27

3.1K 87 22
                                    

I let him sleep in my shoulder even though it might be hard for him. Kahit ako ay nahihirapan sa posisyon niyang yun. But still, I let him sleep peacefully. Di ko maiwasang tignan siya habang natutulog ng mahimbing sa balikat ko. His eyes, nose and even his lips.. masyadong nakakaagaw ng pansin ang mga yun. I look away just to make myself calm again. After an hour, naramdaman ko ang paggalaw niya dahilan para sumagi sa isip ko na gising na ito. Pinilit kong kumalma kahit taliwas ang sinasabi ng katawan ko. I'm shakin' because of his presence besides of me. How could I end up with this kind of affection?

Umayos siya ng upo dahilan para tuwid rin akong umupo sa tabi neto. Kita ko kung paano pumungay ang nga mata niya at mas lalo pang lumantad ang kapogian neto. Kahit bagong gising pa yan, ang lakas pa rin ng karisma niya para sakin. At dahil dun, halos manghina ang buong sistema ko. God.

"Sorry. Nakatulog ako." mahina niyang sambit at sabay ayos ng buhok nito.

"Ah. Ayos lang. I guess, pagod at antok kapa." Ani ko.

Tumango siya.  Ramdam ko ang mga titig niya pero hindi ko kayang labanan yun sa mga oras na to. Kinakabahan ako dahil isang maling galaw lang, ay mahuhuli kami rito. So, we need to act normally to avoid confusion.

"Can you please stop staring?" bulong ko habang di nakatingin sa kanya.

"Why so pretty?" aniya dahilan para lumingon ako.

Darn, butterflies! Nabubuhayan pa sila lalo dahil sa mga pinagsasabi nitong lalaking 'to. 


"Mag ayos kana nga dun. Mas mabuti pang early tayo dun kesa tayo pang hintayin ng mga guests." pag iiba ko pero yung totoo ay hindi ko rin maiwasang kiligin.

"I will. Mag aayos na rin ako. Then, you, don't wear too much revealing for tonight... at baka ano pang magawa ko pagnagkataon." Aniya pero halos pabulong na ang huling pahayag neto.

Crazy! I know, iba na naman ang nasa isip nito. Kailan ba nagsimula si Liam sa pagiging possessive, ah? I don't remember, when.



"I'm not sure. Si Mama ang bumili ng susuotin ko kaya wala akong idea Kung revealing ba iyon o hindi."


"I'll gave you my credit card then."

Natigilan ako sa sinabi niya. Anong pinagsasabi neto?


"Anong gagawin ko sa credit card mo?" I asked, na tila ba'y wala talagang alam.

"Buy a simple but elegant dress or anything. Wag lang masyadong kita na ang kaluluwa mo. I can gave you all of my credit cards if you want. But pick nicely and not so revealing." He insisted.


Halos mapakurap kurap ako sa mga sinabi niya. Seriously? He acts like a sugar daddy, huh! Just kidding. Pero, si Liam pa ba talaga 'to? Masyado na talagang nakakapanibago. I can't help it.

"I guess, may sugar daddy nako." Ani ko sabay ngisi.

Tumaas ang kilay niya. It seems that, hindi niya nakuha ang sinabi ko.

"What do you mean?" tanong pa niya.

"Wala. Mag ayos na tayo. Anong oras na o." tumayo nako para makapagsimula na rin na mag ayos.

Hinintay ko ang susunod niyang gagawin pero nakaupo pa rin siya at nakatitig lang sakin. Ano na naman 'to? Is there something wrong? Kusa akong nag iwas ng tingin dahil mukhang hindi ko kakayanin kong ipagpapatuloy ko pa iyon. Titig lang ng nag iisang Liam Trinidad ang nakakapagpapabaliw sa isang Yuri Celestine. Only him!

Tatalikod na sana ako para tuluyan ng umalis ng bigla na naman siyang magsalita galing sa likuran ko.

"Wait.."

Temptation Series #2: Liam Trinidad [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon