3

4.6K 118 10
                                    

"Ang landi mo pa din hanggang ngayon. Or should I say, mas lalo kang naging malandi, Yuri."

"Ang landi mo pa din hanggang ngayon. Or should I say, mas lalo kang naging malandi, Yuri."

"Ang landi mo pa din hanggang ngayon. Or should I say, mas lalo kang naging malandi, Yuri."

Tumatak ang katagang yun sa isipan ko. Halos gusto kong sumigaw dahil sa inis at galit na mayroon ako ngayon. Hindi ko na namalayan na malayo na pala ako sa company namin.  Walang taong sumunod at wala ring pumapansin sakin. Nagpatuloy na lang ako sa paglalakad habang pinupunasan ang mga luha sa pisnge ko.

Akala ko magiging  maganda at maayos ang araw kong to. Pero halos mabigo ako ng sobra. I expect na hindi na gagawa ng rason si Liam para magalit ako sa kanya o 'di kaya ay mainis.  Pero sa ginawa niyang to, hinding hindi ko siya mapapatawad. Tumatak ng sobra yung mga katagang binitawan niya kanina. Pinahiya niya din ako sa harap ng maraming tao. Ayokong magkaroon ng pamilya na gaya niya habang buhay. I hate him so much! Argh!

Hindi ko alam kong saan ako pupunta sa mga oras na to. Basta ayoko munang umuwi sa bahay. Baka ano pang magawa ko sa mokong yun pagnagkataon. Nagpatuloy lang ako sa paglalakad hanggang sa napagod na ang mga paa ko kakalakad. Tumigil ako sa isang park na malayo na sa company namin. Umupo ako sa isang bench, at pinanood ang ibang mga tao na naririto. Halos mga bata lang ang naglalaro at doon ko na lang tinuon ang pansin ko.

Masyadong mabilis ang mga pangyayari at maging ang oras.  Unti unti ng lumulubog ang araw, hudyat na para dumilim. Hanggang ngayon, nandito pa din ako, nakaupo at nakakatitig lang sa mga taong dumadaan. Medyo kumalma na din ako pero ayoko pa talagang umuwi.  Gusto ko din sanang tawagan sina Francheska at ang iba, pero nag aalinlangan ako na baka busy ang mga  yun. Kaya mas minabuti ko na lang na mag isa sa mga sandaling to.

"Parang uulan ata. Umuwi na tayo!"  rinig kong  sigaw ng isang batang lalaki sa mga kasamahan nito.

Umuwi na ang lahat at ako na lang mag isa ang naiwan. Tinignan ko ang kalangitan at parang uulan nga ata. Pero binalewala ko pa din yun at tumunganga na parang ewan. 

"Sana 'di ko na lang nakilala si Liam. Sana 'di ko na lang siya naging kapatid. Sana 'di na lang kami nagkaroon ng bagong  pamilya. Ayoko na sa ganitong buhay. Masyado na kong nasasakal at nasasaktan!"  Wala sa sarili kong saad at dun na naman tumulo ang mga luha ko.

Simula ng una, maganda ang pakikitungo ko sa kanya pero siya tong nagbibigay talaga ng rason para hindi ko siya magustuhan o pakisamahan. Tinanggap ko ang desisyon ni Mama na makisama sa bagong pamilya nito at buo ang respeto ko sa kanila ni Liam. Bakit ganon na lang galit niya sakin? Bakit parang ayaw niya sakin? Why?

Hanggang sa naramdaman ko na lang na medyo nababasa na pala ako ng ulan. Tama nga ang sabi ng mga bata kanina na uulan talaga ngayon. Damn. Tumayo na'ko at lumakad na ulit. Mas nagiging malaki na talaga ang buhos ng ulan kaya halos basang basa na ang suot ko at maging buong pagkatao ko. Kita ko ang pagtitig ng mga taong nakakasalubong ko at maging sa nga restaurants o coffee shop. Masyado pang malayo ang bahay namin kaya mas mabuti iyon para mas gabi na'ko makauwi at hindi makita ang mokong yun.


Lumipas ang higit isang oras na paglalakad ko, nakarating na din ako sa harap ng bahay. Nakita ko na bukas pa ang ilaw nito kaya 'di muna ako nagpatuloy sa pagpasok doon. Hanggang ngayon ay umuulan pa din at wala na kong pake sa sarili ko. Posibleng magkasakit na din ako dahil sa ginawa kong to, pero bahala na.

Ng tumugal ay namatay na ang lahat ng ilaw sa bahay hudyat na tulog na sila. Grabe. Hindi man lang nila ako hinanap o sinundan. Wala talagang konsensya si Liam. I know, Mama will get mad on me but still, I have my main reasons for this. Pumasok ako sa loob, pero doon ako sa likod ng bahay dumaan para hindi nila maramdaman ang presensya ko. Laking pasasalamat ko ng makaakyat ako sa taas at makapasok sa kwarto ko. Hindi ko na binuksan ang ilaw para 'di nila malaman na nandito na'ko. Sobrang basa na ang damit ko kaya bumihis ako ng pambahay. Kumuha din ako ng blower para sa pagpapatuyo ng buhok ko. Hanggang sa 'di ko namalayan na nakatulog na pala ako dulot na din ng pagod.



Temptation Series #2: Liam Trinidad [COMPLETED]Where stories live. Discover now