ZTUP S1 - C H A P T E R : 2 9

Start from the beginning
                                    

Kita niya ang pag daan ng takot sa mukha ng Reyna nang siya naman ang tinignan ng masama ng puno guro na hindi niya masisisi dahil kung sa kanya ito maka tingin ay baka hindi niya rin makayanan dahil sa sobrang talim ng mga mata nito.

"P-punong guro, huwag niyo naman pong pagsalitaan ang aking in-...."

Napatigil sa pag sasalita si Prinsesa Quinta ng ibaling ng punong guro ang masamang tingin nito sa kanya.

Napaiwas naman nang tingin si Prinsesa Ellezna at kunwaring may tinignan sa paligid habang nag iisip kung lalabas na ba siya sa silid na kanilang kinalalagyan o hindi.

"Pwede na kayo makaka alis dahil tapos na ang walang kwentang pag pupulong."

Pagkatapos bitiwan ng punong guro ang huling sinabi nito ay lumabas na ito sa silid ng pulongan na hindi na nagbigay galang sa Hari at Reyna nang Genezers.

Tulalang naka upo lamang ang Hari sa kawalan habang binabaliwa nito ang pagtawag ng Reyna at ang mga anak nitong mga Prinsesa sa kanya.

Tumayo na din sa pagkaka upo si Ahrimita at pa ismid na umalis sa silid.

Tumayo na din si Prinsesa Allikya na kapatid ni Prinsipe Allaister at lumabas na din ito sa silid kaya wala na siyang nagawa pa kundi ang tumayo narin at sumunod sa mga nauna at iniwan ang pamilyang Archquileuz sa silid ng pulongan.

.

.

.

.

.

.

.

[=Xavion=]:

Hindi ko alam kong ano ang sasabihin ko kay Ama pagkatapos nito bitawan ang mga salita kay Ellese.

Kahit galit ako sa kalahati kong kapatid na iyon ay hindi ako nangarap na sana ay namatay narin nalang siya kasama si Reyna Zamaragh na kinilala kong Ina.

Hindi naman ako ganon ka sama upang hilingin ang kamatayan sa kalahating kapatid ko na iyon.

Iba ang Ina ko na siyang unang asawa at Reyna ng aking ama na si Haring Zavier.

Namatay daw ang aking Ina pagkalipas ng tatlong araw pagkatapos ako isilang.

Hindi alam nang lahat kung sino ang may gawa basta nakita nalang nila ito na nililigo ng sarili nitong dugo habang may maraming sasak sa puso.

Natagpuan nila ako na inilagay sa loob ng isang kahon ng mga alahas habang may sugat din sa puso pero kusa itong gumagaling dahil na rin sa aking mahikang taglay na ikinamangha ng ilan dahil nagawa ko pang iligtas ang aking sarili kahit tatlong araw na sanggol pa lamang ako.

Wala din ang aking Ama sa palasyo sa oras na iyon dahil sa pinatawag ito ng Hari Llum upang tulungan ang nayon na sinalakay ng mga taga Kasamaanian.

Sinisisi ko din siya dahil sa wala siya sa aming tabi ng aking Ina upang iligtas pero wala rin akong magawa sapagkat tapos na ang pangyayaring iyon at ang akin lamang gustong gawin ngayon ay patuloy na hanapin ang pumatay sa aking Ina at sa Ina ni Ellese upang maghiganti.

Makalipas ang isang taon mula ng mamatay ang aking Ina ay nakilala niya si Reyna Lucifia at naging magkasintahan sila pero hindi sila naikasal sapagkat biglang dumating si Zamaragh na Ina ni Zemiragh sa buhay ni Ama.

Sobrang bait nito na siyang naging dahilan upang mahulog ang loob ng aking Ama.

Kahit ako na hindi siya ang aking tunay na Ina ay napamahal narin sa kanya dahil sa kanya ko lang naramdaman ang lahat ng pagmamahal ng isang tunay na Ina na siyang lagi kong hinahanap-hanap.

"Zemiragh: The Unwanted Princess"  S1Where stories live. Discover now