32

2.6K 61 13
                                    

Liam:

Baby, goodnight. Sleep early. Thanks for today.
*/kiss your forehead; I love you.

Natapos ang buong araw na kasama ko siya. Pero ang mas nagpabuo pa ng araw ko ay ang text na galing mismo sa kanya. How sweet, Liam! Sinusumpa ko, hindi ka ganito noon. Na inlove lang tayong dalawa naging ganito na tayo. Seriously. Love really changed a lot! Indeed.

I sleep that night without realizing that I'm still smiling for the whole time. Crazy, Yuri!


In the next day...

Payapa akong gumising at agad nag unat ng mga kamay para mabuhayan ang mga 'to. Ayan na naman ang mga ngiti na hindi maalis alis sa mga labi ko. Damn! Tumayo na muna ako tsaka kumuha ng towel para makaligo at makabihis ng maayos.

Hour passed by. Natapos rin ako. Syempre hindi mawala ang pagsulyap sulyap ko sa salamin upang makita ko ang repleksiyon ko doon. I smiled when I saw my face and of course my body. Walang kupas. Alagang alaga. Just kidding.

Lumabas nako ng kwarto tsaka tumungo sa kusina upang makapag umagahan na rin. Pero bago nun, nakita kong nag uusap sina Mama at Liam sa sala kaya't naging chismosa slash marites mo na ako sa mga oras na yun. Curious lang ako sa pinag uusapan nila. That's all. Sinadya kong magdahan dahan sa gawi nila at para makirinig rin sa pinag usapan ng dalawa.

"Dont worry, nasabihan ko na sila tungkol roon." rinig kong sabi ni Liam kay Mama.

"How about the event organizer? Nasabihan mo na ba sila?" tanong ni Mama.

"Hindi na. Hindi nako kukuha ng event organizer. Simpleng celebration lang, kain at inuman. That's all. Ang mahalaga maging masaya tayo sa oras na yan." sagot pa ng lalaki.

At dun ko na realize na tungkol pala iyon sa celebration na pinagplanohan ni Liam para sa lahat. Kahapon ay nasabihan niya na rin ang lahat ng empleyado na maghanda mamayang 5 pm para sa gagawing celebration sa company mismo. Masaya ang lahat ng marinig iyon. Sino ba naman kase ang hindi matutuwa sa naging achievement ng company, diba?


"Ikaw ang bahala. Mabuti at naisipan mo ito." Ani Mama.


"Kailangan natin ito. Napaka swerte natin dahil naabot natin ang ganon kalaking achievement sa isang araw lang. Kaya't kailangan natin mag celebrate kahit papaano." sagot ni Liam.

Para akong tanga sa mga sandaling yun. Halos tumigil na pala ako sa paglalakad dahil nakinig na ako sa pinag uusapan nilang dalawa. Bumalik ang buong atensyon ko kaya't naglakad na ako patungo sa destinasyon ko.

"How about Iconix Brand Group Inc?" rinig ko pang tanong ni Mama.

"Nasabihan ko na si Mr. Valente tungkol rito at baka bumisita siya. At sabi rin nito na baka may ibigay siya sa celebration mamaya para sa mga employees natin. Pero,  gagawa rin sila ng celebration na dun mismo gaganapin sa company nila. Maybe, next week? Of course, with us. Ayon siguro ang pormal na celebration natin lahat." paliwanag ni Liam.

"I see. Mabuti at klaro ang lahat."

"Yeah."

Malapit nako sa kusina ng biglang may tumawag sakin.


"Yuri, hindi ka ba makikinig rito?" rinig kong saad ni Liam. Nakita niya ko? Gagi. Malamang?

Nahiya ako ng kunti dahil mukhang napansin niya ata ako na nakikinig sa usapan nila. Maging si Mama ay lumingon sa gawi ko kaya't lalo akong nakaramdam ng hiya sa harap nilang dalawa.




"Sorry. Naabala ko ata yung pag uusap ninyo. Napadaan lang talaga ako." giit ko gamit ang malumanay na tono.




Kita ko ang pag ngisi ng lalaki habang 'di naman iyon napansin ni Mama. Napailing ako sa walang oras dahil sa ginagawa niya. 




Temptation Series #2: Liam Trinidad [COMPLETED]Where stories live. Discover now