ZTUP S1 - C H A P T E R : 3 2

Start from the beginning
                                    

"Isang mga babae lang? Aba't napaka gag-.."

Agad kong tinakpan ang bibig nong babaeng baliw dahil sa magmumura na naman ito.

Hindi sa ayaw kong murahin niya ang Opisyal na ito pero dahil sa baka bawiin nito ang ibinigay niyang desisyon para sa mga babaeng nailigtas namin kanina.

Isa pa hindi siya naniniwala sa kanilang sinasabi at kung hindi dahil sa isa akong lalaki ay baka maging mawalang kabuluhan na lamang ang aming pag punta rito.

"May sinasabi kaba, Binibining Darna?"

Mas lalo ko pa diniinan ang pagka hawak sa kanyang bibig dahil sa nag pupumiglas na ito sa aking pagkaka hawak at gusto-gustong sumagot ng pamura sa opisyal ng katarungan.

Pero iba din ang naisip niyang pangalan eh.

Darna.

Kakaiba at parang natatangi.

"Mmmhhh-mmhhhh."

Hinila ko na siya papalapit sa akin at pumwesto ako sa kanyang likurang bahagi para maigapos ko nang mabuti ang kanyang mga kamay sa kanyang harapan gamit ang isa kung kamay habang ang isa naman ay nasa kanyang bibig na naka takip.

Pilit parin itong nag pupumiglas at nagsasalita na naging ungol lang dahil sa mas pinwersahan ko pa ang pag yapos at pag takip sa kanyang bibig.

Parang dito pa yata ma ubos ang lakas ko sa babaeng ito.

Kababaeng tao pero talo pa yata ang isang lalaki sa sobrang lakas.

"Pasensya na Ginoong Legaro. Lilisan na kami at salamat sa iyong tulong."

Mabilis ko namang binuhat ang babaeng hawak ko dahil sa maliit lamang siya sa akin ay walang kahirap-hirap ko siyang nabuhat palabas sa ganoon paring posesyon.

Sinabihan ko na rin ang mga babae na sumunod sa amin upang mapag usapan ang hatol ng Opisyal.

"Aba't Gago ka ahh. Bakit kaba nangyayapos huh? Dapat sa mga gagong katulad ng matandang iyon ay minumur-.."

Mabilis ko ulit siyang niyapos at ginawa ang ginawa ko kanina sa kanya dahil sa napapatingin na sa amin ang mga taong dumadaan at kita ko ang pag ngiwi nong mga babaeng nailigtas namin dahil sa sobrang lakas ng kanyang boses.

Bakit ba hindi ito makapag salita ng walang halong mura sa kanyang bibig.

Hindi ko talaga maintindihan ang ugali nito.

Kababaeng tao pero ang lakas mag mura.

"Pasensya na mga Binibini. Huwag kayo mag alala ako na ang bahala sa mga kailanganin ninyo. Ipapadala ko nalang ito sa mga tao ko. Pwede na rin kayo umuwi sa inyong mga tahanan."

Nagpapasalamat naman sila sa aming dalawa nitong Prinsesang nag pupumiglas sa aking pagkaka hawak.

Binitawan ko naman ka agad ang Prinsesang baliw pagka alis nong mga babaeng aming na iligtas at kita ko ang matalim na pagkakatingin nito sa akin na binabaliwa ko lamang dahil sa iniisip ko parin ang naging hatol ni Legaro Luvaswon na siyang Opisyal ng katarungan.

"Zemiragh: The Unwanted Princess"  S1Where stories live. Discover now