51. Bond

138 11 0
                                    

Farrah

'Tsk, bakit pa ba sumunod ang prinsipe na 'to sa'kin.'

Mabilis kong pinatakbo ang kabayo at sumabay din si Liam sa'kin. Nasa gitna kami ng gubat kaya mahihirapan ako kung saan dapat dumaan.

'Kung kabisado ko itong gubat, dapat iniligaw ko na ang lalaking 'to.'

"Dito ang daan." Pag-hila n'ya sa sa tali ng kabayong sinasakyan ko kaya halos mawalan ako ng balanse.

Pinatigil ko ang kabayo at gayundin naman s'ya.

"Ano ba ang problema mo?!" Inis na sigaw ko. Sabay kaming bumaba ng kabayo at kinompronta ang isa't isa.

"Ikaw! Akala ko ba napag-usapan na natin ito Farrah?! Kung hindi kita nakitang paalis kanina, tiyak na kung saan-saan ka na nakarating."

Alam ko namang napag-usapan na namin 'to kagabi ngunit ngayon? Gusto ko na lamutakin ang mukha ni Adam.

"Sinabi ko na sa'yo —"

"Talaga nga namang napaka-tigas ng ulo mo Farrah, makinig ka naman sa'kin minsan!" Hinawakan n'ya ang magkabila kong balikat. Nagulat ako sa kanyang tono, galit na galit.

"Agh, nakakainis ka, mahal ko..." Usal nito at niyakap ako.

Natauhan ako sa aking mga pinanggagawa.

"Patawad, binalot lamang ng puot at galit ang aking kalooban. Gusto ko na silang gantihan." Pag-yakap ko sa kanila pabalik.

"May tamang panahon para riyan, hindi mo dapat pinapairal ang galit mo." Bulong n'ya. Tumango ako at humiwalay mula sa pagkakayakap.

Tama si Liam. Ang tigas lang talaga ng ulo ko at kahit sino naman siguro ay walang makakapagpasunod sa'kin.

At isa pa, bakit ba ako pupunta nang mag-isa roon? Alam ko naman sa sarili ko na ako ang target ng nga hayop na yun!

Nadala nanaman ako sa sarili kong emosyon...

Hindi ko lang matanggap ang lahat ng ginawa nila sa mga taong may dalisay at mabuting kalooban. Nakakainis.

"Pangako." Usal ko at hinalikan s'ya sa pisnge.

"Bumalik na tayo, hindi ko gusto ang simoy ng hangin sa gubat na ito." Anito at inalalayan akong maka-akyat sa kabayo.

Habang pinapanood ko s'yang ayusin ang aking inuupuan ay may naaninag akong tila'y kumikinang sa itaas ng puno. May papana sa amin.

Sinipa ko si Liam na dahilan ng bahagyang pag-atras nito.

"Farrah!" Iritang sigaw nito sa'kin.

"P-patawad mahal ko, hahalikan na lang kita mamaya." Palusot ko at ginamit ang buong lakas ko upang hilain s'ya pasakay sa kabayo.

Mabuti na lamang ay marunong s'yang sumunod sa bawat galaw ko. Tiyak na naramdaman n'ya rin ang presensya ng mga kalaban.

Bago pa kami paulanan ng pana ay pinatakbo na ni Liam ang kabayo.

'Mas mabilis pala ang reaksyon ng lalaking ito, nakakatakot.'

"Narito na sila." Inis na buntong hininga nito. Nasa harapan ako ni Liam. Kung hindi kami lalaban, hahabulin kami ng mga gunggong na 'to.

Hinanda ko ang pana na dala ko at umangat sa kabayo. Nakapatong ang magkabilang tuhod ko sa kanyang hita upang mabalanse ko ang aking sarili.

"Anong ginagawa mo? Gusto mo ba malaglag!?" Iritang tanong ni Liam. Hinablot ko ang kaliwang kamay n'ya at pinulupot sa bewang ko.

"Huwag mo akong hahayaang malaglag, mahal ko." Sambit ko at pinana ang mga kalaban na nakasunod sa likuran.

Mabuti na lamang ay hindi pa rin nawawala ang galing ko sa pag-gamit ng pana. Asintado pa rin ang bawat tira.

Bibitawan ko na ang arrow nang bigla n'yang iniliko ang direksyon. Mabuti na lamang ay mahigpit ang pagkakahawak n'ya sa'kin at nagawa ko pa ring tamaan ang kabayo ng isa.

Hindi kalayuan ay tanaw ko na si Mustafa na mabilis ang pagpapatakbo sa kabayo at nakahanda na ang kanyang espada.

Tinapik ko ang balikat ni Liam, "we have a situation here."

"HINAHAMON KITA PRINSIPE!" Hiyaw ni Mustafa.

Umayos ako ng upo sa kabayo bago ito pinatigil ni Liam.

"Manatili ka rito." Bilin n'ya bago bumaba.

Tumigil din si Mustafa at bumaba ng kanyang kabayo, "bakit hindi tayo mag-pustahan, Prinsipe Liam?"

Nilingon ako ni Liam. Alam n'ya ang takbo ng pustahang sinasabi ni Mustafa.

Ako ang tinutukoy na pustahan ng dalawa.

May tiwala ako sa aking prinsipe kaya ako tumango.

"Sige." Maikling tugon ni Liam.

Sa sobrang bilis ng kanilang galaw ay hindi ko halos mapansin ang susunod nilang mga galaw, "kahanga-hanga..." Usal ko.

Ang huling sulyap ko ay may dugo na sa lupa at hindi ko nakita kung kanino galing ang dugo at kung sino ang may gawa. Nakakatakot pala talaga kung naging kalaban ko ang prinsipe na 'to.

Ilang minutong paglalaban ay nag-salita si Liam na silang dalawa lamang ang makakarinig.

Nag-bago ang ekspresyon ni Mustafa na animo'y nadismaya sa kung anong sinabi ni Liam. Ang resulta, umatras si Mustafa upang sumuko.

"Natalo ka, Mustafa. Pag-handaan mo ang kahihinatnan." Sambit ni Liam habang pinapasok ang espada sa lalagyan nito.

Tinalikuran nila ang isa't isa. Lumapit sa'kin si Liam.

"Kahanga-hanga, mahal ko." Ani ko habang ito'y umaakyat sa kabayo.

Niyakap n'ya ako mula sa likuran at pinatong ang ulo sa aking balikat, "ang mahal ko..."

Hinaplos ko ang buhok n'ya, "magpahinga ka muna." Bulong ko at pinatakbo na ang kabayo.

'Masyado ka na atang napagod Liam, sorry. Bakit kasi hindi ko ma-kontrol ang aking sarili kapag nagagalit ko naiinis.'

"Patawad, Liam..." Usal ko.

Humigpit lalo ang kanyang yakap, "hindi, paparusahan pa kita sa pag-sipa mo sa'kin kanina." Umangat ang ulo nitong inis na inis na tumingin sa'kin.

Napatawa ako, "sorry na nga! Iniwas lang naman kita sa kalaban."

Ngumuso ito, "sabi mo hahalikan mo 'ko? Nasaan na ang halik ko? Gusto ko ng matagalang halik." Anito.

"Patawad prinsipe ko, hindi kita mahahalikan kung ganito ang ating posisyon." Mapaglarong sabi ko sa kanya.

Pinanliitan n'ya ako ng mata at kinagat ako sa balikat, "a-aray ko naman!"

Hinampas ko ang hita n'ya nang gawin n'ya yun. Napatawa s'ya at isinubsob ang mukha sa balikat ko.

"Napakaganda mo talaga, aking tinatangi."

Julia

"Narito ka pala!" Bati ko kay Aifrel nang makita ko s'ya sa bintana ng silid-aklatan, nagpapahangin.

"Anong ginagawa mo rito?" Tanong n'ya at isinara ang librong binabasa n'ya.

"Iniiwasan mo ba ako?" Taas kilay kong tanong. Hindi s'ya sumagot at tumingala lamang sa langit.

"Hindi kita iniiwasan, nagpapahangin lamang ako rito upang mahimasmasan sa mga iniisip ko." Sagot n'ya.

Nilingon n'ya ako, "hindi mo pa nasasagot ang tanong ko, ano ang ginagawa mo rito?"

Naglakad-lakad ako bago mag-salita, "Ewan ko nga ba't pumunta ako rito para lamang makita ka." Bahagya akong napatawa at bigla na lamang akong nakaramdam ng hilo.

Center Empire PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon