50

2K 62 12
                                    

Author's Note:
Hi everyone! Before we proceed to this chapter, I would like to say that, extended po 'to hanggang more than 50 chapters. Yung totoo kase dapat compose lang 'to ng 50 chaps pero hindi pa talaga siya tapos. That's why, mag e extend tayo. Thank you for being with me until the very end of this story. I really appreciate all of your efforts, patience and love within this series. Thank you! Sana mag stay pa kayo hanggang sa mga susunod na story o series na gagawin ko. Lovelots, ackes <3

-----

Kasalukuyan pa din akong nasa loob ng kwarto ni Liam. Umiiyak. Iniisip na sana lahat ng 'to ay hindi totoo.

Kung mahal mo ang isang tao, bakit kailangan mo pang mang iwan sa kabila ng lahat?

Do I deserve all of this pain? Kinuha na sakin si Mama, maging ang lalaking mahal ko, mawawala din? Saan ako huhugot ng lakas nito? Saan pa?

Tinignan ko ulit ang sulat at lahat ng yun ay sulat kamay ni Liam. This is a goodbye letter. God! Yung masayang araw ba namin kahapon ay planado na iyon? I mean, ginawa niya ba ang lahat ng yun dahil may igaganti siya pagkatapos? Lahat ba ng masasayang alaala dapat may kapalit na sakit? I don't know! Hindi ko na alam ang gagawin ko this time.

This day supposed to be a special day for me. Heto yung inaantay kong araw para sabihin sana lahat kay Liam. But now, look, ibang surprise ang sumalubong sakin. This is not what I asked for!

Dahan dahan akong tumayo kahit umiiyak pa din. Tinignan muli ang kabuuan ng kwarto niya. Walang buhay na ito. Wala na kahit ano. Bakit ngayon ko lang nalaman lahat ng 'to? Kailan pa siya umalis? Yung habang tulog ba ko? Huh?

Walang pasabi'y nagwala ako sa loob ng kwartong 'to. Kinuha at binato ko yung lamp shade na nagsisilbi ring ilaw sa kwarto niya. Binato ko yun sa 'di masabing direksyon at ang resulta nun ay pagkasira. Masyado na kong nagawa ng ingay sa loob kaya nagsidatingan ang mga katulong namin.

"Miss Yuri..." tawag nila sa pangalan ko.

Iyak pa din ako ng iyak. God! Paano niyang makuhang mangako at sisirain niya din pala ito na parang bula? Pinangako niya na hindi niya sisirain yung tiwala ko. Pinangako niya na hindi niya ko iiwan at mananatili lamang sa tabi ko. Kaya ba palagi siyang humihingi ng sorry for this few days? Maging ang tanong niya about sa second chance? If deserve niya nga ba yun. Deserve pa nga ba niya ang pangalawang pagkakataon pagkatapos niyang gawin 'to saken? Ewan ko! Hindi ko alam kong mapapatawad ko ba siya o hindi. Basta ang alam ko, ubos na ubos nako ngayon. Hindi ko alam kong saan pako huhugot ng lakas nito. Wala na yung mga taong nagbibigay ng lakas o suporta sakin. Lahat sila ay iniwan nako.

"Miss.. okay lang po ba kayo?" rinig kong tanong ulit ng isang maid sakin.

Kung pwede ko lang sabihin na hindi! Hinding hindi ako okay ngayon. Napaka sakit ng araw na 'to. Bakit kailangan pang magkaroon ng ganitong araw sa buong buhay ko, ha?

Hindi ako sumagot sa mga tanong nila. Kusa akong tumayo kahit alam kong nahihirapan ako. Tumayo ako at muling tinitigan ang buong sulok ng kwarto.

"How could you do this to me, Liam? After all the promises you made! After all!" inis kong sabi. I'm losing my hope this time.

Tumakbo ako palabas ng kwarto kahit ganon ang sitwasyon ko. Iyak ng iyak pa din ako habang tumatakbo. Gusto kong imulat muli ang mga mata ko baka sakaling nanaginip talaga ako ngayon. This is crazy!

Temptation Series #2: Liam Trinidad [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon