49. A Pleaser

133 12 0
                                    


Farrah

"A-Agh, d-dahan-dahan! Mahapdi." Reklamo ko habang dinadampian n'ya ng gamot ang kamay ko. Naka-upo ako sa gilid ng kama at naka-luhod naman s'ya sa aking tapat.

"Ang sabi ko huwag kang mag-salita diba?" Tanong nito at tumayo mula sa kanyang pwesto at nilapit ang ulo n'ya sa'kin. Kinagat n'ya nanaman ako sa tenga.

Kanina n'ya pa ito ginagawa, halos ang dibdib at leeg ko ay pulang-pula dahil sa kagat at pag-halik n'ya. Hindi ko alam na ganitong parusa ang ibibigay n'ya.

"A-ah, Liam, tigilan mo na nga 'to." Saway ko.

"Hindi, kung hindi ka makikinig sa'kin." Sambit n'ya at muling lumuhod upang magpatuloy sa paggamot ng aking mga sugat.

Nang malagyan n'ya ng benda ang aking kamay at braso ay ang tuhod at hita ko naman ang ginamot n'ya. Mga gasgas lang naman ang mga nasa tuhod ko.

"Kapag nasugatan ka ulit sa mga pinanggagawa mo, paparusahan kita ng mas malala pa rito." Parang may banta sa kanyang boses.

"T-Teka mahapdi." Reklamo ko nang idiin ba naman n'ya sa tuhod ko ang gamot.

Napangisi s'ya at ipinatong sa balikat n'ya ang aking hita. Nagulat ako sa sunod n'yang ginawang pag-dila sa aking hita at sinipsip pa ito, "Aah, s-sandali..."

Napasabunot ako sa kanya upang pigilan s'ya. Pumatong s'ya sa'kin at marahan naman akong napahiga sa kama, "ang ganda mo."

Marahan naman akong napatawa, "stop talking."

Kung saan-saan gumala ang malikot n'yang kamay habang hinahalikan ako, "mamaya na natin ituloy, iuuwi muna kita." Pag-halik n'ya sa aking noo.

"Sa susunod ay hindi na kita papasuotin ng ganyan, nahihirapan akong hubaran ka." Reklamo ni Liam.

Napatawa ako sa kanyang sinabi, "sira."

Marahan n'ya akong binangon sa kama at hinaplos ang aking pisnge, "huwag mo na uulitin iyon, hindi ko alam ang aking gagawin kung may mangyari ulit sa'yo."

Kumapit ako sa kanyang kamay habang nakatingin sa kanyang mga mata, "patawad, gusto ko lamang maibsan ang sama ng loob ko."

"Alam ko, dapat sa'kin mo na lamang inilabas para maramdaman ko kung anong klaseng hinanakit ang nararamdaman mo." Pag-haplos nito sa aking pisnge.

Napayuko ako. Dahan-dahang inangat ang kamao at hinampas s'ya sa dibdib. Palakas ito nang palakas hanggang sa kanya ko na nga ibuntong ang aking sama ng loob.

"Hindi ko sila mapapatawad..." maya-maya'y tumigil na ako dahil sa pagod.

Niyakap ako ni Liam.

"It's okay, everything will be fine..."

Sumeryoso ang aking mga mata habang naka-akap si Liam. 'Hindi Liam, digmaan na 'to.'

"Bumalik na tayo sa palasyo, paki-usap." Usal ko.

Pilit s'yang ngumiti, "kung iyan ang iyong kagustuhan, aking mahal."

Lumisan s'ya ng silid upang asikasuhin ang aming pag-alis. Hindi pa dapat ako aalis dahil nakakahiya naman kay Doña Cintia...

Agh! Kailangan ko nang kumilos agad.

Habang inaayos ko ang gulo ng kama ay biglang may pumasok na entremetido sa silid, may hawak na patalim, at may maskara.

Pansin ko ang kanyang panginginig kaya napagtanto ko na napag-utusan nanaman ang isang 'to.

Walang patalim sa silid, maging ang espada ni Liam wala rito. Maliban sa gintong kutsilyo ko. Hindi ko naman dapat ginagamit 'to sa mga karaniwang tao, kadiri.

Center Empire PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon