16

3.6K 97 15
                                    

"Diba magkapatid yan? Bakit ang sweet naman nilang dalawa? Mukha na silang atang mag jowa nyan."

"Kailan pa naging magkaclose sina Mr. Trinidad at si Miss Yuri?"

"Nakakainggit naman. Ngayon ko lang silang nakitang ganito."



Ilan lang yan sa mga bulong bulongan na naririnig ko galing sa ibang guests ng party. Nasa ganoong posisyon pa din kami at halos lahat ata ng tao ay natigilan sa nakikita nila ngayon. Agad akong napadilat ng matauhan ako at agad ring sumagi sa isipan ko si Mama. Ano kayang reaksyon niya ngayon? God! Bigla akong kinabahan kaya agad kong nilayo ang noo ko sa noo ni Liam. Nagulat siya. Pero mas pinilit kong hanapin si Mama para alamin ang reaksyon niya.

Agad ko siyang nakita na nakatayo katabi ang mga kaibigan nito. Direkta siyang nakatitig samin and at this moment, ang seryoso niya. Is she mad on us? Nararamdaman na kaya ni Mama ang nararamdaman ko towards my step brother? Kinabahan ako sa mga titig ni Mama pero patuloy pa din si Liam sa pagsayaw sakin habang ako naman ay wala na naman sa sarili. Natapos ang isang music na hindi man lang ako makafocus. Kita ko ang pagtataka ni Liam sa naging pagkilos ko. Pagkatapos ng sayawan na yun ay agad na kong umupo sa pwesto. Ang iba ay patuloy pa din sa pagsasayaw at ang iba naman ay naging matahimik na.

"Wow. Ano yun? Close na kayo?" tanong ni Francheska sakin habang kumakain ng carbonara.

Silang dalawa lang ni Loisa ang nandito. Nakita din pala nila ang lahat. Magsisinungaling na lang ba ko palagi sa mga tanong nila? Well, I guess, yun lang ang dapat kong gawin. Isang mali lang ay masisira ang lahat.


"Wala yun. Inutusan lang ako para dun. So, kamusta kayo? Bat natagalan kayo sa pagbalik?" pag iiba ko.

"Mukhang iniiba mo yung usapan dito ah. Natagalan kami ni Loisa kase napatawag si Nicholai sakin. He's mad. Kase iniisip niyang baka may pumorma sakin dito. Well. Masyadong paranoid na ang asawa ko." ani Francheska.

"Sinabi mo pa, Fran. Grabe yung asawa mo sayo.  Pero ramdam na ramdam ko na sobrang mahal ka nun. Sus, ikaw pa." sabi rin n Loisa sa harap ni Francheska.



Tumango tango lang ako para makisabay sa kanila. Pero sa totoo lang, sariwang sariwa pa din ang pangyayari sa pagitan namin ni Liam. Masyado na talaga akong nadadala. Damn! Halos gustuhin ko na lang magpakain sa lupa ngayon dahil sa hiya.


"Pero balik talaga tayo sayo, Yuri. Ano yun? Close na ata kayo ni Liam e? Di mo lang ata sinasabi samin." wika pa ulit ni Francheska dahilan para mapaisip ako kung magsisinungaling pa ba ko.


"H-Hindi. Hindi kami ganon ka close no. Wala lang yun. Kalimutan niyo na lang." depensa ko.


"Eh? Ganon? Well, fine."




Makalipas ang ilang oras at halos maghating gabi na.  Halos karamihan sa mga guests namin ay nagpaalam na para umuwi. Bago sila umuwi ay nagpapaalam muna sila kina Mama at Liam. Habang ako naman ay nakaupo lang dito sa table namin samantala ang dalawa ay hinanap si Monica dahil hindi na nakabalik simula ng pumunta ng cr. May pasulyap sulyap si Liam na ginagawa sakin, at ganoj din ang ginagawa ko. Buti na lang din at hindi na siya lumapit na sakin. Lumipas ang ilang minuto, nakabalik na ang tatlo, pero this time, inalalayan na nila si Monica. I think, nakatulog na 'to sa loob ng cr. Kaya nagpaalam na din sila para umuwi at agad ko rin naman silang hinatid sa gate.


Temptation Series #2: Liam Trinidad [COMPLETED]Where stories live. Discover now