54. His gift

147 12 0
                                    


Farrah

"Hays—"

"Hindi ka ba napapagod kakabuga mo ng hangin?" Si Poisonus. 'Di ko namalayan na nasa veranda na rin pala silang dalawa.

"Hindi." Sagot ko at muling napabuga ng hangin.

"Farrah! Halika muna rito." Pagtawag ni ama kaya naglakad ako papasok sa silid.

Matamlay akong umupo sa tabi nito, "parang matamlay ka ata, kumain ka na ba?" Tanong ni ama.

'Kumain ba ako?'

"Uminom lang." Sagot ko.

"Sabing huwag mo nang aalmusalin ang alak mula sa silangan lalo na at wala pa palang laman ang tyan mo." Iritang pinagsabihan ako ni ama.

"Habang ika'y kumakain, isulat mo rito ang iimbitahan mo sa iyong kaarawan." Iniabot n'ya sa'kin ang malapad na papel.

"Sige..." Usal ko at matamlay na lumabas ng silid. Nang masara ko na ang pinto ay parang gusto ko tumalon sa tuwa.

"Nakalaya na ulit! Hihi!" Halos mapatalon ako sa tuwa.

"A-Ano ang ginagawa mo kamahalan?"

Napatigil ako nang marinig si Theo.

"Nag-sasaya." Sumeryoso ang mukha ko at nilapitan s'ya.

"Nagugutom ako, pwede bang dalhan mo 'ko ng pagkain sa kwarto? Salamat!" Sambit ko at nilagpasan s'ya.

Pagkapasok ko sa kwarto ay humilata agad ako sa kama, "ang daming nangyari..." Usal ko at niyakap ang unan.

"Hmm, parang ang tagal na nang muli akong humiga sa kama na 'to..." Usal ko.

Bumangon ako at nilapitan ang bookshelves at naroon nga ang mga librong tinutukoy ni Fergus, ang tungkol sa pag-lipat ng kaluluwa.

"Parang freaky friday lang." Sambit ko at isinuli ang libro.

Lumapit naman ako sa lamesa. Hinanda ko ang papel at ang panulat upang mag-simula. Aasikasuhin ko rin pala ang kontrata ni Sebastian at dahil naririto na ako, gagawin ko na agad ito.

Sino pa kaya ang iimbitahan ko? Hmm... si Doña... Sebastian...

"Sino pa ba? Ay, si Prinsesa Penelope at ang magkapatid na prinsipe sa timog. Syempre, hindi masaya ang kaarawan ko kung walang kaguluhan." I giggled.

"Kamahalan, ito na ang iyong pagkain. May ipag-uutos pa ba kayo?" Pagpasok ni Theo ay inilapag sa sala ang pagkain.

"Maaari mo bang tawagin si Aida at paki-tanong kay ama kung may limitasyon ang numero ng iimbitahan." Bilin ko at tumango s'ya bago lumisan.

Inilapag ko muna ang aking panulat upang kumain.

'Yum! Fish fingers! Sarap talaga mag-luto ni Theo.'

"Hmm..." pag-namnam ko sa pagkain. Uminom din ako ng orange juice.

"Kailan nga ulit ako kumain ng tatlong beses sa isang araw? Ang daming ginagawa!" Kausap ko sa sarili habang ngumunguya.

"Paano kaya kung magpalaro ako sa bukas makalawa? pwede ko naman sabihin kay ama." Sambit ko. Anong laro? Aba syempre pagalingan pumana! Ano ang premyo? Baka si ama na ang hahayaan kong mag-isip ng magiging premyo.

"Kamahalan? Ano po ang iyong ipag-uutos?" Pag-pasok ni Aida sa silid.

"Kailangan ko ng masusuot sa aking kaarawan, maaari mo ba ipakita sa'kin ang magagandang tela mula sa Asther?" Tanong ko.

"N-ngayon na ba, kamahalan?" Tanong nito pabalik.

Tumango ako, "iyon lamang, salamat."

Yumuko si Aida bago lumisan. Nagpatuloy naman ako sa pag-kain ng hinain ni Theo sa'kin.

Center Empire PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon