Twentieth Changed

Start from the beginning
                                    

"Dana, aalis si Jimuel para sayo" para sa akin bakit? Wala akong maintindihan.


"Para sa akin, bakit?" nanghihinang tanong ko sa kanya. May nagawa na naman ba akong kasalan? 


"Ayaw ka nyang mapahamak, Dana" sagot nya. Mapahamak? Ano bang nagyayari?


"Wala namang nagtatangka sa buhay ko ha?" 


"Wala pa Dana, pero kung hindi aalis si Jimuel magkakaron" nakaramdam ako ng takot sa sinabi nya. Bakit, hindi naman kami mayaman ha? Wala naman akong inaagrabyado dito sa school. 


"Hindi kita maintindihan" sabi ko sa kanya. Hinawakan nya yung mga balikat ko.


"Wala kang dapat intindihin Dana, basta magtiwala ka kay Jimuel" sabi nya. Umiling ako. Paano kung sya naman yung mapahamak? Ha? Hindi pwede yun.


Tumayo ako at kinuha ko yung mga gamit ko. Pupuntahan ko sya, baka nandoon sya sa tree house nya. Itatanong ko sa kanya kung anong nangyayari. Bakit kailangan nyang umalis para protektahan ako.  


Palabas na ako ng gym ng humarang si Stephen sa dadaanan ko. 


"Where are you going?" tanong nya sa akin. 


"Pupuntahan ko si Jimuel itatano—" hindi ko natapos yung sasabihin ko ng singitan nya ako.


"No, you're not going anywhere" matigas na sabi nya. Heto na naman sya kung maka-utos sa akin. 


"Pero Stephen si Jimuel" sabi ko sa kanya. Lumapit sya sa akin at hinal ako papasok ulit sa gym. Hindi ako nagpahila sa kanya kaya napitigil sya. Nakatinginan kaming dalawa hanggang sa tumunog yung cellphone kong hawak ko. Pagtingin ko tumatawag si Jimuel. Sasagutin ko na sana ng hablutin ni Stephen yung cellphone at ibato.

Tumingin ako sa kanya at nagsimula ng tumulo ang mga luha ko.


"Ano ba Stephen! Bakit mo binato! Ha? Nakaka-inis ka na! Lahat na lang ba ng gagawin ko kailangan kokontrahin mo? Lahat na lang ba ng gusto kong gawin kailangan aprubado mo ha? Oo, anak ako ng kasambahay nyo pero sana naman kapag personal na bagay hindi mo na ako pinakikielaman. Pinalalayo mo ako kay Mark, pinalalayo mo ako kay Jimuel! Anong sunod? Palalayuin mo na din ako kay Jin? Kay Vincent? Kay Cherry?. Pinalalayo mo ako sa mga taong gusto kong maging kaibigan ng walang sinasabing dahilan! Bakit masama bang maging kaibigan sila? Naiinis ako sayo!" wala na sumabog na ako. Matagal na akong nagtataka kung bakit nya ginagawa laht ng iyon sa akin. Wala naman akong nakikitang masama sa pakikipag kaibigan kay Mark at Jimuel pero sa ayaw nya. Nakaka-inis sya!!


Pinunsan ko yung mga luha ko at umuwi na. Pagdating ko sa bahay ay nagkulong ako sa kwarto at umiyak. Wala akong naiintindihan, feeling ko pinaglalaruan lang nila ako. Hindi porket bago dito at wala akong alam sa nakaraan nila ay ginaganito nila ako.


"Mom can you lend some ear" napatigil ako sa paglalakad ng marinig kong magsalita si Stephen. Parehi silang naka-upo sa may pool ni Mam Saira.

Everything Has ChangedWhere stories live. Discover now