paano niya pa maiwan-iwan ito, kong parati na lang sinusumpong ng pag atake ito ng kaniyang sakit?


Napa-itlag si Camilla ng marinig ang sunod-sunod na pag vibrate ng phone niya. Wala sa sariling napa-ngiti ito ng mabasa ang pangalan na nag appear sa screen name.


"Hello kambal." Walang buhay na tinig ni Camilla.


[Kamusta? Bakit ganiyan ang tinig mo?] Camille.


"Wala naman. Nag seizure ulit si Mama kanina, pero maayos na din siya ngayon. Huwag kanang mag-alala kambal, binabantayan siya ngayon ni Auntie Cecelia at ni Marco." Narinig ni Camilla ang malalim na pag buntong-hiningga ng kakambal, na halatang nag aalala din ito sa kalagayan ng kanilang Mama. "Napa tawag ka ata kambal?"


[Ewan ko kambal, bigla na lang ako nagising nang hindi ko mawari kong bakit kaya't tinatawagan kita kaagad para kamustahin kong maayos lang kayo diyan.. Nalulungkot ako, na wala man lang ako diyan para alagaan si Mama.] Malambing na tinig ni Camille. Ramdam ni Camilla ang pag-aalala ng kambal na napa- tawag ito na kahit pasado alas onse na nang gabi sa Canada.

Camilla [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon