Chapter 11

69 4 13
                                    

Chapter 11



Flashback


Malalim na ang gabi, dahil pasado alas-syete na nang gabi. Para sa mag-kaibigan na si Marco at Camilla hindi alintana ang lalim ng gabi para sa kanilang dalawa.


"Dito na lang ako Marco, maraming salamat pala sa gabi ha?" Nakita ni Marco ang matamis at magandang ngiti ni Camilla. Kasalukuyan pa lamang sila nag-aaral na dalawa ni Camilla sa iisang Unibersidad, dahil na rin sa ini-ibig ni Marco si Camilla, paunti-unti niyang kinilala ang dalaga, hanggang sa naging malapit na sila sa isa't-isa..


Natatakot si Marco na mag tapat ng tunay nitong nararamdaman sa dalaga dahil natatakot siyang ma-busted lamang nito. Mahigit tatlong buwan na silang mag-kakilala at ito ang unang araw na niyaya niya si Camilla na manuod ng sine. Ginabi na sila naka-uwi lulan ng kanilang buong mag-hapon na pamamasyal.


"Sure ka ba talaga na dito na lang kita hahatidin?" Preskong tinig ni Marco. Napansin ni Marco na hindi na mapakali si Camilla na pasilip-silip ito sa paligid, na animo'y may tinataguan. Lingid kasi sa kaalaman na, nasa tapat na silang dalawa ng bahay ni Camilla at napapalibutan ng mataas na bakod na bakal ang bahay nito.


"O-Oo, Marco kailangan ko nang pumasok baka nandiyan na si Daddy." Bakas na rin ang takot sa mukha ng dalaga na mahuli sila ng Daddy nito. Alam din ni Marco ang pagiging strikto ng mga magulang nito kahit na rin ang Daddy nito, na bawal silang mag karoon ng nobyo o makipag-kaibigan sila sa mga lalaki. Kaya't naiintindihan naman ni Marco kong bakit ganun na lang ang panic na nararamdaman ni Camilla ng sandaling iyon sa kaniyang Daddy.


"Sige, sandali Camilla may dumi ka likod." Inalis ni Marco ang kumapit na dumi sa likod ng dalaga, at labis na lang ang pag- tataka ni Marco ng hindi niya ito mahawakan.


Humarap si Camilla at ngumiti na lang ng kay tamis. "Ito ba? Mole ko iyan na tinuturo mo Marco." Saad ni Camilla, dahil hindi lamang isang simpleng balat iyon na karaniwang nakikita natin na kulay itim. Kay Camilla kasi para siyang flat na mole na kulay pula, na una mong pag mamasdan, para iyon na dumi.


Nilagay ni Camilla ang manipis na jacket sa likod nito, para hindi makita ang mole sa likuran ng dalaga.


"Ganun ba? Pasensiya kana Camilla. Akala ko kasi dumi iyan na kumapit sa balat mo." Nahihiyang tinig ni Marco na kumamot ang binata sa harapan ng dalaga.


"Okay lang iyon, naiintindihan ko naman. Alam mo ba, ikaw pa lang ang nakaka-kita ng mole na iyan sa likuran ko, besides kay Mommy." Anito. "Kahit ang kakambal ko na si Ate Camille, hindi din alam ang tungkol sa bagay na iyan." Natatawang tinig ni Camilla. "Siya pala Marco, papanhik na ako sa loob ha? Umalis kana, at baka kapag nakita ka pa ni Daddy, baka mapagalitan ka rin niya." Tinulak na ni Camilla si Marco para umalis na ito.


"Hindi mo naman na kailangan na tulakin ako Camilla dahil aalis naman ako eh." Napa-nguso na sambit ni Marco. Hinawakan ni Marco sa huling pag kakataon ang kamay ni Camilla at may nilagay siya doon na isang bagay. "Siya nga pala. It's for you Camilla. Buksan mo iyan kapag naka pasok kana sa loob ng bahay niyo ah? Sige alis na ako. Ingat ka." Kumindat pa si Marco, at mag sasalita pa sana si Camilla pero nag mamadali na itong nag lakad paalis.


Binuksan ni Camilla ang palad at ganun na lang ang kilig na nadarama ng dalaga ng makita ang bracelet na binigay sakaniya ni Marco.


"Maraming salamat Marco, i-ingatan ko ito, nang buong- buhay ko." Tugon ni Camilla bago ito pumanhik papasok ng kanilang bahay.

Camilla [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon