xx1: Teasing Moments with a Playboy

234K 2.1K 127
                                    

dedication porr -- @CyrhelDoneza :D 
[sya^ kasi ang unang nakahula ng title nitong PG.. galing galing.. XD] 

- - - - 

xx1: Teasing Moments with a Playboy 




Deep connection without clear communication.. 


POSIBLE BA YUN? 


Parang ang labo lang, diba? 


But in my case.. 


..I FIND IT VERY POSSIBLE. 


Napakalinaw nitong koneksyon na nararamdaman ko SAKANYA eh-- 


--sa LALAKING YUN na madalas kong makatinginan at makatitigan pero ni minsan, hindi ko pa nakakausap. 




"CHELLYYYY!" 


Napahinto ako sa pagpasok ng schoolgate dahil sa pagsigaw na yun ni Millie sa pangalan ko-- or nickname ko to be exact. Rachellyn Quintos kasi ang real name ko. 


Si Millie naman, Milliana Esconde. She's my bestfriend and... teka. Asan na ba yun? 


Di ko sya makita sa dami nitong estudyante na kasabayan ko eh. 


"CHELLYYY!" yun na naman ang sigaw ni Millie! 


Pero di ko talaga sya makita.. >3< 


Umikot ako nang isa pang beses para hanapin sya. Pero may biglang yumakap sa likuran ko! 


"Hihi! Chellyyy!" si Millie lang pala tong nangyakap. "I missed you!" 


"Uhh Millie.." di ko sya masagot nang maayos! Natatawang nahihiya ako eh! Nakaharang ba naman kasi kami sa gitna ng gate.. >___< 


"Sana classmates pa rin tayo noh, Chelly?! Dame kong gusto ichika sayo eh!" bumitaw na sya ng yakap sakin at hinawakan na lang ang kamay ko. "Tignan na natin yung section list!" 


Tumango lang ako then hinatak na nya ko papasok ng school. 


Millie talaga.. Napaka-agresibong babae.. ^___^' 


She's actually very opposite of me. Passive kasi akong tao. Tahimik lang ako for most of the time samantalang itong si Millie, hindi. She's very outspoken and outgoing. 


Magkaiba nga kami ng personalities pero nagkakasundo naman kami sa napakaraming bagay. Kaya nga from seatmates, naging magbestfriend kami. 


"Amp! Ang dame namang tao!" reklamo ni Millie nang marating na namin yung bulletin board kung saan naka-post ang section lists ng mga junior students. Incoming 3rd years na kami eh. 


Binitawan na ni Millie ang kamay ko at nag-tiptoe sya para masilip yung bulletin board. Pero kaka-tiptoe at usog nya, may nabangga syang lalaki sa kaliwa nya. 


"ARAY!" sabay na sigaw ni Millie at nung lalaki tapos nagtitigan sila-- NANG MASAMA. 


Gulp.. Nangangamoy away na naman.. O___O 


"Kung maka-aray ka naman! Masakit ba masyado pagkakabangga ko sayo ah? Nagasgasan ka ba? Nagkapasa? Nagkadugo?" sigaw ulit ni Millie dun sa lalaking nakabanggaan nya who happens to be LEVI-- si Levi na matagal na nyang..uhm..kabangayan? 


"WOW! Kung makasita ka parang di ka umaray ah!" sigaw rin ni Levi sakanya. 


"Umaray ako kasi nasaktan talaga ko! Eh ikaw?!" 


"Malamang nasaktan din ako! Di lang askal tulad mo ang nasasaktan sa mundo noh!" 


"Hoy ikaw pusandi ka, naliligaw ka na nga lang ng listahang tinitignan eh ganyan ka pa umasta! Bakit ka ba nandito sa listahan ng Section 1 ah? Eh nandun yung listahan ng sa SECTION 5 oh! Kaya dun ka na! Shoo! SHOOOO!" 


Haaay. Ang sweet nila mag-away noh? May endearment pa sila sa isa't isa-- ASKAL at PUSANDI. Askal ang tawag ni Levi kay Millie kasi para raw asong kalye si Millie. Pusandi naman ang tawag ni Millie kay Levi kasi para raw pusang laging naglalandi si Levi. 


Bagay naman sakanila ang tawagan nila. Parang naman kasi talaga silang aso't pusa kung mag-away. .___. 


"HAHAHAHA" tinawanan lang ni Levi ang huling sinabi ni Millie. "Para sa kaalaman ng maliit mong utak, wala sa list ng Section 5 ang pangalan ko. Wala rin sa 4, 3 at 2. So saan pa ba ko mapupunta ah?" 


"HAHAHAHA" sarkastiko namang ginaya ni Millie ang pagtawa ni Levi. "So asa ka namang mapapadpad ka sa Section 1? Sa corrupted mong utak na yan? Pft. Patawa ka huh!" 


"WAAAAA~" biglang nagsigawan yung mga estudyanteng nagkukumpulan sa may bulletin board kaya napahinto sa pagbabangayan yung dalawa. 


"ASAN NA YUNG LIST?!" sigaw ng isang estudyante. 


"BAKIT BIGLANG NAWALA?!" 


"BAKA KAKASIKSIKAN NYO, NATANGGAL!" 


Hala.. Nawawala yung students list ng 3rd years, Section 1? O___O 

Playboy's GirlWhere stories live. Discover now