Chapter 9- First Step of Captivating

Start from the beginning
                                    

"I am married, so please stay away from me and stop acting like a whore."

Sa mga binitawang salita ni Trevour ay labis na nasaktan si Everette.

Desperate, woman with itchy body, a whore.. Iyon ang tingin sa kaniya ng lalaki dahil sa mga ikinikilos niya sa harap nito.

'I am not a whore, I am just . . . ' ngunit hindi magawang dugtungan ng dalaga ang nais niyang sabihin dahil maski siyaʼy bumababa na ang tingin sa sarili niya.

ILANG araw pa ang lumipas mula nang huling engkuwentro nila na iyon ni Trevour. Sa loob ng ilang araw na iyoʼy pinilit niyang iwasan ang lalaki dahil sa kahihiyan na ginawa niya. She tried to seduce a married man and that's not a thing to be proud of. Isa iyong kahihiyan at hindi magandang karanasan.

"I told you, he's not a married man!" Samantha said exaggeratedly.

"Tone down your voice, bitch!" naiiritang utos niya sa babae.

"I mean yes, he was a married man before, but that was three years ago!" Samantha said making Everette's jaw to drop.

"So they are divorced?!" nasisiyahang tanong niya sa kaibigan.

"No, not like that. Her wife died three years ago . . . ." paglilinaw nito.

Namilog ang kaniyang bibig at mga mata dahil sa narinig. Tumango-tango naman si Samantha sa harapan niya. "That's what exactly my reactions when I heard about it," sabi nito.

Ngunit hindi na napagtuunan ng pansin ni Everette ang iba pang mga sinasabi nito dahil nahulog na siya sa malalim na pag-iisip.

Three years ago . . . . Palagi siyang nahuhulog sa malalim na pag-iisip sa tuwing maririnig niya ang salitang iyon. Hindi niya rin mapigilan ang pagbabalik ng mga alaala na nangyari tatlong taon na ang nakararaan.

"Doc?" tawag ni Samantha sa kaniya ngunit tila hindi iyon narinig ng dalaga. "Doctora 'Ganda' Vallejo?" pag-uulit nito sa mas malakas nang tono at sa pagkakataong iyon ay narinig na iyon ni Everette kasabay nang pagtatapos ng flashbacks ng mga nakaraan sa kaniyang isipan.

"Kailangan pang tawagin na maganda para lang marinig!" panunudyo nito sa kaniya.

"Oh! I almost forgot that I need to check on my patients!" sa halip ay sagot niya at agad iniwan ang kapuwa niya intern.

Karaniwan sa mga pasyente nilaʼy naka-confine at kailangang manatili sa ospital at pangangalaga nila sa loob ng ilang araw, linggo at ang pinaka malala ay inaabot pa nga ng ilang buwan at kung minsan ay taon.

Ang pasyente niyang si Abby at ang mga kasama nito noong nakaraan ay mga kapuwa may kinalaman o konektado ang mga karamdaman sa internal organs katulad na lamang mismo ni Abby na may kidney failure at nangangailangan ng kidney transplant sa mura nitong edad.

"Are you okay lang po, Doc Ganda?" tanong ng isa sa mga batang pasyente sa kaniya. Tiningnan niya isa-isa ang mga ito at nakita na nasasalamin ang nararamdaman niya sa mukha ng mga ito.

Nasa play room ulit sila para libangin at ikondisyon ang mga ito para sa kinakailangang medikasyon sa mga susunod na araw o oras.

Sakto naman na bumukas ang pinto at iniluwa no'n si Trevour. Pansamantalang nawala sa mga bata ang atensiyon niya at sinundan ng tingin ang lalaki na ngayoʼy makisig na naglalakad palapit sa ibang co-interns niya na naroon din sa loob ng play room.

"No. Doc Ganda is not okay, " wariʼy malungkot na sagot niya sa mga bata.

"Bakit po? Are you sad po ba?" tanong ulit ng isa sa mga inosenteng bata.

"Yes, your doctora ganda is very sad kaya 'wag muna kayong pasaway, okay?"

"But, what makes you sad po ba?" tanong na naman ng mga ito.

"Something happened that made Doctora very sad. But that's okay, what important is that you kids get well! So don't skip your diet meals and take your medicines on time without faking it, okay?"

"Yes, Doctora Ganda!" sabay-sabay na sagot ng mga bata dahilan para mapangiti siya nang malapad at doon pa lamang niya naalala na naroon nga pala si Trevour. Pasimple siyang lumingon sa kinaroroonan ng lalaki at hindi niya inaasahan na nakatingin din pala ito sa kaniya.

Biglang kumabog ang kaniyang dibdib sa pagtatama ng kanilang mga paningin. Mabilis siyang napaiwas kasabay nang pag-iinit ng kaniyang mga pisngi.

"Are you sick po?" tanong ni Matteo, isa sa mga batang pasyente.

"No. I'm not sick, Matteo," pilit na sagot niya sa bata kahit na ang puso niyaʼy dinudunggol ng kaba dahil sa presensiya ni Trevour.

"Then why your face is red po?" inosenteng tanong nito.

"Ahm, maybe because it's hot here, " alibi niya.

"I think it's not, malakas po ang AC dito, Doc, eh... "

"Then, maybe because it's cold?"

NAGPAALAM siya sa mga kapuwa intern at ibinilin na rin ang kaniyang mga pasyente sa kanila dahil gusto pa niyang mag-rounds sa ibang pasyente bago umuwi. 

Paglabas niya ng play room ay bigla siyang napahinto nang marinig ang isang boses.

"Doctora Vallejo . . . ." Boses iyon ni Trevour.

Tarantang napaharap siya sa lalaki at ganoon na lamang ang gulat niya nang bigla nitong ilapat ang likod ng palad sa kaniyang noo.

"Your temperature seems normal," sabi nito habang nakatingin nang diretso sa kaniyang mga mata. "How's your heart? Sumasakit pa ba?"

Sunod-sunod na napalunok ang dalaga. "My h-heart? I think it's already beating for someone and I am scared. I am scared it might get hurt so bad, Doc . . . ." makahulugan niyang sagot.

AOT: Captivating His Manacled Heart (Completed) Where stories live. Discover now